Naniniwala ang mga nilalang ng Heran, isang bayan na nahahati sa apat na isla, na ang tanging makakapag isa sa nawasak na kaharian ay ang Paraluman, ang binibining nagtataglay ng kaluluwa ng diwata ng buwan at ang pitong mandirigma na nakatakdang protektahan ang babae sa pwersa ng kasamaan. Hindi inakala ni Hiraya na siya ang hihiranging Paraluman. Nasa kanyang balikat ang responsibilidad na hanapin at tipunin ang pitong mandirigma ng diwata ng buwan upang pabagsakin ang kanilang kalaban. Hanggang saan ang kayang isakripisyo ng isang bayaning hindi naman ginustong makipag digma? Hanggang saan ang kaya mong bitiwan para sa ikabubuti ng lahat? Tunay nga bang kayang magbigay ng liwanang ng buwan kahit sobrang dilim pa ng kalangitan?