"Mirene, may bagong dating oh. Kunin mo muna ung orders nila." Rinig kong sabi ni Angela. Dali dali ko namang nilingon kung nasan ang tinutukoy nya. Sobrang dilim doon sa parteng inuupuan nila kaya hindi ko makilala ang mukha nila. Ngunit sa akin tantya, 4 na lalake iyon. Agad akong lumapit at nagtanong ng kanilang order. "Good evening welcome to Happy Hour, may i take your orders please." Sabi ko habang inaaninag ang kanilang mga itsura. "Miss, ikaw. Upo ka muna dito sa amin." Sabi ng isa. Agad akong naalerto. "I'm sorry sir. Kung gusto nyo po magtatawag ako ng escort dito para sa inyo." Sagot ko sa mahinahon na tono. "Why? I own you." Sagot naman nung isa. Parang kilala ko ang boses na ito. Inaninag kong mabuti ang itsura ng lalaking nagsalita. Muli,naalerto ako. "Sir we have escorts po. Magpapatawag nalang po ako. But for now, kunin ko po muna ang orde---" Natigilan ako ng matamaan ng ilaw ang kanyang mukha, dahil don nakilala ko kung sino ito. "I own you. I own you Mirene." Sambit nito sa malamig na boses. Agad akong kinilabutan, pero ipinakita ko parin ang aking katapangan. "You dont own me mister." Agad akong tumalikod ng sabihin ko iyon. Wala akong pake kung pagagalitan ako ni Tita Ces dahil sa pambabastos ko sa isang costumer, kailangan kong umalis sa lugar na ito lalo na't nakita ko siya. Own me? Fuck off Adam. Hindi mo na ako pagmamayari. ~~~~~ Started: July 23, 2018