Sina Daze Christian Madrigal at Amber Lynne Concepcion ay ang pinakamayayamang estudyante sa buong St. Louis Unversity: School of Arts. Bukod sa pagiging mayaman, kilala rin sila sa pagiging mga bully. Ngunit kahit pa na pareho sila ng gawi, sila pa rin ang pinakamahigpit na magkaaway. Si Kaila Lynsey Villanueva ay isa lamang sa mga naging biktima ng pagiging bully nina Daze at Amber. Sa kaniya rin ang pinakamalala at umabot pa ng dalawang taon na pangbu-bully. Isa siyang Nerd at hindi marunong pumatol sa kahit na sino. Ngunit nasagad siya at hindi na kinaya pa ang lahat kung kaya't magkakaroon ng pagbabago sa buhay nina Daze at Amber dahil sa kaniya. Ano kayang klaseng pagbabago ang mangyayari sa dalawang bidang bully? Magkakasundo kaya sila na magtulungan o mas pahihirapan lamang nila ang kanilang mga sarili dahil sa pride. Ano ba ang tunay na dahilan ng lahat ng pagpapatawad at paghingi ng tawad?