Naniniwala si Dada na ang perpektong mapapangasawa ay ang 'the one'- lalaking guwapo at mayaman. Kaya deadma sa kanya ang maskuladong tagamasa ng tinapay ng landlady nila at deadma din sa kanya ang mga guwapong pangit na nakikita niya sa mall. Pero pinaglalaruan yata siya ng kapalaran dahil isang araw ay nasira ang kanyang paniniwala nang dumating ang bago nilang kapitbahay na si Matt- guwapo lang ito at hindi mayaman. Hindi lang simple ang pagdating nito sa buhay niya dahil sa unang araw ng pagkakakilala nila ay ninakawan siya nito ng halik matapos niya itong maabutan na nagsasayaw na tanging boxers ang suot....Posible kayang tulad ng mga sale sa mall ay bumaba din ang standard niya sa 'the one' at papasa na kahit guwapo lang si Matt???