Dumating ka sa buhay ko sa hindi inaasahang pagkakataon,
Pagkakataong akala ko nung una mali ngunit naging tama na ngayon,
Salamat sa pagbibigay ng kulay sa mundong nabalot ng dilim,
Dilim na dulot niya nung ako'y kanyang lisanin,
Salamat sa pagbibigay saya sa buhay kong kay lungkot,
Lungkot na dala ng alaalang ibinaon ko na sa limot,
Salamat sa pagpawi ng sakit na dulot niya nung ako'y kanyang iniwan,
Salamat sa pagpunas sa luhang pumapatak dulot ng sugat sa pusong siya ang may kagagawan,
Siguro mali sa paningin ng iba,
Siguro nga mali dahil parang kailan lang ng makilala kita,
Siguro nga mali sa kanila,
Siguro nga mali dahil minahal agad kita,
Siguro nga mali dahil ayaw nila tayong maging masaya,
Lumipas man ang araw na puro tayo away at tampuhan,
Ngunit di yun sapat na dahilan upang ikaw ay bitawan,
Distansya'y di alintana wala akong pakealam,
Walang mabigat na dahilan upang ikaw ay iwanan,
Marami mang hadlang sa ating dalawa,
Ang importante ay ikaw at ako at di yung opinyon nila,
Opinyon nilang mali tayo, mali ako, hindi tama, itigil ko to,
Opinyon nilang magdudulot ng sakit sa buong pagkatao ko kapag sinunod ko,
Pangakong aalagaan kita ng higit sa pag aalagang ginawa niya sayo,
Pangakong iingatan kita ng higit sa pag iingat na ginawa nya sa puso mo,
Pangakong di kita sasaktan at papahalagahan ko buong pagkatao mo,
At pangakong mamahalin kita ng higit sa pagmamahal na inalay sayo ng nakaraan moAll Rights Reserved