Ako'y magiging iyo at ikaw ay magiging akin sabay hawak sa kamay ng bawat isa habang ang iba ay iniiwan ang mundo. Hayaan natin silang isipin ang paglipas ng oras at habang tayo nama'y, ang tanging gagawin lang ay magmamahalan at mag-iibigan ng walang hanggangan. Sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas noong taong 1941. Maraming Pilipino ang nagtyaga at nagsakripisyo ng kani-kanilang buhay para makamit nating mga Pilipino ang ating karapatan. Tunghayan natin ang kwento ng apat na mga mandirigma na tumutol at ipinaglaban ang karapatan nila bilang isang Pilipino. At ang pag-ibig na hindi naipag-laban at hindi naiparating sa iisang dalaga. Hindi inaasahan sila'y muling maisisilang sa hinaharap at pagtatagpuin ng tadhana. Tatapusin ang kanilang nasimulan na istorya na hindi pa natatapos. Sama sama nating tunghayan kung nagtagumpay nga ba sila.