Sa akmang pagtulong sa isang babaeng duguan sa coffee shop ay nasangkot sa murder case si Apryl Antonio. Dahil takot at pagkalito ay tumakas siya upang magtago at makapag-isip kung ano ang kanyang gagawin. Napadpad siya sa Camiguin sa bahay ng kanyang tiyahin. Doon niya nakilala si Ivan, isang lalaking may amnesia na natagpuan ng tiyahin niya. Naging magkasundo sila ng binata at hindi nila namalayan parehong nahulog na pala ang kanilang loob sa isa't isa. Pero kailangan niyang iwasan si Ivan dahil engaged na siya sa kanyang sweetheart na si Alex. Pero kahit anong iwas niya ay talagang nagsusumigaw ang puso niya na tugunin ang pagmamahal ni Ivan sa kanya, hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at nagpadala na siya sa bugso ng kanyang damdamin. Nakonsensya siya para kay Alex lalo na at malaking bahagi ng kanyang puso ay inokupa na ni Ivan. Dumating bigla si Alex sa Camiguin para sunduin siya nito at paghandaan na nila ang kanilang pagpapakasal. Ibinalita rin nito sa kanya na abswelto na siya sa kasong kinasasangkutan. Ngayon ay mas lalong nalito ang puso niya. Sino ang pipiliin niya. Ang lalaking una niyang pinangakuang pakasalan? O ang lalaking mahal niya ngayon na hindi niya lubusang kilala?