"Blakeeee!" Sigaw ng isang babae.
Nilingon namin iyon ni Blake at nakita namin si Liz na hingal na hingal na nasa harap namin.
"What?" Iritadong sabi ni Blake sakaniya.
"Can you uhm, tour me in this school? I got my schedule already!" Masayang sabi niya at winagayway pa ang sched niya.
Agad namilog ang mata ko.
"You're studying here?" Tanong ko sakaniya.
Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Obviously. Kaya nga may schedule ako diba? Where's your mind?"
Aba't!
"Utak ko? Malamang nasa ulo ko. Tss." Sabi ko at inirapan siya.
Nagulat ako ng makita ko siyang niyuyugyog si Blake.
"Omg! Omg! And guess what?"
Kumunot lang ang noo ni Blake.
"Parehas tayo ng sched! Nirequest ko 'yun! Kyaaaah!"
Kumunot agad ang noo ko.
"So what?" Tanong sakaniya ni Blake.
"Aren't you happy?" Malungkot na sabi sakaniya ni Liz.
"No. I honestly don't care, Liz. So pwede ba? Umalis kana. Istorbo ka samin ng girlfriend ko." Sabi ni Blake at inakbayan ako.
Umirap naman si Liz pero ngumisi din. "Okay. See yah later!" Paalam niya.
Pagkaalis niya ay hinawakan ni Blake ang kamay ko.
"Kaasar. Epal sa moment natin!" Inis na sabi ni Blake.
Tumawa naman ako.
"Oh, easy ka lang, bae. Hayaan mo na siya sabi mo nga diba? Tara na? Punta na tayo kila Ian!" Yaya ko sakaniya.
Tumango siya at naglakad na kami ng nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Maya maya ay bumitaw siya at kinuha ang cellphone niya at may binasa.
"Ay shit! Oo nga pala." Bulong niya at bumaling saakin. "Bae, may report pa pala kami mamaya. Hindi ko pa nasusulat 'yung akin dun sa Manila Paper. Mamaya na lang bae ah? Ite-text kita mamaya. I love you." Aniya at hinalikan ang noo ko bago tumakbo paalis.
Hay. Hindi manlang ako nakapag-i love you too sakaniya. Pero naiintindihan ko naman siya.
Naglakad na ko papuntang Garden ng biglang may humila sa'kin at pumasok kami sa hindi na nagagamit na classroom.
"Ano ba! Sino ka ba ha?" Naiinis kong sigaw sakaniya.
Binuksan niya ang ilaw at nagulat ako sa nakita ko.
"Kurt?! Bakit ka nandito?! Anong kailangan mo?!"
"Kailangan ko? Ikaw. Gusto na kitang bawiin mula sakaniya!"
"Ayoko! Hindi mo ba nakikita na masaya na kami? Akala ko ba pinabayaan mo na ko? Kurt naman!"
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"I did! Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita ka na masaya pero sa piling ng iba! I want you happy with me. Not with anyone else. I want you back, Kylie."
Binawi ko ang kamay ko sakaniya.
"No! Hindi mo ba alam na nandiyan si Ate Love para sayo? Kahit na niloko mo siya nandiyan pa din siya para sayo! She's waiting for you, Kurt!"
"Well I don't fucking care! I don't love her! Ikaw ang mahal ko! Ayokong mapunta sakaniya. Gusto ko, ikaw. Ikaw lang Kylie. Ikaw lang. Wala akong pakealam sa feelings niya."
"Wala kang pake sa nararamdaman niya? Then, I don't care about your feelings too. Now, back off and leave us!"
Naglakad na ko papuntang pinto at binangga pa siya. Pero nagulat ako ng hinila niya ako at halikan sa labi.
I immediately pushed him away. Sinampal ko siya na ikina-mula ng pisngi niya.
"You asshole! How dare you kiss me?!"
Lalapitan niya na sana ako kaso sumigaw ulit ako.
"Don't you dare come near me. Ayoko sayo! Lumayo kana!" Sigaw ko sakaniya at tumakbo na palabas.
Narinig ko pa siyang tinatawag ako pero hindi ko siya nilingon at deretso lang ang takbo papuntang garden.
Nang makita ko agad ang barkada, tumakbo ako papunta sakanila at niyakap agad si Ara na paupo pa lang.
Suddenly, I didn't realize that I was crying already.
"Oh my god! What happened, Kylie?" Nagaalalang tanong niya saakin.
"H-he came back."
"Sino?" Tanong ni Ian kaya bumitaw ako sa yakap kay Ara.
Sinubukan kong sumagot pero naunahan ako ng iyak, takot at kaba.
"Shh, inom ka muna Kylie oh." Sabi saakin ni Jai.
Ininom ko ang tubig na binigay niya at umupo sa bench.
"Now, speak." - Doms
Kinwento ko sakanila ang nangyari. Pagkatapos kong ikwento ay nakita ko agad kung paano kumuyom ang kamao ng mga lalaki.
"Tanginang lalaki 'yun?! Napaka-obssess na sayo!" Galit na sigaw ni Bryan.
"Bry, kumalma ka." Sabi sakaniya ni Ericka.
Pumikit si Bryan at dumilat ulit pagkatapos ng ilang segundo.
"Please guys. 'Wag niyong sasabihin kay Blake 'to. Lalo na kayo boys, please." Pagmamakaawa ko sakanila.
"Bakit? Kailangan malaman 'to ni Blake!" - John
"'Wag! Alam kong magagalit si Blake. Tama ng kayo muna ang nakakaalam. 'Wag lang si Blake."
"Pero pano kung malaman niya?" Tanong ni Jhersel.
"Hindi niya malalaman kung hindi niyo sasabihin." Deretso kong sagot.
Tumango sila habang ako naman ay nanahimik.
Bae, I'm sorry kung maglilihim ako sayo ngayon. Sana maintindihan mo.
**
"Class dismissed." Iyon ang huling sinabi ni Sir at umalis na siya.
Nagsitayuan na kami at lumabas. Nagulat ako ng makita ko si Blake sa gilid ng pinto ng room namin.
"Oh! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya.
"I'm fetching you. Ihahatid na kita. Pambawi dahil kanina hindi kita nasamahan." Sagot niya.
Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na nasa likod ko. Nakatingin lang din sila saakin. Tumango si Ara at nagsenyas na una na sila. Tumango na lang ako at hinarap na ulit si Blake.
"Oh, uh, sure." Naiilang kong sagot.
Ewan ko ba kung bakit ako naiilang! Ugh.
"May problema ba, baby?" Tanong niya saakin.
Mabilis akong umiling.
"Wala. Wala. Tara na?"
"Okay." Sagot niya at kinuha ang bag ko.
Naglakad kaming dalawa papunta sa kotse niya. Sumakay ako ng tahimik. Ganun din siya. Hanggang sa pinaandar niya na ang sasakyan niya tahimik pa din kami.
Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko.
"I think, may problema talaga. May nangyari ba kanina nung iniwan kita?"
Tumingin ako sa bintana at umiling.
"W-wala."
"Tumingin ka sa'kin." Seryoso niyang sabi.
Nilingon ko siya at sakto naman na nagred light. Kaya naman pala ang lakas ng loob na tumingin saakin.
"May nangyari ba?"
I tried to keep myself calm. Kumalma ka, Kylie! Mahahalata ka niyan sige ka!
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Nothing happened, baby. 'Wag kang magalala."
"Sure?"
"100% sure."
I sighed. I'm sorry if I need to lie, baby. I'm really sorry.