What if nagka-gusto ka sa bestfriend mo? What if sa pag-amin mo ay siyang makasisira sa inyong pagkakaibigan? Yan ang tanong na laging bumabagabag kay Belinda Gonzales, isang tahimik at mahiyaing babae. Isa siya sa mga dean's lister sa kanilang paaralan. Marami din siyang kaibigan kahit na siya'y mahiyain. Antonio Ferrer, siya lang naman ang bestfriend ni Belinda na isa sa mga heartthrob ng kanilang paaralan. Isa siyang bully lalo na sa bestfriend niya. Ganon sila maglambingan pero pag nasaktan si Belinda, agad-agad niya niya itong ipagtatanggol. Hindi sila nagtataguan ng sikreto sa isa't isa. Kaya ba ni Belinda na isakripisyo ang kanilang pagkakaibigan dahil lang sa nararamdaman niya? At kahit alam niyang may napupusuan si Antonio na iba, maaamin pa ba niya ang kanyang tunay na nararamdaman?