Story cover for A Fabricated Romance: The Girl In The Journal by LKsolacola
A Fabricated Romance: The Girl In The Journal
  • WpView
    Reads 107,998
  • WpVote
    Votes 2,485
  • WpPart
    Parts 20
  • WpView
    Reads 107,998
  • WpVote
    Votes 2,485
  • WpPart
    Parts 20
Complete, First published Dec 27, 2017
"It's funny how I came to love so many things because of you. I was a better man before than I am today. Because I had you then."

Napilitan si Kring-Kring na gumawa ng pekeng love story sa kanyang blog at pinalabas na boyfriend niya ang guwapong schoolmate na si Paul Christian. Naging viral ang ginawa niyang kuwento. Pero dahil din sa kuwentong inimbento niya ay naghiwalay sina Paul Christian at ang girlfriend nito kaya nagalit sa kanya ang ultimate crush niya.

Nang muling magpakita si Paul Christian kay Kring-Kring pagkaraan ng limang taon ay napag-alaman niyang nagkaroon ito ng amnesia at hinahanap ang ex-girlfriend nito. Nalaman din niyang umupa si Paul Christian ng private investigator at siya ang lumabas na "ex-girlfriend" ng binata sa imbestigasyon. Iyon din ang panahon na problemado si Kring-Kring kung saan kukuha ng pambayad para mabawi ang titulo ng bahay nila. Nakipag-deal si Paul Christian sa kanya. Simple lang ang deal na napag-usapan nila: pakakasalan niya si Paul Christian para makuha ng binata ang mana nito. Bilang ganti ay babayaran ni Paul Christian ang halaga ng titulo ng bahay ni Kring-Kring na isinanla ng kanyang kapatid.

Pero hindi inasahan ni Kring-Kring na ilang linggo pa lang ang lumilipas ay bumabalik na ang dati niyang nararamdaman para kay Paul Christian. Naging sweet, mapag-alaga, at ipinaramdam ng binata sa kanya na mahal siya nito. Maganda ang naging samahan nila dahil pinaniwala ni Kring-Kring si Paul Christian na may "nakaraan" sila. Naging masaya si Kring-Kring sa kinalabasan ng ginawa niyang kuwentong-pag-ibig nila ni Paul Christian.

Hanggang sa bumalik ang babaeng naaalala ng binata na minahal nito: si Veronika, ang babaeng naaalala at totoong ex-girlfriend ni Paul Christian.
All Rights Reserved
Sign up to add A Fabricated Romance: The Girl In The Journal to your library and receive updates
or
#555heartbreak
Content Guidelines
You may also like
The Right Girl  by maanbeltran
11 parts Complete
NOTE: Spin-off ito ng The Right Mr. G Unedited version po ito. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :) SO PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^ What Aya wants, Aya gets. Iyon ang motto in life ni Aya eversince. Kaya naman nang magkacrush siya kay Gerry noon ay kaagad na gumawa siya ng paraan para maging boyfriend ito. And she succeeded. Kaya lang ay nag-expire ang infatuation niya dito after two weeks. And it seems sinasakyan lang siya ni Gerry kaya sa huli ay naging matalik na magkaibigan na lang sila. Then she met Gerry's half brother - si Clay. Mas gwapo ito kay Gerry, mas ma-appeal at mas nakakainlove. Kaso ay mukhang hindi uubra sa binata ang ginawa niya noon sa kapatid nito. Allergic daw ito sa mga tulad niya. Kaya kahit mahigit isang taon na siyang nagpapacute sa lalaki ay hanggang ngayon ay mailap pa din ito sa kanya. Kung gaano niya kadaling "napasagot" si Gerry noon ay ganun naman kahirap na makuha niya ang "matamis na oo" ni Clay. Kailangan niya ng mag-overtime at karirin ang pagsinta niya dito. Dahil narealize niyang hindi niya ito basta crush lang, mahal niya na ito. Pero tila maging iyon ay ayaw paniwalaan ng lalaki. Papano na ang love story'ng tinatrabaho niya?
You may also like
Slide 1 of 10
Puppy Love, First Love At True Love cover
The Right Girl  cover
Chances (Published under PHR) cover
Creed's Lover (COMPLETED) - PUBLISHED under Precious Pages: LIB BARE cover
When Forever Means Goodbye: Palacio Del Cafe Series cover
Nakakabaliw, Nakakamatay (Published under PHR) cover
I Like Singkit cover
Bachelor's Pad series book 9: THE IDEAL MAN (Derek Manalili) cover
Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena) cover
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY  cover

Puppy Love, First Love At True Love

18 parts Complete

"Hintayin mo ako! Paglaki ko! Hahanapin kita tapos liligawan kita! Ako ang mag-aalaga sa'yo! Hindi kita paiiyakin! Papakasalan kita! Promise!" JB was only thirteen years old when his heartbeat fast for the first time. Nang mga panahon na iyon, hindi pa niya alam ang tawag sa nararamdaman. Basta ang malinaw sa kanya ay masaya siya sa tuwing nakikita niya ang babaeng iyon. Nang makilala niya ito at nalaman na Yerin ang pangalan nito ay palagi na siyang naksunod dito. Hanggang sa nakita niya isang araw kung paano ito masaktan at umiyak ng dahil sa ibang lalaki. Kaya nangako siya na paglaki niya ay siya ang mag-aalaga dito at hindi niya ito papaiyakin. Labis ang kalungkutan niya nang umalis ito, kaya sinabi niya sa sarili na hahanapin niya ito at liligawan kapag nagbinata na siya. Ngunit parte na nga yata ng salitang "pag-ibig" ang masaktan at lumuha. Nagising na lang siya isang araw na wala na si Yerin. Napag-alaman niya na umalis na ito at lumipad papuntang America. Sa paglipas ulit ng panahon, inakala ni JB na sa pag-alis ni Yerin matatapos ang masaklap niyang first love. But fate brought her back in his life. Kaya nangako siya na sa pagkakataon na ito, hindi na niya hahayaan pang mawala ito sa buhay niya.