CHAPTER 1

10 1 0
                                        

LIMANG taon palang si Raymond nang maulila sa ina. Namatay ang ina nitong si Rebecca sa isang car accident at magmula noon, naiwanan ito sa pangangalaga ng amang si Reynante Visconde.

Nag-iisang anak ito kung kaya labis na mahal na mahal ni Reynante. Nang mabiyudo ang ama nito ay muling nag-asawa subalit hindi nabiyayaan ng supling mula sa ikalawang asawa na si Janice kung kaya lahat ng atensyon at pagmamahal ay kay Raymond naibuhos.

Subalit lumaki, nagkaisip at nagbinata si Raymond na hindi pa rin tanggap ang ikalawang asawa ng kanyang ama. Malayo pa rin ang loob nito kay Janice.

Kilala si Reynante Visconde bilang isang matatag na negosyanteng nagmamay-ari ng Sugarcane Plantation sa Negros. At lalo pang naging tanyag nang tumakbong gobernador at nanalo.

Sa lugar din na iyon nagbabakasyon si Isabel. Doon sa lolo niyang si Senior Miguel Monteverde na ama ng kanyang Papa na si Don Rafael. Naroon din ang kanyang lola na si Senyora Fatima.

Sa Hacienda Monteverde sa Negros madalas magbakasyon si Isabel at doon din niya nakilala si Raymond Visconde.

Ang kanyang ama at si Reynante Visconde ay magkaibigang matalik mula pa noong mga bata palang mga ito hanggang sa ngayon tumanda at nagkaroon ng sariling mga pamilya.

"Hindi ko mahal si Raymond, Papa. At isa pa, napakabata ko pa at hindi ko pa nais mag-asawa. Hindi pa ako sawa sa buhay dalaga at napakarami ko pang gustong gawin sa buhay." Tutol ni Isabel sa nais na mangyari ng kanyang ama.

Ngumiti lang ang kanyang ama.

"Isabel, kami man ng iyong Mama noon ay hindi nagmamahalan nang ikasal kami. Ang hangad lamang ng aming mga magulang noon ay mapag-isa ang kayamanan ng pamilya. Pero natutunan din naman naming mahalin ang isa't isa. It's just a matter of time and acceptance. Hanggang sa kayo na ng mga kapatid mo ang naging bunga ng aming pagmamahalan at hanggang ngayon, magkasama pa rin kami ng Mama ninyo."

"Magkaiba po tayo, Papa. Iba kayo ni Mama. At masuwerte kayo ni Mama dahil nagising kayo isang araw na mahal ninyo ang isa't isa. Ayokong isakripisyon ang kaligayahan ko at taon ng buhay ko sa lalaking hindi ko naman mahal."

"The decision is final, Isabel." May diing saad ng ama.

Napatitig siya sa mukha ng ama at pilit na inaarok ang tunay nitong saloobin.

"Trust me, Isabel. Wala kang pagsisisihan kung susunod ka lamang sa gusto namin ng Mama mo. This is for your own good."

"You're Papa is right, Isabel." Singit ng kanyang lolo Miguel na noong una ay nakikinig lamang sa pag-uusap nilang mag-ama. "Kami din naman noon ng Lola mo ay ikinasal dahil sa isang kasunduan. Pero hanggang ngayon ay wala naman kaming pinagsisihan. Napalago at napalaki pa nga namin ang mga negosyo na ngayon ay nasa pangalan na ng inyong mga magulang."

Hindi siya umimik. Tutol ang kanyang kalooban sa nais na mangyari ng kanyang pamilya.

This is not a kind of life na gusto niya. Yung ang pamilya niya ang magdedecide kung sino ang lalaking pakakasalan at dapat niyang mahalin.

Dahil ang pangarap niya ay magmahal at mahalin ng lalaking mapupusuan niya.


"PAPA, hindi ba kayo nagbibiro?" Gulat na gulat na tanong ni Raymund sa Ama nang marinig ang tinuran nito.

"You heard me right, Raymond. You and Isabel will getting married."

Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga.

"Walang masama kung susundin mo ang nais ng iyong Papa, Raymund. Para din naman 'yan sa ikabubuti mo." Wika naman ni Janice, ang pangalawang asawa ng kanyang ama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bituing Marikit Series 3 Hinahanap ng PusoStories to obsess over. Discover now