hindi ko akalain na mahuhulog pala ang loob ko sa lalaking pinaka kinaiinisan ko. sa araw araw na makita ko sya, kumukulo talaga ang dugo ko, at pakiramdam ko gusto kong basagin ang mukha nya para mailabas ang galit ko. walang araw na hindi nya nasisira ang araw ko, walang araw ang hindi nya nasisira ang mood ko. away dito, away doon.. everyday routine pero isang araw, nagising nalang ako at narealize kong gusto ko na pala sya yung dating ayaw kong makita, ngayon gusto ko na makasama yung dating panira ng araw ko, ngayon sya na ang bumubuo. yung dating gusto kong basagan ng mukha, hindi ko na kayang saktan siguro nga tama ang sinasabi nila na walang imposible pagdating sa pag ibig basta tinamaan ka ng pana ni kupido, tinamaan ka talaga at wala ka nang magagawa pa doon.