Rebellion Series #6 "Kaya mo bang mahalin ang taong di pa tapos magmahal ng iba?" Nang makilala ko siya, puno ng saya ang mata niya parang walang sakit na dinaramdam. Pero nang malaman ko ang laman ng puso niya, nasasaktan at nahihirapan pala siya. Nasasaktan dahil sa babaeng mahal niya. Hindi ko alam pero habang tumatagal na nakikita ko siya ay gusto kong burahin ang sakit at pangungulila sa kaniya. Gusto kong makalimot siya at kahit alam kong hindi maari ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nagmamahal sa kaniya....Kahit hindi pa siya tapos magmahal ng iba. Kaya ko nga bang manatili sa tabi niya at turuan siyang makalimot? O umalis para isalba ang puso ko bago pa niya ito tuluyang madurog? Kaya nagdesisyon akong itago ang nararamdaman ko nang sa ganon ay maprotektahan ko ang aking puso habang nanatiling nagmamahal sa kanya. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan nga ba akong mananatiling magmahal ng taong di pa tapos magmahal ng iba?