Extraordinary Sixth Sense |Co...

بواسطة cookiesncreamii

7.4K 474 4

Peculiar Series #2 Book after TNIMTFBE. The experimentation continues. The saga didn't end yet not the tree... المزيد

SIMULA
02: BLACK BOX
03: DECODE
04: FIRST WORD
05: TIME
06: DEATH BOX
07: COMBINED
08: LAST CIPHER
09: SOLVED
10: TRAUMA
11: MYSTERIOUS
12: THE KILLER
13: LEFT THOUGHT
14: DAUGHTER OF THE DEVIL
15: THE PAIRS
16: HE CARES
17: TENTH MEMBER
18: HALLUCINATION
19: THE GUYS
20: THE LADIES
21: WORRIED
22: HER MOM
23: CORNERED
24: HOSPITAL
25: NOT ANYMORE
26: LET ME
27: FREE TIME
28: HER PLAN
29: COLD TREATMENT
30: MISS YOU
31: GOT CAUGHT
32: WAKE UP
33: LET'S SURVIVE
34: ALMOST THERE
35: AT LAST
36: LET'S FIGHT
37: SAVE THEM
38: LONG TIME NO SEE
39: COMEBACK
WAKAS
LAST NOTE

01: STILL HIM

451 25 0
بواسطة cookiesncreamii

A/N: Spoiler alert. You can read this without reading the first book. Happy reading everyone!

*****

Caidence's POV

"Here." Asher offered me a milktea. Tinanggap ko naman 'yon atsaka ininom.

"Thank you." I smiled. Suminghal naman siya.

"Nainom mo na saka ka lang magpapasalamat."

Nakamot ko na lang ang batok ko dahil sa hiya.

"Bakit ba ako ang inaya mo rito? Pwede namang si Siam or Chiro." Bigla niyang tanong habang nakatingin sa napakalawak na ice rink.

Cinema style ang upuan dito sa arena at pinili ko talaga itong medyo mataas para kitang kita ko si Ishmael mamaya kapag nag-perform na siya.

"Aasarin lang ako ng dalawang 'yon." I pouted, "Ayaw mo na ba? Gusto mo na umuwi? Iiwan mo na rin ako?" Pagpapa-cute ko.

"Tss, uminom ka na nga lang diyan." Atsaka niya ako muling inirapan.

Ngumuso ako at umupo na lang nang maayos. Ini-scan ko ang paligid, nagbabaka sakaling nasa tabi-tabi lang si Ishmael. Makalipas ang tatlong segundo, nakumpirma kong hindi nga ako nagkakamali. Kasama niya si Tita Ice at 'yong figure skater trainer niya. Gusto ko silang lapitan pero nahihiya ako.

Baka si Tita Ice lang din ang pumansin sa akin.

Ilang sandali pa at isa-isa nang sumalang ang mga skaters. Pangalawa si Ishmael at hindi ko mapigilang kabahan para sa kaniya.

"Nababasa mo ba kung anong iniisip niya ngayon?" Pabulong kong tanong kay Asher.

"I can't even see his eyes, tss." He hissed.

"Psh, sungit." I whispered.

Ewan ko ba sa lalaking 'to. Daig pa babaeng may dalaw araw-araw. Ang sungit-sungit!

Tinignan ko na lang ulit si Ishmael. Siya na ang sunod na sasalang kaya nagdasal na ako sa lahat ng santo na sana ay magawa niya nang maayos ang routine niya.

Sa tuwing nagf-flip siya sa ere, napapatayo ako dahil sa sobrang kaba. Lalo na 'yong toe loops, napakapit ako nang mahigpit sa braso ni Asher pero agad ring nakahinga nang maluwag dahil natapos ang kanta na wala siyang anumang palya. It was a successful performance, thank God.

"Pwede mo na kong bitawan." Napalingon ako kay Asher nang bigla siyang magsalita. Ilang naman akong tumawa atsaka nag-peace sign.

Kanina ko pa pala hawak ang braso niya. Hindi ko napansin.

"Kabado bente, sorry naman."

Hinintay naming mag-awarding at daig ko pa si Tita Ice sa tuwa nang i-announce na si Ishmael ang first place.

He's really a professional figure skater... and I really admire him for that.

"He's your ex though." Asher smirked.

Suminghal ako atsaka nakasimangot na umirap.

Binasa niya na naman ang isip ko, tss.

Naglakad na ako palapit kila Ishmael pero hindi ako nagpakita. Masyadong manipis ang mukha ko para harapin siya.

Maraming nagpapa-picture sa kaniya at kita talaga sa mukha niya ang saya at satisfaction. He truly deserves the first place. Hindi sa pagiging bias pero siya talaga ang pinakamagaling sa lahat ng nag-perform. His moves were all well-executed compare to the other contestants. I couldn't help but feel proud. Feeling ko ay maiiyak na rin ako.

I heaved a deep sigh and smiled weakly.

"I want to congratulate him... but how?" Nanlulumo kong bulong sa sarili.

"Tell it to your ex-mommy." Muli ko na namang narinig ang boses ni Asher sa likod ko.

"You know how to tease, huh?"

"I know how to roast too."

Inis ko siyang sinuntok sa dibdib. Kaya nga siya ang sinama ko rito kasi akala ko, hindi niya ako aasarin kay Ishmael. Bwisit.

"Caid? Asher?" Sabay kaming napalingon nang marinig ang boses ni Tita Ice.

Pakshet talaga.

"Hello po... Tita." Nahihiya kong bati with matching kaway pa. Hindi ko mapigilang ma-awkward-an dahil 'mommy' ang tawag ko sa kaniya dati-three years ago.

Alam kong matagal na pero hindi naman kasi naghihiwalay ang mga landas namin sa isa't isa. Hindi ko rin mapigilang manghinayang. Dalawang beses na akong nawalan ng ina. Dumodoble 'yung sakit na hinihintay ko na lang mamanhid.

"Did you watch Ishmael's performance?" She asked.

"Caidence wants to support your son, Tita. Nagpasama pa siya sa 'kin." Panlalaglag sa akin ni Asher. Mas lalo akong napayuko dahil sa kahihiyan.

Mamaya ka sa akin pag-uwi, Killian Asher Helix!

"Really? That was... so sweet." Nag-angat ako ng tingin at napansing kakaiba ang ngiti ni Tita. Umabot na tuloy sa sukdulan ang kahihiyan ko ngayong araw.

"Yeah, she's sweet." Gatong pa ni Asher.

"I... I'm sweet?" Takha kong tanong. Hindi ko sila maintindihan! Anong sweet? Sinong sweet? Bakit sweet?

Narinig kong tumawa si Tita atsaka ako hinawakan sa magkabilang balikat.

"Come with us. We're going to celebrate." Then she winked at me.

"Po? Ano po kasi..." Gusto kong tumanggi pero may part ding gusto kong sumama.

Kainis naman. Bakit ba ang hirap turuan ng puso? Feeling ko tuloy ang tanga-tanga ko.

"What? Don't tell me nahihiya ka." Tita Ice pinched my cheeks lightly.

"Yes, she is." Siniko ko si Asher nang sumabat na naman siya.

Nakakailan ka na sa 'kin! Tignan mo lang talaga mamaya pag-uwi.

Saglit na nagbago ang kulay ng mga mata niya nang magkatinginan kami. Ngumisi lang siya nang mabasa ang iniisip ko.

"Baka po kasi... ayaw akong makita ni... Ishmael." I bit my lower lip as I stuttered.

"Huh? Bakit mo naman naisip 'yan? Let's go na." Bigla niya na lang akong hinila papunta sa crowd kaya halos sumabog ang dibdib ko sa kaba.

Nagsitabihan naman ang ibang mga babae at tinaasan pa ako ng kilay. Napapikit na lamang ako sa hiya.

"Who's that?"
"That's Ishmael's mother."
"Bakit kasama niya ang mommy ni Ishmael?"
"Omg! Sumisipsip ba siya?"

Agad akong napadilat nang marinig ang mga boses nila sa isip ko. Mga boses na mapanghusga at walang ibang ginawa kundi mag-isip ng masama sa kapwa.

"Let me take you a picture!"

Nanlaki ang mga mata ko nang itulak ako ni Tita papunta sa tabi ni Ishmael. Dumistansiya naman agad ako nang magdikit ng isang segundo ang mga braso namin.

"What are you doing here?" Malamig niyang bulong.

"I... supported Carlo, the candidate number five from Cebu-" Hindi ko na natapos ang pagsisinungaling ko nang magsalita ulit si Tita Ice.

"Closer, bilis!" Binigyan niya pa ako ng mapanuyang tingin.

Grabe, number one shipper talaga siya ng love team namin!

Kaso iyong love team na 'yon ay three years ago nang namaalam. Namaalam nang walang sinasabing dahilan.

Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin alam kung bakit.

Kung bakit bigla siyang napagod.

Kung bakit bigla siyang nagsawa.

Kung bakit bigla siyang nagbago.

Ang daming tanong sa isip ko na hanggang ngayon ay walang makapagbigay ng sagot.

Nakakapagod ba ako kasama?

Nakakasawa ba ako kausap?

Masama ba akong girlfriend para magbago siya?

Gusto ko na naman tuloy umiyak dahil hindi ko malaman kung saan ba ako nagkulang o kung may kulang ba talaga sa akin.

I trusted him at alam kong wala siyang ibang babae... pero kahit na gano'n, ang gulo pa rin. Gusto ko siyang tanungin, ilang beses kong sinubukang itanong pero natatakot akong baka pagsisihan ko lang sa dulo. Baka mas lalo lang akong masaktan.

But here I am, sinusuportahan ko pa rin siya sa kahit saang contest. Mapa-international o national, lagi akong nasa likod... nanonood at nagdarasal.

Kung pwede lang sana na maibalik ang dati...

Kung pwede lang sanang kami na lang ulit...

Hindi ko na sana siya hinayaang umalis at talikuran ako...

Hindi sana ako nagpalamon sa emosyon ko...

Dapat hindi na lang ako sumama sa camping na 'yon...

"Step closer." Ishmael suddenly demanded.

"H-Huh?"

"Tss."

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong higitin sa bewang at hilain palapit sa kaniya.

"His name is Carlos, contestant number 6 from Davao." Aniya habang nasa harap ang paningin.

"W-What?" He just caught me lying!

"Okay! 1, 2, 3, smile!" And then a camera flashed on us.

//.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

63.3K 2.3K 13
Unknown: YOU DID NOT TAKE THAT PHOTO OF ME DURING CLASS Namjoon: ahhhh who r u
Queen's Adviser بواسطة Kitten is little

الخيال (فانتازيا)

168K 10.5K 47
Elizabeth has been ruling her kingdom for 3 years now. She's gone through countless advisors in those 3 years. When she's finally ready to give up on...
89.8K 2.5K 26
"𝐜𝐚𝐮𝐬𝐞 𝐢'𝐯𝐞 𝐡𝐚𝐝 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠, 𝐛𝐮𝐭 𝐧𝐨 𝐨𝐧𝐞'𝐬 𝐥𝐢𝐬𝐭𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠, 𝐚𝐧𝐝...
91.3K 3.3K 72
It's about an identical twins, they are seperated since birth and don't know that they have a twin, Each have different worlds and life.. Isabella w...