Yielding Over the Horizon (La...

By JosevfTheGreat

1.2M 42.3K 19.5K

Born in a strict and ambitious family, Syerana cannot handle the pressure that her family gives. As her famil... More

Yielding over the Horizon
Panimula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Bonus Chapter
Wakas
La Grandeza Series #5
Special Chapter 1

Kabanata 1

41.1K 1K 595
By JosevfTheGreat

Bawi

Nakasimangot ako at inis na inis habang naglalakad kami papalabas ng school ni Kaycee. Katatapos lang ng klase. Wala man lang pumasok sa utak ko sa buong period. Hindi ako makapaniwalang bukas ay makakasama ko na ang baliw na 'yon ng isang buwan.

Hindi ko maipapangako sa sarili kong hindi ko na siya susuntukin ulit. Susuntukin ko talaga siya kapag hinawakan niya ako o kung anu-ano na naman ang sinabi sa akin.

"Mamshie, huwag ka na riyan malungkot. Hihintayin na lang kita hanggang sa makatapos ka makapaglinis para at least ay hindi mo na kailangan balingan 'yung lalaking 'yon..." napalingon ako kay Kaycee.

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga bago nag-iwas ng tingin. "Hindi na. Okay lang ako. Naiinis lang ako na gaya-gaya siya at sinalo niya rin ang mga parusa no'ng mga kaibigan niya," sabi ko at umirap.

"E bakit mo naman kasi biglang sinabing ikaw na ang magbabayad ng parusa ni Chago? Baka asarin ka no'n bukas!"

I scoffed. Ngumising iritado. "Subukan niya at hindi ko siya uurungan. Matangkad lang siya. Small lang ako kung ikukumpara sa kaniya pero malakas ako..."

"Baka naman sinasabi mo lang 'yan pero crush mo pala siya? The more you hate, the more you love, 'di ba?" pang-aasar niya kaya binatukan ko nga siya.

"Siraulo ka ba? Hindi mangyayari 'yon. He's not my type. Masama ang tabas ng dila ko kapag galit ako kaya hindi na lang ako magsasalita!"

Pinili kong itikom ang bibig ko bago ko pa siya mamura nang lubusan. Huminto kami malapit sa bilihan ng mga street food sa gilid para bumili muna ro'n habang nagku-kwentuhan.

"Libre mo ako. Tinatamad ako maglabas ng pera..." sabi ko at tinago ang aking ngisi.

"Mukha mo! Pero sige, para naman kumalma ka. Ililibre na kita ng kwek-kwek since mahilig ka talaga kumain ng iba't ibang klase ng itlog..." aniya at humagikhik pa.

Hindi ko na siya sinagot dahil palagi na lang akong inaasar ni Kaycee sa gano'ng bagay. Ni hindi sumanggi sa isip ko na makipag-sex in the future. Gusto ko lang mag-aral mabuti para sa sarili ko. Relationships are distraction pero kung si Chago ang magiging boyfriend ko ay araw-araw akong sisipagin mag-aral.

Pagkabigay sa akin ni Kaycee ng isang basong kwek-kwek ay napangiwi ako nang nakita ko ang grupo nina Chago kasama si diaper. They are laughing na para bang may pinag-uusapan silang sobrang nakakatawa at wala silang pakialam kahit ang ingay nila.

"Oh... mukhang masaya pa siya?" sabi ni Kaycee habang nginunguya ang kwek-kwek.

Tinitigan ko nang masama si Seig. Lumiko sila sa direksyon namin kaya naman nagtagpo ang mga mata namin. Ramdam ko ang paninitig ni Chago pero mas gusto ko munang titigan nang masama si Seig.

Ngumisi siya habang nakatingin sa akin na para bang joke lang ang lahat sa kaniya. Nakapamulsa siya at suot ang kaniyang backpack na itim.

"Hi, Ponytail!" ngumiti siya sa akin nang makalapit.

Mukhang bibili rin sila. Nahihiya akong sumagot! Bakit kasi andito si Chago at kasama nitong kupal na 'to?

"Hello, ako nga pala si Kaycee. Kaibigan ni Syerana..." napatingin ako nang masama kay Kaycee nang naglahad siya ng kamay kay Seig.

"Ay, hello po. Ganiyan ba talaga kasungit 'yang kaibigan mo?" casual na tanong ni Seig.

Nagsimula na sina Chago kumain matapos bumili habang ito naman si Kaycee ay nakikipag-usap pa kay Seig. Kung wala lang si Chago rito aalis na ako...

"Allergic kasi siya sa playful na lalaki," sabi ni Kaycee kaya muling tumingin sa akin si Seig at handa na ulit mang-asar.

"Ah, gano'n ba?" tumango-tango pa siya habang nakatingin sa akin at nginunguya ang kaniyang sinubong fish ball.

Inirapan ko siya at pasimpleng tiningnan si Chago na abala sa pakikipagkwentuhan sa iba pa niyang kaibigan. Mukhang ang lambot ng buhok niya... ano kayang feeling na mahawakan 'yon?

"Anong grade ka na?" rinig kong tanong ni Kaycee kay Seig.

"4th year, kayo?"

"3rd year pa lang kami. So kuya ka pala ni Syerana?" muntik na akong masamid sa sinabi ni Kaycee.

Parehas silang natawa sa naging reaksyon ko. Itong si Kaycee mukhang nag-eenjoy pang makidagdag sa inis ko rito sa lalaking 'to.

"Puwede mag-usap kayo na hindi ako ang paksa?" umirap ako at nagbalik tingin kay Chago.

"Chago! May sinasabi ka tungkol kay Ponytail kanina, 'di ba?"

Napaiwas agad ako ng tingin nang tawagin ni Seig si Chago. Lumapit siya sa puwesto namin at tiningnan ako.

"Ah, oo... salamat sa pag-ako mo ng parusa kahit hindi naman kailangan..." malambing niyang sabi kaya unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

Ramdam ko ang humaharumentado kong puso. Oh my gosh... kinikilig ako. Napakagat ako sa ibaba kong labi at pinilit ngumiti.

"Wala 'yon... wala ka naman kasing kasalanan..." nahihiya kong sagot at umiwas agad ng tingin.

He chuckled. "Anyway, puwede ba akong bumawi sa'yo? Bibigyan kita ng isang pagkakataon para mag-request sa akin ng kahit na ano..."

Napatingin agad ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Kahit ano? As in, kahit ano talaga? Jowain mo ako!

"Talaga? O sige pero puwedeng pag-isipan ko muna?" excited kong sagot.

Nakita ko ang pamatay niyang ngiti na para bang natutuwa siya sa akin. Masaya talaga sa piling ko, Chago. Sayang naman kung hind imaging tayo...

"Sige lang... you can approach me anytime. Your name is Syerana, right?" nag-taas siya ng kilay.

Oh my god... naalala niya 'yung pangalan ko! Yes, crush, 'yan ang pangalan ng mapapangasawa mo.

"Oo, ano bang itatawag ko sa'yo? Chad or Chago?" feeling close kong tanong.

Ngumisi siya na parang kinikilig. "My friends call me Chago but you can call me Chad or Chard for a change..."

So, special ako? Ito na talaga ang simula ng love story ko! Chad na lang itatawag ko sa kaniya pero gusto ko pa rin 'yung Chago pero since para magmukha akong special. Feelingera naman ako kaya okay lang.

"O sige, Chad na lang itatawag ko sa'yo... hindi mo naman na kailangan bumawi kasi kusang loob ko naman 'yon ginawa. Kung hindi lang kasi niyaya no'ng..." lumipat ang mga mata ko kay Seig na seryosong nakatitig sa akin pero kaagad ko siyang inirapan at ibinalik ang tingin kay Chago.

Mahina siyang natawa at nilingon si Seig. "Ikaw kasi, pre..." pagbibiro niya pero hindi ngumiti si Seig at seryoso lang siyang kumakain ng fish ball.

Siraulo talaga. Kanina ang saya tapos ngayon ay mukhang namatayan sa dilim ng mukha. Hindi ko na lang siya kakausapin bukas dahil baka masiraan ako ng ulo.

"Anyway, it's nice to meet you, Syerana. Ingat kayo sa pag-uwi. Good night," iniabot niya ang kamay niya sa akin.

Pasimple kong pinunasan ang kamay kong namamawis kanina pa dahil sa kaba ko. Ngumiti ako sa kaniya at buong pusong tinanggap ang kamay niya.

Ramdam ko ang init ng palad niya at fit na fit ang mga kamay namin na para talaga sa isa't isa. Oh my god... hindi ko akalain na mahahawakan ko 'yung kamay ni Chago!

"Nice to meet you rin...Chad," nag-aalinlangan pa kong sabihin ang Chad dahil nasanay akong Chago.

He chuckled at naramdaman ko na ang paghihiwalay ng mga kamay namin.

Umalis na sila kasama si Seig na nakabusangot sa hindi malamang dahilan. Napatakip agad ako sa mukha ko nang nakita kong nagsisakayan na sila sa mga motor nila at umalis na.

"Ganda mo kanina, ah? Ganda ka?" rinig kong sabi ni Kaycee kaya pinaghahampas ko siya sa braso.

"Oh my god! Nahawakan ko 'yung kamay niya! Kaycee! Shet!" kinikilig kong sabi at kulang na lang magtatatalon ako rito.

"Basta kapag naging kayo ni Chago ay ipalakad mo ako kay Seig. Kaso bigla siyang naging seryoso matapos kang makitang kinikilig kay Chago kanina..." sabi niya at pinag-lock ang mga braso namin.

"Pabayaan mo siya... baka may crush 'yon kay Chago tapos gusto niya siya 'yung hawakan ni Chago..." sabi ko kaya natawa si Kaycee.

"Lahat na lang ng lalaki sa paligid mo, it's either hindi mo type or bading sa paningin mo! Bitter mo!"

"Pake mo ba? Basta kinikilig ako! Hindi ata ako makakatulog..."

Nagpara na kami ng tricycle at nilibre ulit ako ni Kaycee ng pamasahe. Buong biyahe namin ay kinikilig ako at puro imagination ko ang kinwento ko kay Kaycee.

"Request ko kaya na jowain niya ako!"

Binatukan niya ako kaya sinimangutan ko siya. "Kaibigan muna! Tapos do'n mo na makukuha 'yung loob niya!"

Ngumuso ako. "O sige, mukhang maganda! Kaso papalipasin ko muna ng ilang araw para at least titingnan ako ni Chago lagi... ang gwapo niya!" sabi ko at tumingin sa labas.

Pagkarating ko sa kalye na malapit na sa amin ay nagpaalam na ako kay Kaycee na sa kabilang kalye pa ang bahay. Kinawayan ko siya bago tuluyang umandar ang tricycle.

Unti-unting nawala ang ngiti ko nang nakita ko na ang bahay namin. Andito na ulit ako sa impyerno... excited na ako pumasok bukas dahil wala naman maganda sa bahay na 'to at walang ka-excite excite.

Dahan-dahan kong binuksan ang gate. Mula ro'n ay rinig ko na ang usapan nina Papa. Mukhang andiyan na 'yung mga bida ng pamilyang 'to.

"Hindi naman ako nahirapan do'n, Ma!" rinig kong sabi ni Ate Alodia habang nakaupo sa sofa at nanunood ng TV.

"Paano ka mahihirapan do'n? Maganda ka, matalino at napakagaling!" si Papa na todo puri kay ate.

"Oh, bunso? Bakit ngayon ka lang?" nakita ako ni Kuya Samk na kakahubad lang ng sapatos.

Dahil do'n ay naagaw ko na ang atensyon nila. Kaya tipid lang akong ngumiti...

"Whole day po ang klase ko tapos kumain lang po kami ni Kaycee saglit ng kwek-kwek..." sabi ko.

Palagi namang whole day ang klase ko. Parang bago naman 'yon sa kanila...

"Baka naman may boyfriend kana? Ikaw, ah?" biglang singit ni ate.

"Bawal muna ang boyfriend, Syerana. Kung may manliligaw ay ipakilala mo sa akin at ako muna ang kikilatis para makasigurado..." si Papa.

"Wala po akong boyfriend or manliligaw. Akyat na po ako," sabi ko at nagbalik agad sila sa topic nila tungkol kay ate.

Hindi ako sanay na tinatanong nila 'yon sa akin. They never cared about my thoughts or opinions dahil isa lang naman daw akong 'di hamak na bata. Hindi nila alam marami na akong alam sa buhay.

Hindi nila alam ang dami kong dinadala sa isip ko na sila mismo ang naging dahilan. Marami na akong nararamdaman na hindi pa naman dapat nararamdaman pero lahat 'to ay nandito na sa akin dahil sa kanila.

Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng mga crime at balita sa Pilipinas. Ang dami na talagang mapagmataas sa politiko. Mapa pulis man or 'yung mga taong mismong nagsabing kikilos sila para sa ikakabuti ng nakararami. Puro sarili lang naman ang iniisip nila.

Ang hustisya ay para lang sa mga mayayaman at may kapangyarihan. Kapag mababang uri ay walang karapatan magreklamo o magprotesta sa nakatataas. Nasaan ang dapat para sa bayan? Mukhang lahat inako ng mga nakaupo.

Ang buong akala ko sa pelikula lang may script, pati rin pala sa pagbibigay hustiya ay scripted at hindi makatarungan.

Kaya kung iisipin ay natututunan ko ng mahalin itong gusto nilang maging journalist ako. Nakikita ko kasi kung gaano kadumi ang media, ang mga may kapangyarihan at mga abusadong tao. They are all playing well.

Kumunot ang noo ko nang may nagbago sa case ni Papa. Mabuti na lang ay na-copy ko 'to. Iba 'to no'ng nakaraang araw...

The suspect is convicted and requested for an appeal para sa panibagong trial? Kung pumatay siya at clearly ay wala siyang ebidensiya para patunayan ang sarili niya, bakit pa siya mag-re-raise ng panibagong trial?

"If he's convicted, hindi ba dapat ay hindi na siya payagan na mag-appeal ulit or what?" nanliit ang mga mata ko.

I sighed at pinatay na ang laptop ko. Hindi ko alam... masiyadong malawak ang kasong inaasikaso ni Papa pero bigla kong naisip na kung napatunayan na na guilty siya, bakit pa siya mag-aappeal ng new trial? Parang walang sense.

Kinabukasan ay naging gano'n lang din ang nangyari sa hapagkainan. Puro sina ate ang nag-uusap habang ako ay hindi maaring makisali dahil hindi raw ito pang bata. Mukha pa pala akong elementary...

Pumasok ako na excited dahil baka makita ko si Chago ulit. Ano kayang gagawin niya? Babatiin niya kaya ako or ngingitian? Baka mamatay ako kapag nginitian niya ako.

Maaga akong pumasok kaya hindi muna ako dumiretso sa room. Sa halip ay dumiretso ako sa garden para magpahangin at dito rin naman kasi dumidiretso si Kaycee pagpasok niya.

Napatingin ako sa dumaan. It was Seig and he didn't bother to look at me. Mukhang nakita niya ako pero hindi niya ako pinansin. Thank God at nahimasmasan siya.

Pero napatingin ulit ako nang nakita kong papasok ng garden si Chago na may dalang gitara. Napatingin siya sa akin at agad akong nginitian.

Para akong mahihimatay sa kilig! Mas lalo akong kinabahan nang naglakad siya papalapit sa akin at umupo sa kaharap kong upuan.

"I didn't know na maaga ka pala pumapasok?" ngumiti siya.

I chuckled at binaling ang mga mata ko sa notes ko. "Oo, magre-rereview kasi ako para sa quiz mamaya. Ikaw, bakit ang aga mo?"

Suminghap siya at nag-iwas ng tingin dahilan para makita ko ang side view niyang nakakamatay. Shet... bakit ganito, Chago?

"Ayaw kong mag-stay sa bahay. Nakaka-bored kaya pumapasok agad ako at mabuti na lang nakita kita..." ipinatong niya ang mga braso niya sa lamesa.

"May girlfriend ka na ba? Wala pa, 'di ba?" nagugulat ako sa mga tinatanong ko pero mas mabuti na 'yung sigurado kaysa naman maging bato ang efforts ko.

He laughed. "Wala pa naman. Bakit, gusto mo?"

Natigilan ako sa tanong niya. "Ha? Anong gusto ko?" ayan na umaarangkada na ang pagiging malandi ko.

Ngumisi siya. "Gusto mo bang tugtugan kita?" aniya at kinuha ang gitara niyang nakasukbit sa likuran niya.

Napangiti agad na parang aso sa kilig. "Ah, akala ko naman maging girlfriend mo..." mahina kong sabi pero mukhang narinig niya 'yon.

"Hindi pa..."

Shet naman! I do, Chago! I do!

"Hindi pa?"

He laughed at binalingan na ang kaniyang gitara. "Anong gusto mong kanta?"

"Ngiti o harana..." sabi ko kaya napangiti siya.

"We have the same taste."

Nang simulant niyang i-strum ang string ng kaniyang gitara ay kinilabutan ako sa sobrang kilig. Hindi ako makapaniwalang dahil lang sinuntok ko sa mukha 'yung Seig na 'yon kahapon ay magiging ganito kami ni Chago! Kung gano'n ay susuntukin ko na siya araw-araw.

"Uso pa ba ang Harana?" nag-angat siya ng tingin sa akin nang simulan ang kanta habang nakangiti.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang humangin nang malakas at tinangay ang malambot niyang buhok. Dahilan para may mapuntang iilang piraso ng kaniyang buhok sa noo niya.

"Marahil ikaw ay nagtataka. Sino ba 'tong mukhang gago? Nagkandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba."

Ang ganda ng boses niya... shet, I do na talaga, Chago. Feeling ko ang ganda ko dahil kinakantahan ako ni Chago.

"Puno ang langit ng bituin ay kay lamig pa ng hangin. Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw at sa awitin kong ito sana'y maibigan mo. Ibubuhos ko ang buong puso ko at sa isang munting harana... para sa'yo..." Ngumiti siya nang malapad matapos 'yon kantahin.

"Ang ganda pala ng boses mo. Parang bagay kapag ako lang nakakarinig..." pag banat ko kaya natawa siya.

"That's a good one..." ngumiti ulit siya sa akin nang makahulugan bago binalingan ang gitara.

Oh my gosh. Dapat pala nag-request ako ng mga sampung kanta.

"Minamasdan kita nang hindi mo alam. Pinapangarap kong ikaw ay akin. Mapupulang labi at matingkad mong ngiti, umaabot hanggang sa langit..."

Nakatitig siya sa akin habang kinakanta 'yon. Na para bang sinasabi niya 'yon sa akin at hindi lang ito kinakanta. Buong atensyon ko ay nasa kaniya lang at sinasabayan ang taimtim niyang paninitig sa akin.

"Huwag ka lang titingin sa akin at baka matunaw ang puso kong sabik..."

Napangiti ako dahil bigla siyang ngumisi. Kakantahin na sana niya ang chorus nang biglang may nakisabay at nang tingnan ko 'yon ay si Seig 'yon.

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling!" garalgal niyang pagkanta kaya napangiwi ako.

Paepal naman 'to! Nagtiim bagang ako sa sobrang inis ko. Istorbo! Kinuyom ko ang kamao ko at sinamaan siya ng tingin.

"Oh, bakit? Maganda naman ang pagkanta ko, ah?"

"Pero hindi ikaw ang gusto kong kumanta kaya makakaalis kana dahil istorbo ka." Inirapan ko siya.

"Sungit naman nito. Huwag mo na nga 'yan kantahan, Chago..." sabi niya kaya natawa si Chago.

"Doon ka nga! Paepal ka talaga, 'no?" iritado kong sabi.

"Baka kapag ako ang kumanta ay ako na maging crush mo..." ngumisi siya kaya napangiwi ako.

"Kadiri ka. Mangilabot ka naman kahit kaonti..."

Bwisit talaga 'tong Seig na 'to. Ang ganda ganda ng pagkanta sa akin ni Chago tapos eeksena siya? Sarap sapakin!

"Sige, mag-aral kana, Syerana. Baka nakaistorbo ako sa'yo... salamat sa pakikinig sa kanta ko..." nginitian niya ako habang pinapasok sa bag ang kaniyang gitara.

Ngumiti ako pabalik. "Salamat din... I enjoyed it. Sana maulit at sana wala ng paepal!" nilakasan ko ang huling salita para marinig ni Seig na nakatayo sa hindi kalayuan at nagpipitas ng mga dahon.

He chuckled. "Sure... maghanda ka na ng mga request mo at kakantahan kita. I'll see you when I see you, aral ka na..." tumayo na siya kaya tiningala ko siya.

I nodded. "Sige..."

Tiningnan ako ni Seig habang nakangisi bago sila naglakad papalayo ni Chago. Bwisit talaga! Napapikit ako nang mariin sa inis pero biglang nangibabaw sa akin ang kilig dahil kinantahan ako ni Chago! Oh my god...

Pagdilat ko ay saktong hinampas ni Kaycee ang lamesa ng kaniyang libro para gulatin ako.

"Lalapit na sana ako kanina kaso nakita ko kinakantahan ka ni Chago. Grabe kana, mamshie. Pa-share naman ng shampoo mo..." aniya at umupo sa inupuan kanina ni Chago.

Napangiti agad ako. "Ano ka ba? Natural lang 'yan!" sabi ko at kinikilig pa rin.

"Kaso mukhang umeksena na naman si Sebastian? May crush siguro 'yon kay Chago kagaya ng sabi mo."

Napawi ang ngiti ko. "Siguro nga... baka bakla siya? Tapos kunwaring inaasar niya ako pero kinukuha niya lang 'yung atensyon ni baby Chago ko."

"Magkasama kayo mamaya, 'di ba? Bakit hindi mo siya tanungin o hulihin?"

Unti-unting umilaw ang aking isip sa sinabi ni Kaycee. Mukhang magandang ideya 'yon, ah?

Mukhang makakabawi na ako sa'yo, bwisit na Seig!

Continue Reading

You'll Also Like

351K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
20.9K 1.3K 41
Zoey Fernandez has her life quickly turned around when her relationship and job becomes toxic. She thought that her family could help her but it beca...
531K 10.8K 34
[𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐏𝐒𝐈𝐂𝐎𝐌 𝐏𝐔𝐁 𝐈𝐍𝐂.] Prequel of the The Ravels Inception: Yulia "From her deepest hell, she thought that marry...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...