Written by Yuna Lee Si Wendy Camero, at the age of twenty ay nagawang maitaguyod ang sarili at natutong tumayo sa sariling mga paa. Ang dahilan, tumakas siya sa poder ng mga magulang dahil gusto ng mga ito na ipakasal siya sa anak ng amo ng kaniyang ama. Bukod pa doon ay broken hearted din siya dahil sa natuklasang panloloko ng bestfriend niya at ng boyfriend niyang si Tristan. Dahil doon nagpakalayu-layo siya at piniling mamuhay ng malayo sa tulong ng kaniyang kababatang si Kian. Nakitira siya sa bahay nito, para makabayad sa pagpapatira sa kaniya ng kababata ay pinasok niya ang iba't ibang uri ng partime job. Dahil sa mapaglaro ang tadhana, tatlong lalaki ang hindi niya inaasahang makakasama sa iisang bahay. At hindi niya alam na ang isa sa mga ito ang dahilan ng pagtakas niya sa mga magulang, isa sa tatlong lalaki ang nakatakda niyang pakasalan. Paano tatakbo ang buhay ni Wendy, kasama ang tatlong lalaking magpapagulo sa kaniyang dating tahimik na mundo. ABANGAN!
30 parts