Simula pa lang ay alam na ni Aqua Santaniego na wala siyang pag-asa sa taong napupusuan niya. Kahit na lantaran niya nang ipinapahiwatig ang pagkagusto niyo rito ay etsapwera pa rin ang kaniyang ganda. Walang epek. Panis beauty. R.I.P. Pag-asa. Bukod kasi sa SSG President ang taong gusto, hindi din ito tulad ng ibang lalake. Hindi naman kasi talaga ito purong-lalake. May pusong girlalu ito at masungit sa taong nakapaligid. Pero kahit na nasusungitan at natatarayan siya ay mas lalo pa siyang nahuhulog dito. Challenging nga ika niya dahil hard to get din si mayora. Mahahabol niya kaya ang isang Ezra Maximillian?