Ang sarap sa pakiramdam kapag nakakasilay sa taong hinahangaan mo 'diba? Ang saya ay hindi mo maipaliwanag kapag nasulyapan mo ang mala-anghel niyang mukha at ngiting walang kaplastikan 'diba? Walang pagsidlan ang kilig kapag nagkasalubong kayo at naamoy mo ang perfume niya 'diba? Ang sarap ng may hinahangaan. Ang sarap ng may inspirasyon. Ngunit hanggang SSS ka na lang ba? Kontento ka na ba sa pagtingin-tingin at pagtanaw-tanaw sa kanya sa malayo? Hanggang saan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang hanggang "paghanga" lang talaga? -------------------------------------------------- ***Ang kwentong ito ay hindi tungkol sa iyo kundi kay Kry pero kung makaka-relate ka, aba balitaan mo si otor at nang mai-extra ka pa. :)