"Akala ko simpleng bakasyon lang ang mangyayari,sumama akong umuwi ng probinsiya para makalimot at sa panahong namalagi ako doon Hindi Ko Inakala na may makikilala akong lalaki na Mamahalin ko" "Hindi ko inakala na sa pagbabakasyon namin sa probinsiya ay makilala ko siya" "Hindi ko inakala na magiging masaya din pala ang pamamalagi ko dito sa probinsiya" "Hindi ko inakala na magugustuhan ko ang katulad niya" Hindi ko namamalayan na sa bawat oras na kasama ko siya ay unti-unting lumalambot ang puso ko sa kanya. Hindi ko man maamin o matanggap sa aking sarili,pero alam ng puso't isipan ko na Mahal ko na siya. 'HINDI KO INAKALA ANG LAHAT'