Ito si Aryanna Scott, isang labing-dalawang taong gulang na batang babae. Lumaking walang ama. Hindi niya nga rin ito kilala. Ni hindi niya alam kung ano ang pangalan nito. Kung ano ang hitsura, kung pa'no ito magsalita, gumalaw, lahat! Hindi niya alam kung magkamukha ba sila o hindi. Alyanna Thompson, katulad ni Aryanna, isa lang ang kasama niya. Ang kaniyang tatay. Katulad nga siya ni Aryanna ngunit kasalungat naman ang kaniya. Hindi niya kasama ang nanay niya. Hindi niya rin ito kilala dahil kung itatanong man niya ay malulungkot ito. Pa'no na lang kaya kung... magtagpo ang landas nila? At pa'no na lang kung matuklasan nilang-magkambal sila?
15 parts