"Palayain? Pakawalan ka? No way! Hindi ko hahayaang maging masaya ka tapos ako ano?! Maiiwang mag-isa? Miserable? Ginawa mong miserable ang buhay ko pwes hindi ko hahayaang hindi mo yon maranasan. Kahit magmakaawa ka ay hinding-hindi ko ibibigay ang kalayaang gusto mo! Hindi mo'ko pwedeng iwan. Dito ka lang sa tabi ko. Paninindigan natin ang sinumpaan natin sa simbahan. For better and for worse, for richer, for poorer, in sicknes and in health, until death do us part. Kaya I'm sorry honey, you're stuck with me."
Dahil malayo si Karen sa kanyang pamilya ay hindi maisawang hindi mag-alala ang kanyang magulang lalong-lalo na ang kanyang ina. Dahil sa pag-aalalang iyon ay napagdesisyonan ng mga ito na patirahin ang kanyang kababata at mortal na kaaway, kasama niya sa bahay. Ang kanyang dating tahimik na buhay ay magsisimula ng magulo sa pagdating nito.
Hindi lamang iyon ang kanyang problema. Balak din siyang ipakasal ng kanyang mga magulang dito sa kadahilanang ang pamilya nito ang magsasagip sa papalubog nilang kompanya. Pero pa-paano mangyayari iyon kung mayroong sinisinta ang binata? Shotgun wedding ba ang mangyayari sa kanila?
Ano ang gagawin niya kung habang tumatagal na sila’y magkasama ay unti-unti siyang nahuhulog para dito? Alam niyang mali dahil may sinisinta na itong iba. Pero ano ang magagawa niya? Hindi niya mapigilan ang kanyang nararamdaman. One sided love ba ang mangyayari? Maari bang mahulog ito para sa kanya?
At pa-paano kung may matuklasan sila na GIGIMBAL sa kanilang dalawa?सभी अधिकार सुरक्षित