Tahanan ng diyos ang simbahan, lahat ng tao ay maaaring makapasok, magdasal, o manatili. Ang simbahan ay hindi lamang binubuo ng diyos, binubuo din ito ng padre, madre, sisters/brothers at mga sakristan. Kabahagi din ako ng simbahan dahil kumakanta ako sa tuwing may misa kaya nagdesisyon akong pumasok sa kumbento para maging padre. Mahirap ang pinasok ko dahil marami akong isusugal lalo na ang hindi pag aasawa pero dahil mahal ko ang diyos at simbahan ay tinuloy ko parin Sa isang probinsya ako nadestino, iba ang simbahan na yun sa mga simbahan na napupuntahan ko. May misteryo at hiwaga ang simbahan na iyon, iilang tao lang ang nagdadasal at namamalagi dito dahil sa takot