Nanginginig ang tuhod at nanunuyo ang lalamunan ko.Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sana.Sana hindi nalang ako ang naatasang sumingil sa mga utang sa tindahan na linggo linggong sinisingil.Here he is walking slowly in dangerous way.Ang gwapo ni kuya parang model na hinablot galing magazine.Paatras ako nang paatras hanggang masandal na ako sa eleganteng mesa.Napako ang tingin ko dito.Ang ganda.Sosyalin si kuya.Mahina kung minura ang aking sarili mamamatay na nga lang ako kung anu-ano pang iniisip ko.Huhuhu wag kuya virgin pa aketch.Heto na talaga ang lapit na sa akin ni pogi.Anong gagawin ko WAAAAHHH- "Girl saan mo nabili hairpin mo?Owemji ma try ko nga." Kulang ang sabihing nagulat ako.Nagimbal ang mundo ko.Eh sinong mag-aakala na ang mala Adonis sa harapan ko ay isa palang beklakush?Napatingin ako sa kanya habang nilalagay ang precious pink hairpin ko sa mala gintong sinulid niyang buhok. "Bagay ba?"tanong niya habang iniikot ang sarili na at kumembot ng kunti. Lord akala ko siya na.Siya na ang lalaking didilig at wawasak sa Bataan.Ready pa naman ako.