Si Shyne Mae Cruz ay anak ng isang kilalang business man, ang ina naman nito ay sikat na modelo, kaya hindi nakakapagtakang magaling sa dalawang larangang ito ang ate niya. Kilala at tinitingala ang pamilya nila, marami ang nangangarap ng buhay na meron siya. Pero paano kung ang buhay na pinapangarap nila ay ang buhay na gustong-gusto niyang takasan at kalimutan. Nakakatawa kung paanong may mansyon kang inuuwian pero parang wala kang tahanan. May pamilya kang matatawag, napaka perkpekto kung titignan pero tila ba ito ay banyaga. May pangalan ka pero hindi mo alam kung sino kang talaga.
5 parts