Si Prinsipe Naoki Irie ay ang nag-iisang anak nina Haring Shigeo at Reyna Satomi Irie sa malayong kaharian ng Honshu, Japan. Siya ang itinakdang susunod na hari na labis namang ikinamuhi ng kapatid ng kanyang ama na si Ogura Irie - na nagbabalat-kayo dahil sa lihim na pagnanasa nito sa posisyon. Isang maitim na plano ang isinagawa ng tiyuhin ni Naoki ng lasunin nito ang hari at pagtangkang ipapatay ang prinsipe sa araw mismo ng kanyang ika-21 na kaarawan. Sa malalim na kakahuyan, ang mag-amang Kamogari at Kotoko Aihara ang kinamulatan ni Naoki kasabay ng pagkalimot nito sa kanyang mapait na karanasan. Isang bagong buhay at pag-ibig ang kanyang kinaharap. Tuluyan na nga kaya nyang hindi maaalala ang lahat? Paano na ang kaharian? Ang inang reyna? Ang tronong naiwan nya? Ang hustisya para sa kanyang Amang Hari? - Ano na ang kanyang magiging tadhana?