When you love someone, you love the whole person, just as he or she is and not as you would like them to be. NANG dahil sa isang kasunduan ay ikinasal sina Raymond at Isabel sa kabila nang malaki nilang pagtutol. Hindi pa sawa sa buhay-dalaga si Isabel kung kaya lahat ng ginagawa ng isang walang asawa ay ginagawa niya. Hanggang sa malaglag ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Kagay ni Isabel, hindi pa rin sawa sa buhay binata si Raymond. Kaya ganoon na lamang ang galit ng lalaki ng sapilitan ikasal kay Isabel at lalong lumalim ang galit niya sa asawa nang malaglag ang dapat ay anak na nila. Saan hahantong ang buhay mag-asawa nina Isabel at Raymond na walang namamagitang pag-ibig? Magising pa kaya sila sa katotohanan at matuklasan kung sino ang hinahanap ng kanilang mga puso?