"Dahil ang sugat sa pisikal na katawan ay mabilis mag-hilom, subalit ang emosyonal na sakit ay kailanman hindi mag-hihilom, ilang dekada man ang lumipas." Sabi nga ng mga matatanda, ay wag kang mag-lakad mag-isa sa gubat lalo na bago kumagat ang dilim. Sapagkat sa takipsilim sila nag-sisimulang lumabas. Sinong sila? Alam mo na, mga aswang, manananggal, tikbalang, dwende, kapre at ENGKANTO! Tila nga tama sila, sapagkat ako mismo ay nahulog sa bitag ng isang Engkanto!