Prios 1: Contract with Mr. Ph...

Door LenaBuncaras

246K 14.6K 2.3K

Napakadaldal na babae ni Chancey kaya kataka-taka kung bakit siya ang napiling sekretarya ni Mr. Donovan Phil... Meer

Contract with Mr. Phillips
1. Application Process
2. Personal Secretary
3. The House in the Woods
4. Questions and Doubts
5. Seven o'clock
6. First Night High
7. Black Door
8. Bloody Room
9. Undeclared Slave
10. Curfew Hours
11. Grand Cabin's Monster
12. The Real Deal
13. Guardian
14. The Chairman's Secretary
15. Monday Morning
16. Just One Bite
17. Mortal Being
18. Bad Dinner
19. The Widower
20. The Immortal Maidservant
21. The Archer
22. The House Owner
23. The Shifters
24. The Seal
25. The Husband
26. The Love Interest
27. The Unmarried Wife
28. The Persecuted Witch
29. Morning Arguments
30. The Last Warning
31. Music of the Woods
32. The Cursed Ring
34. The Fae
35. Night in the Grand Cabin
36. The Final Contract With Mr. Phillips
Next Part: Helderiet Woods
Special Part

33. The Family

4.5K 335 22
Door LenaBuncaras

Ang lamig. Sobrang lamig ng pakiramdam ko. Ang hangin sa labas ng Grand Cabin tuwing gabi kaya hindi ko na masabi kung gawa ba ng takot o ng hangin ang panginginig ko.

Nakasubsob ako sa damuhan. Hingal na hingal ako. Parang may malaking bara sa lalamunan ko na ayaw maalis ng paglunok.

Nakatitig lang ako sa harapan. Ang dami nilang nakaitim. Babae, lalaki . . . lima? Pito? Sampu?

"So, it's you. The unknown human."

"Ha?" Napagapang ako paatras habang nakatingin sa lalaking . . . mahaba ang buhok at mahaba ang pangil. Nakasuot siya ng black suit na may ruffles na puti sa panloob na blouse. OMG, ang weird ng itsura niya. Mukha siyang buhay na taga-Victorian era. "Huwag kang lalapit . . . sisipain kita, huwag kang lalapit sa akin!"

"Oh, poor thing." Natawa siya nang mahina at lumingon sa likuran niya. "Donovan, is this your new pet?"

"Chancey, save yourself!"

Lalo akong hiningal habang nakikita si Mr. Phillips na nakaluhod. Hawak siya sa magkabilang braso ng dalawang malalaking lalaking nakasuot ng black T-shirt.

"We asked you to bring us food, Van." Napatingin ako sa isa pang lalaking blonde at matapang ang itsura. May hawak-hawak siyang punyal—yung punyal na kamukha ng ibinato sa akin ni Mr. Phillips noon.

"Chancey, run! Please, save yourself, please . . ."

Lalong nagtindigan ang mga balahibo ko habang naririnig ang pag-angil ni Mr. Phillips, pero hindi na nakakatakot pakinggan ang sigaw niya. Mas nangingibabaw sa boses niya ang takot kahit sobrang lalim.

Napalunok ako at kusa nang tumulo ang luha ko habang nakikita siyang nagmamakaawang tumakbo ako. Nanginginig ang labi ko nang kagatin iyon para lang awatin ang takot kong lumabas.

"How many times do you want us to warn you, Van?" sabi ng bampirang ginto ang buhok habang nakatingin sa akin. "Was that human not enough to teach you your lesson?"

Dahan-dahan akong umatras at napahinto ako nang maalalang nasa likuran ko ang panggagalingan ng mga halimaw na laging nilalabanan ni Mr. Phillips tuwing gabi.

"Don't hurt her! Please, I'm begging you, Edric!" pagmamakaawa ni Mr. Phillips doon sa bampirang kausap niya.

"Ah! Beg! Van, until now, still not done with the begging?"

Saglit na tumalikod ang may hawak ng punyal para harapin si Mr. Phillips. Hindi ko alam kung paano ako tatakbo, saan ako tatakbo, o kung may matatakbuhan pa ba ako.

Ang dami nila. Napalilibutan nila kami.

"You are keeping a cursed mortal inside this land, Donovan," sabi n'ong Edric habang nakatalikod sa akin at ipinaiikot sa kamay niya ang punyal na hawak. "You are here to learn from your mistakes of choosing a reckless human, brother. Not to repeat what you did."

"Her mother killed Marius, Edric," sabi ni Morticia kaya napatingin ako sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang ayos niya. Mukha sana siyang maganda pero ang sama talaga ng pakiramdam ko sa kanya.

"Her mother?" Mabilis na tumalikod sa akin ang nagsasalitang bampira at kunot-noo akong tiningnan. "What an interesting sight to see tonight. The cursed child of Quirine . . ." Nagtaas siya ng mukha na parang hindi niya gustong nakikita ako sa harapan niya.

"Arck! Aarrcck!"

Napalingon ako sa likuran at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga taong putik na papalapit na sa direksyon ko.

"You should learn from our cousin's mistake, Donovan," sabi ng Edric na iyon habang bahagyang nakalingon kay Mr. Phillips sa likod. "Loving a Dalca means death. You kill them or you die because of them."

"Chancey, run for your life!"

Ibinato ng tinawag nilang Edric sa harapan ko ang punyal, at sigurado na ako dahil sa liwanag ng hindi buong buwan—ito ang punyal na ginamit ng asawa ni Mr. Phillips para patayin ang sarili niya.

Lalong bumigat ang paghinga ko habang palipat-lipat ang tingin sa punyal na nasa damuhan at sa grupo ng mga bampira sa harapan ko. Ayaw tumigil ng luha ko sa pagpatak dahil sa takot. Lumingon ulit ako sa likuran dahil papalapit na ang mga taong putik.

"Die, cursed mortal!"

"Kill yourself for the family!"

"Chancey!"

Nanginginig kong ginapang ang punyal at eksaktong pagtalikod ko ang pagdamba sa akin ng malaking itim na aso.

"Aaahh!"

Inunday ko sa hangin ang hawak ko at natamaan ko ang malaking aso. Sigaw lang ako nang sigaw nang biglang naging maliliit na tuyong dahon at nilipad ng hangin ang asong sinaksak ko.

Naging . . . natunaw sa hangin yung . . . yung malaking aso.

Paglingon ko sa kanan habang hinihingal kasisigaw, ang dami na namang kuwagong dumating. Napatingala ako at nakarinig ng napakaraming tunog ng lumilipad na paniki sa itaas. Pagtingin ko sa harapan, ang dami nang soro saka coyote na sumugod sa mga shifter.

Mabilis akong tumayo at pinalibutan ako ng mga hayop ng Helderiet para bakuran. Kahit nanginginig ako, sinubukan ko pa rin silang tutukan ng punyal.

"Bitiwan n'yo si Mr. Phillips . . ." nanginginig na banta ko sa kanila.

"Chancey, no. Please, no . . . run . . . run!"

"Mr. Phillips!" napasigaw na lang ako nang bigla siyang palibutan ulit ng itim na usok.

"Please, go away from here! Chancey, save yourself!"

"Pero—"

"I'll be fine! I—agh—promise, I—I'll be . . . fine!"

"What a love story, I'm nauseating," sabi ni Edric. "Lazarus, end the mortal."

"No . . . no, no, no!" Napatakbo agad ako sa direksyon papalabas ng Helderiet dahil hinabol agad ako ng malaking lalaking nakaitim na kasamahan nila.

"Run, weakling!" Ang lakas pa ng tawa niya habang hinahabol ako.

"Mama!" Kamalas-malasan, bigla akong nadapa sa damuhan nang matalisod ako sa isa sa mga sprinkler. "Tama na!"

Hindi ko naman sinasadya pero pagtihaya ko, nasaksak ko ang malaking lalaki sa dibdib.

"Hah—" Natigilan ako sa paghinga nang bigla siyang maging abo at nagbagsakan ang lahat ng iyon sa katawan ko.

Biglang humangin nang malakas at nilipad ang ibang alikabok paalis sa akin.

"H-Hindi ko . . . hindi ko si-sinasadya . . ." Nanginginig akong napatingin sa pamilya ni Mr. Phillips. "Hindi . . ." Napailing ako. Hindi ko sinasadya.

Natapilok lang ako 'tapos . . . 'tapos lumapit siya.

"What the hell are you?" narinig kong sinabi ng lalaking mahaba ang buhok.

Umiling ako habang natutulala. "H-Hindi ko sinasadya . . . hindi . . ."

Mabilis akong tumayo at dahan-dahang umatras.

"She killed Lazarus, Father," narinig kong sinabi ni Morticia na hindi rin makapaniwala.

"Hindi . . ." Tiningnan ko si Mr. Phillips na nagulat din. "Hindi ko alam . . . hindi ko alam."

Nasulyapan ko pang lumunok siya at tumango. "Run, Chancey . . . please . . ." walang boses niyang utos sa akin habang nasa akin pa ang atensiyon ng mga sumugod sa Cabin.

Nanginginig na lang akong tumango at kasabay ng pagtalikod ko ang pagsama sa akin ng mga hayop ng Helderiet sa kalagitnaan ng gabi.


♥♥♥


Wala na akong bahay na mauuwian. Lahat ng gamit ko, naiwan sa kuwarto ko sa Cabin. Wala akong ibang dala kundi ang suot kong wedding dress ni Mama na puno na ng dumi at ang punyal na dapat papatay sa akin.

Lutang akong naglakad sa sidewalk papunta sa JGM. Mabuti na lang at gabi na, hindi ako mukhang tangang naglalakad na naka-wedding dress at mukhang runaway bride.

Ayaw mawala sa utak ko ng mukha ni Mr. Phillips na mangiyak-ngiyak at nagmamakaawa.

Kung ganoon pala ang nangyari sa asawa niya noon, ang suwerte ko palang nabuhay ako.

Gusto kong maawa sa sarili ko pero mas naaawa ako kay Mr. Phillips. Feeling ko, binu-bully siya ng buong pamilya niya kasi nagmahal siya ng tao. Hindi ko naman alam kung mahal ba ako ni Mr. Phillips kasi parang normal lang sa kanyang maging worried sa akin. Pero kahit pa. Parang kahit maging worried lang, kasalanan pa rin para sa kanila.

Twelve-minute walk lang ang JGM mula sa The Grand Cabin kaya ang bilis kong nakarating doon.

"Hi, Kuya Guard," matamlay na pagbati ko.

"O, ma'am, ayos lang kayo?" Nakita ko namang nag-aalala siya nang lapitan ako.

"Kuya, si Eul, nandiyan po ba?"

"Doon po sa front desk, ma'am, hali kayo."

Inalalayan niya ako papasok sa loob ng building ng JGM. Wala na halos tao, at paglingon ko sa kanan pagpasok sa entrance, mukha ni Eul ang una kong nakita.

"Miss Chancey!" Dali-dali siyang umalis sa puwesto niya at ang bilis ng paglakad niya papalapit sa akin. "Ano'ng nangyari?"

Itinaas ko ang hawak kong punyal. "Eul, pumunta sa bahay ang pamilya ni Mr. Phillips."

Napahugot siya ng hininga habang nakaawang ang bibig. Para siyang may sasabihin at hindi na lang niyang naituloy.

"Eul, alam mo bang pupunta sila?"

"Pasensiya na, Miss Chancey, hindi ako sakop ng balita sa Helderiet. Nasa external affairs ako ng mga Vanderberg. Sina Lance at Serena ang may alam kung darating sila o hindi."

Napabuntonghininga ako kasi nagsabi naman si Lance nitong tanghali, pero wala siyang sinabing nakakatakot pala ang pamilya ni Mr. Phillips.

Si Mrs. Serena ang nakarami ng warning. At sabi nga niya, ginagawan lang niya ako ng pabor na habang maaga pa lang, umalis na ako kasi hindi ko gugustuhing palayasin ng pamilya mismo ni Mr. Phillips.

"Eul, sinaktan nila si Mr. Phillips." Pagkatapos kong sabihin iyon, nanginig na agad ang labi ko at pinangiliran na naman ako ng luha. "Eul, puwede mo ba siyang iligtas . . .?"

Napailing agad siya sa sinabi ko. "I'm sorry, Miss Chancey. Desisyon iyon ng pamilya. Hindi ako puwedeng mangialam doon kundi pupugutan nila ako ng ulo."

"Pero kasi—" Napapikit na lang ako at napapunas ng matang hindi pa man natutuluan ulit ng luha. "Eul, si Mr. Phillips kasi . . . naiwan siya e . . . delikado siya roon . . ."

"Miss Chancey."

"Hindi mo ba puwedeng gawan ng paraan, hmm?" Nakikiusap na ang tingin ko sa kanya.

Baka patayin nila si Mr. Phillips. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon. Kasalanan ko kasi talaga kung bakit siya napahamak. Lahat naman ng lalaking lumalapit sa akin, napapahamak.

Lahat sila.

Lahat sila, hindi ko na nakita pa ulit.

"Miss Chancey, wala akong ibang maitutulong sa inyo ukol sa pamilya—"

"Eul, kailangan ko ng tulong . . . hindi ko alam kung saan ako pupunta."

Tumango naman siya. "Naiintindihan ko. Habang hindi pa maayos ang usapin tungkol sa pamilya at sa iyo, wala akong ibang mapagdadalhan sa iyo kundi sa bahay namin."

"Salamat, Eul."

"Huwag kang mag-alala.Marami kaming nakatira doon na naglilingkod para kay Mr. Phillips." Tumanawsiya sa likuran ko at bahagyang yumuko. "Zagan, dalhin mo si Miss Chancey sa Romana."



♥♥♥


Alam kong mabait si Eul, at nararamdaman kong mabait talaga siya. Kaya noong sinabi niyang sa bahay raw niya ako magsi-stay, talagang ang laki ng pasasalamat ko kasi hindi ako matutulog sa kalsada.

Akala ko, noong sinabi niyang bahay niya, parang ka-level ng kay Mr. Phillips ang mararamdaman ko, pero sobrang nanibago ako pagtapak na pagtapak ko sa malaking bahay na may pangalang Romana sa façade ng golden gate.

Para akong pinapasok sa napakalaking mansiyon na mas malaki pa sa Grand Cabin. May seraph fountain sa gitna na naglalabas ng tubig sa hawak na vase at tinututukan ng yellow spotlight.

"Miss, dito po tayo."

"Opo." Nag-bow naman ako nang paulit-ulit sa isang naka-uniform na maid. Nakatitig lang ako sa kanya kasi hatinggabi na pero naka-uniform pa rin siya.

Naka-uniform din naman ako tuwing gabi pero naka-night shift naman kasi ako. Night shift din ba sila?

"Wow." Pagtapak ko sa loob, humahalimuyak agad ang amoy ng bulaklak sa loob habang dumadampi sa balat ko ang lamig ng air con. Parang gusto ko na lang bumagsak bigla 'tapos matulog agad-agad gawa ng pagod.

Sobrang liwanag sa loob. Kung ano'ng ikinadilim ng Grand Cabin, siya namang ikinaliwanag nitong malaking bahay na may spiral staircase pa sa kanan at malaking living room sa kaliwa. Ang gara ng crystal chandelier sa itaas na parang maliliit na butil ng ilaw na nakakalat doon.

"Bahay po ba ito ni Eul?" naiilang na tanong ko sa maid na sumundo sa akin sa may gate at inaya ako papasok sa loob.

"Mansiyon po ito ng mga Seredor."

"Mayaman ba si Eul?"

Ang hinhin niyang ngumiti sa akin. Nahihiya na tuloy ako kasi mukha akong walang manners. "Galing sa mataas na pamilya si Sir Eulbert, miss."

"Oooh. Wow." Napatingin ulit ako sa paligid. Para akong kinukuha ng liwanag. Hindi nakakasilaw pero parang gusto ko na lang mamahinga forever.

"Magandang gabi, hija."

"Po?" Napalingon agad ako sa kanan at nakitang papalapit ang isang babaeng . . . sopistikada. Ang ganda ng puting damit niya, kamukha ng wedding dress ko pero walang sheath. Mukha siyang diyosa sa kulot na puting buhok niyang may kung anong kumikinang roon. Ang amo ng smile niya kahit medyo may-edad na siya nang kaunti. Pero ang ganda niya. Para siyang . . . naalala ko sa kanya ang mama ko kahit hindi sila magkamukha.

"Sinabi ni Eulbert na may bisita raw siya galing sa Helderiet Woods."

"O-Opo." Nag-bow naman ako nang bahagya.

"Mukhang hindi naging maganda ang nangyari doon."

Napahugot ako ng malalim na hininga saka tumungo. Hindi lang hindi naging maganda. Sobrang lala pa.

"Akin na ang punyal ni Prosperine."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Po?"

Nakalahad lang ang palad niya kaya tumango naman ako nang kaunti. Akma ko na sanang ibibigay sa kanya kaso bigla niyang sinalo ang kaliwang kamao ko.

"Saan mo nakuha itong singsing?"

"Po?" Magkasabay pa kaming nagtaas ng mukha kaya nagsalubong ang tingin naming dalawa.

"Itong singsing na suot mo. Saan mo nakuha?" tanong ulit niya.

"B-Binigay po ni . . . ni Mr. Phillips . . ."

"Nang ganito ang itsura?" kunot-noo niyang tanong.

Umiling ako. Hindi naman kasi ganoon itong singsing noong ibinigay sa akin. "Itim po ito 'tapos ruby. Nagbago lang po noong . . ." Pilit na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ko masabi kung ano ang nangyari sa singsing kasi kahit nga ang nagbigay, hindi alam ang nangyari e.

"Nagbago noong isinuot mo," pagtapos niya sa sinasabi ko.

"Opo . . . parang ganoon na nga po," nahihiyang sagot ko.

"Kaninong anak ka?"

"Po?" Tinitigan ko na naman siya. "Kina Fabian at Quirine po . . ."

"Dalca?"

Tumango naman ako.

"Kaya pala. May dugo ka ng ada." Kinuha na niya ang punyal ni Mr. Phillips sa akin. "Hindi mo dapat hinahawakan ito. Kaya ka nitong patayin kahit sa maliit na sugat lang." May lumapit sa kanyang maid 'tapos nakahanda na agad sa kamay n'on ang isang puting tela. Inilapag niya roon ang patalim na dala ko at binalingan na naman ako ng tingin. "Nakatira ka sa kakahuyan?"

"Dati po. Bakit po?"

"Ikaw marahil ang nawawalang anak ng bantay roon."

"Pero . . . hindi po ako . . . nawawala."

Hindi ko siya naiintindihan. Paano ako mawawala? Saka anak ng bantay? Anak ako ng mga magulang ko na hindi bantay. Painter ang tatay at violinist ang nanay ko, hindi guards.

"Malamang na hahanapin ka ng pamilya," dagdag pa niya.

"Sorry po kung madadamay—"

"Mabuti at dito ka dinala ng anak ko. Sumama ka sa akin."



♥♥♥

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

3.2M 73.3K 49
Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kanya. Okay na siya kung masaktan man at t...
488K 8.8K 46
Cervantes Brothers Series: 4 Nagsimula ang lahat sa isang dare hanggang nauwi sa totohanan. Nang malaman ng ama ni Knch Cervantes ang relasyon nito s...
2.7M 46.1K 50
#26 in ROMANCE (05-29-17) #4 in Doctor #9 in heartaches #4 in operation Ryanalene Finch is a very happy person. Pero may isang bagay na hindi nya kay...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...