Extraordinary Sixth Sense |Co...

By cookiesncreamii

7.4K 475 4

Peculiar Series #2 Book after TNIMTFBE. The experimentation continues. The saga didn't end yet not the tree... More

SIMULA
01: STILL HIM
03: DECODE
04: FIRST WORD
05: TIME
06: DEATH BOX
07: COMBINED
08: LAST CIPHER
09: SOLVED
10: TRAUMA
11: MYSTERIOUS
12: THE KILLER
13: LEFT THOUGHT
14: DAUGHTER OF THE DEVIL
15: THE PAIRS
16: HE CARES
17: TENTH MEMBER
18: HALLUCINATION
19: THE GUYS
20: THE LADIES
21: WORRIED
22: HER MOM
23: CORNERED
24: HOSPITAL
25: NOT ANYMORE
26: LET ME
27: FREE TIME
28: HER PLAN
29: COLD TREATMENT
30: MISS YOU
31: GOT CAUGHT
32: WAKE UP
33: LET'S SURVIVE
34: ALMOST THERE
35: AT LAST
36: LET'S FIGHT
37: SAVE THEM
38: LONG TIME NO SEE
39: COMEBACK
WAKAS
LAST NOTE

02: BLACK BOX

311 16 0
By cookiesncreamii

Caidence's POV

"KYAAAAAAHHHHH!!!!" Malakas na tili ni Siam matapos kong ikwento ang nangyari kahapon.

"Ang ingay ng bunganga mo." Singhal ko atsaka siya sinalpakan ng burger sa bibig. It's her burger naman and not mine.

Tumawa siya nang malakas at parang tuwang tuwa pa sa itsura ko. Namumula na kasi ako na tila batang pikon na pikon.

If I could just tape her mouth right now, I'll take any risk.

"Girl, I can feel it. May feelings pa si Ishmael sa 'yo! Pupusta ako ng sampung libo!" Aniya na parang siguradong sigurado talaga.

Nandito kami sa ground park, nakatambay dahil wala ang prof namin for two hours. Bumili lang din kami ng shake at burger sa cafeteria kanina para may makain at hindi ma-bore habang nagpapalipas ng oras.

"Holdap 'to, akin na puso mo—AHH!"

Sa sobrang bilis ng pangyayari, nakita ko na lang si Chiro na parang iiyak na habang nakahawak sa sarili niyang kamay.

Without even analyzing what happened, sigurado akong hinawakan lang ni Siam ang kamay ni Chiro. That's her sixth sense, intense touch. Kahit sinong hawakan niya, masasaktan talaga. Para kasi siyang may tinutunaw na muscles sa 'yo tapos mapapadaing ka na lang sa sakit. Nac-control niya naman minsan. Napatingin ako sa mga mata ni Siam, as expected nagkulay pula iyon pero nawala rin after five seconds.

"Gusto mo bang patigilin ko sa pagtibok 'yang puso mo, Ichiro Breeze?" Seryosong tanong ni Siam.

Napailing na lang ako. They have this cat and dog kind of relationship everytime na magkasama sila.

Chiro likes Siam while Siam likes Haines. What a nice triangle... but wait—Haines likes Royalty so it's an 'unfair' square now.

Natawa na lang ako sa sarili kong naisip. Hindi lang ako nagsasalita tungkol sa nalalaman ko dahil ayokong i-spoil ang lovelives nila. Baka mag-bounce back sa akin at target-in ang past namin ni Ishmael. Definitely not a great idea.

"Grabe ka naman, crush. Gusto lang naman kita i-surprise." Ngumuso pa ito at naupo sa tabi ni Siam. Magkatapatan ang benches dito sa park at may mesang short trunk of tree ang style.

"Anong crush? Gusto mo maparalisa?"

"Crushback lang, e. Damot." Chiro pouted even more. I arched my eyebrow and stopped myself from laughing.

He's so childish!

"Dehydrated ka lang. Oh, inom!" Pataray na ibinigay ni Siam ang melon shake niya. Tinanggap naman 'yon ni Chiro habang tumatawa pa rin.

"You look cute together." I teased.

"Shut up." Siam rolled her eyes at me. Parang kanina lang nang pumusta siya ng sampung libo sa akin.

Napasimangot na lang ako bago uminom ng buko shake ko.

"Caidence, ikaw si Inaya diba?" Biglang tanong sa akin ni Chiro.

Tumango naman ako. Inaya my second name—

"Inaya tapos iniwan." Atsaka siya humagalpak ng tawa. I sarcastically laughed and kicked his knee under the table.

Pasalamat siya wala akong maisip na pang-asar sa second name niyang 'Breeze'.

"Pupusta ako limang daan, hanging amihan laman ng utak niyan." Biglang sabi ni Siam kaya natawa na lang din ako.

Hilig niya talaga makipag-pustahan. Sa ganiyang paraan niya kasi ipagmalaki ang black card sa wallet niya.

***

Lumipas ang oras at nang makauwi ako sa bahay ay naabutan ko si Daddy na nagluluto sa kusina.

"I'm home, Dad. Bakit ang aga mo po ata ngayon?" Takha kong tanong atsaka nagsalin ng tubig sa baso.

Kadalasan kasing alas-otso ang uwi niya galing sa company. He owns a business under food industry. That is why everytime na nandito siya, parang laging may piyesta sa bahay.

"Mm, your Tita Sam and Tito Gunner will visit later. Kasama nila ang mga pinsan mo."

"Oh, I see. I'll go change muna so I can help you." Paalam ko at tumakbo na paakyat.

Nang matapos akong magpalit ng damit ay agad kong tinulungan sa paghahanda si Dad. Ilang saglit pa ay may nag-doorbell na kaya dali-dali akong tumungo sa gate. I thought it was Eagan, Von and his parents but there's no one when I opened the gate. I only saw a small black box on the ground.

I was about to open it when a familiar car honked. Ibinulsa ko na lamang iyon atsaka sinalubong sina Tito Gunner.

"Yo, bro! Nakita ko post ni Tita Ice sa IG kahapon, ah! Nagkambak kayo ni Ishmael?" Bungad sa akin ng siraulo kong pinsan na si Eagan.

"Ano ba kami? Kpop group? Comeback after three years of hiatus? Sapakin kita diyan, e." Inambahan ko pa siya ng suntok.

Narinig ko naman siyang humagalpak ng tawa. Mamamatay ata siya nang hindi ako inaasar kada-segundo.

"Hi Caid! It's so nice to see you again!" Bati sa akin ni Tita Sam. Nagbeso muna kami bago ko siya sinagot.

"Buti nga po bumisita kayo ngayon pero mas mabuti po sana kung wala kayong kasamang unggoy." I faked a smile.

Tumawa naman sila ni Tito Gunner.

"Pagpasensiyahan mo na lang. Ganiyan talaga siya manlambing." Tito Gunner tapped my shoulder.

"Yeah, whatever." I chuckled. "Hi, Von! Na-miss kita!" Pinisil ko sa pisngi ang isa ko pang pinsan. Apat na taon ang agwat namin sa isa't isa samantalang mas matanda naman sa akin ng isang taon si Eagan.

"Don't pinch my cheeks, Ate! It hurts!" Reklamo niya. Natawa na lang ako atsaka siya inakbayan.

"Tara na po sa loob."

Since hindi pa naman tapos magluto si Daddy, nagchikahan muna sila ni Tito Gunner at Tita Sam. Nanood naman ng movie sa living room si Von.

"Tito, diba may archery room kayo rito?" Eagan suddenly interfered to adult's chitchats while eating an apple.

"Yeah, nasa basement. You wanna try it? Si Caid lang naman ang gumagamit non." Dad answered.

"Oo naman yes, Tito. Nakakamiss kaya pumana."

"Miss ka ba?" Pasaring kong bulong.

"Opkors! Pati nga si Avia, araw-araw akong nami-miss." Pagmamayabang niya.

"Pakihanap ng pake ko sa labas." Irap ko sa kaniya.

"Hanapin ko si Ishmael? Nasa bahay nila—" Bago niya pa matapos ang sinasabi niya ay binato ko na siya ng dalandan. "WAH! Tito, oh! Namamato anak niyo!" Sumbong niya agad.

"Caidence." Seryosong tawag sa akin ni Daddy. Napasimangot na lang ako atsaka sinamaan ng tingin si Eagan.

"Epal." I mouthed.

"Hohoho." Pang-asar niyang tawa with matching make face pa. Nginiwian ko na lang siya.

Pang-asar talaga kahit kailan.

"Baba muna kayo sa basement. May pag-uusapan lang kaming importante." Ani Dad at sinenyasan pa akong hatakin paalis si Eagan.

"Tara na, unggoy! Ikukulong kita sa baba."

Hinila ko na sa kwelyo ang tarantado kong pinsan atsaka tinahak ang daan papuntang basement.

"WOW!" Mangha niyang bulalas nang makita ang kabuuan ng archery room ko.

Pinagawa ko talaga 'to dahil bukod sa pagiging ballerina, mahilig akong mag-archery. Nakahilera sa gilid ang iba't ibang klase ng palaso. Iba-iba ang haba at maski ang tulis. May kulay asul, pula, dilaw, itim, at puti. Sa pinakadulo ng pader ay ang customized archery board na pinagawa pa ni Dad sa Greece nang minsan siyang magka-business trip doon. This room was made just for me... for the one and only Caidence Inaya Fox.

"Pataasan ng score." Eagan snapped me out of my reverie. He was about to touch the most expensive bow I have when I tap his hand.

"Get your dirty hands away from this." I warned him. "Milyon 'to, doon ka lang sa libo." Turo ko sa mga bows na nakalagay sa kabilang gilid ng kwarto.

"Grabe ka naman! Anong akala mo sa 'kin? Dugyot? Ang linis-linis ng kamay ko, e." He pouted.

"I don't care." I rolled my eyes and threw a bow to his direction. "5?" I arched a brow.

"10." He smirked.

I just shrugged and positioned myself at the center. I can get 30 points without any effort. Kinuha niya naman 'yong binocular sa mesa para makita nang malinaw ang board.

Tinira ko iyon nang sunod-sunod at walang bahid ng hirap.

"Perfect." He snickered.

"Your turn." Gumilid ako bahagya para ibigay sa kaniya ang pwesto. Nakita ko pa siyang ngumisi na parang siguradong sigurado sa pagkapanalo.

Nang maipwesto niya na ang bow at arrow, I suddenly saw his eyes. It turned into green for just five seconds at agad ring nawala nang pakawalan niya ang pana.

"Unfair. You have your sixth sense." Reklamo ko na ikinatawa niya.

"Not my fault though."

At the end, 30 points din ang nakuha niya.

Sabay naming inilahad ang mga palad namin sa isa't isa dahilan para sabay rin kaming matawa.

"Okay, fine. Cold ten thousand." Inilabas niya ang wallet niya at iniabot sa akin ang sampung libo. Napangiti naman ako.

"Okay, fine. Crumpled ten thousand." Nilukot ko ang perang kabibigay niya lang atsaka iyon ibinalik sa kaniya.

Tawa ako nang tawa dahil sa pagbabago ng reaksyon niya. Luging lugi!

"CAIDEEEEEEENCE!!!" Bago niya pa ako masakal, tumakbo na agad ako pabalik sa kusina.

Akala niya siguro ay siya lang ang magaling mang-asar. Nakalimutan niya atang magkadugo kami.

***

9 pm na nang makaalis sila Eagan. Masama pa rin ang loob niya dahil nilukot ko ang malutong niyang sampung libo. Natatawa talaga ako kapag naaalala ko ang nalugi niyang mukha. Ang laughtrip, grabe!

Mags-shower na sana ako nang may makapa akong matigas na bagay sa bulsa ko. Kinuha ko iyon atsaka ko lang napagtantong iyon pala ang black box na nakita ko kanina sa labas ng gate.

Inalog ko muna 'yon kasi baka maliit na bomba pala ang laman pero hindi naman nag-ingay. In the end, naisipan ko na ring buksan. Akala ko kung anong laman, papel lang pala. Kinuha ko iyon at tinitigan.

'°°°°..'

Huh? Ano 'to? Printed pa talaga ah. Siguro pangit handwritten nito sa totoong buhay.

Or baka—shit.

Is this some kind of threat? Tulad ng mga napapanood ko sa movies? Yes, maraming nang-aaway sa akin pero wala akong kahit isang pinatulan. Sino naman kaya ang nagpadala nito? And what's the meaning of this?

//.

Continue Reading

You'll Also Like

173K 10.6K 48
Elizabeth has been ruling her kingdom for 3 years now. She's gone through countless advisors in those 3 years. When she's finally ready to give up on...
1.6M 107K 25
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
406K 6.2K 41
*Book one of the Counting on Hockey series* To Meredith, watching hockey was torture. But her sister was a hockey player. She wanted nothing to do wi...
35.9K 554 15
DELULU & GUILT PLEASURE