The Vicious Agent (Freezell #...

By Ice_Freeze

1.2M 45.6K 10.6K

Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Callia Gonzales, isang misteryosa, nakakatakot, malawak mag-isip... More

READER'S GUIDE
Freezell #9: The Vicious Agent
PROLOGUE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
EPILOGUE

Twenty-one

29.4K 1.2K 206
By Ice_Freeze

AEIGNN

  

Nakatitig lamang ako sa larawan namin dito sa loob ng opisina ko. Mapait akong napangiti at napapahid ng butil ng luha na kumawala sa mga mata ko.

         

Ang tagal kong inasam na mahalin niya rin ako, ngunit tila nais talaga kaming kontrahin ng sitwasyon.

           

She's more than just an agent. Callia...... she's  neither more than or below someone's expectation. Kailan ko lamang nalaman ang mga ilang nalalaman ko, at halos hindi ito ma-proseso ng utak ko.... kasabay pa nitong biglaan niyang pagkawala.

       

Kinuha ko ang larawan at hinaplos ko iyon. "Ang hirap mong mahalin. Mula noon, hanggang ngayon, tila hirap na hirap akong sungkitin ka pati ang tiwala mo."

      

*****

    

"Dude!" Ayaw ko man sanang pansinin ang pagtawag na iyon ni Russell ay nilingon ko na rin. Hindi siya titigil kung hindi ko siya papansinin.

    

"What's your problem?" Walang emosyon na wika ko rito at ngumisi lamang siya sa akin ng nakakaloko.

           

"Nag-aaya si Paolo, Clarence at Davidson mamaya. Alam kong hindi ka sasama kung simpleng aya lang, pero dude, there are women na inimbita ni Clarence from IT department," anito sa akin na animo sayang-saya at handang-handa sa kung ano man ang kaganapan mamaya.

                 

"I won't still go. Marami akong kailangan asikasuhin—"

            

"One piece collector's item," putol niya sa akin ngunit pinaningkitan ko lamang siya ng mata.

             

"I just got mine, stop luring me. Not fucking effective," nakangisi kong wika sa kaniya at tuluyang bumagsak ang balikat niya.

         

"'Tang ina, Aeignn. Kailangan ka namin. Hindi pupunta 'yong mga babae kung wala ka," pagtatapat niya sa akin at muli ko siyang tinapunan ng nakakalokong ngisi. Just as I suspected. They used me again to lure those women.

                 

"Noon ko pa kayo sinabihan na huwag n'yo 'kong ginagamit sa mga katarantaduhan n'yo—"

              

"Just this once, dude. Promise, una't huli na 'to," halos nagmamakaawang wika ni Russell sa akin kaya't wala akong nagawa kung hindi bumuntong hininga at tanguan siya.

               

"Una't huli. Fine."

           

"IRONIC bar, 9pm," pahabol na wika niya saka pa tinapik ang balikat ko at tumakbo paalis.

      

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mahagip ng tingin ko ang isang babae sa ilalim ng malaking puno ng acacia at mukhang kumakain ng pananghalian. Ito ang unang pagkakataon na makita ko siya rito sa tinatambayan ko. She looks so timid and an outcast.

             

I was about to approach her nang mukhang tila tumunog ang telepono niyang de-keypad at sinagot niya iyon habang ngumunguya pa, bago niya iniligpit ang kinakain at ang ibang gamit niya saka niya inilagay sa loob ng bag niya.

      

"Oh, Olga?..... Gano'n ba?..... Sige.... Sige.... Oo.... Andiyan na."

         

Naka-alis na siya nang tumungo ako sa pinaggalingan niya at may nakita akong isang maliit na notebook. Dinampot ko iyon at binuklat. Hindi na ako nagtakha na diary ito. Nasa itsura niya ang mahilig magkimkim ng iniisip at isusulat lamang ang mga nararamdaman.

         

Inilagay ko ang notebook na iyon sa loob ng bag ko saka ako nagdesisyon na tumungo na muna sa sasakyan ko at doon matulog.

          

         

        

   

PASADO alas nuebe na ako nakarating sa bar na sinabi ni Russell. Hindi dahil sa ayaw ko, kung hindi dahil napahaba ang tulog ko sa sasakyan gawa nang nagbasa muna ako sa diary no'ng babae bago ako natulog. Alas siete na akong nagising at tumungo pa ako sa bahay namin upang maligo at magpalit ng damit.

       

"Aeignn!" Pamilyar na boses na nagpalingon sa akin at nakita ko sina Clarence, Davidson, Paolo, at Russell na nakaupo sa isang pabilog na pwesto at may mga babae na rin silang kasama.

            

Mauupo na sana ako malayo sa mga babae nang may babaeng biglang humila sa pulso ko kaya't napaupo ako sa tabi niya. Ayoko sa lahat ay hinahawakan ako, ngunit hinayaan ko na lamang iyon. Ayokong sirain ang gabi ng mga kaibigan ko.

            

"Hi, Aeignn. I'm Angelie," pakilala nito sa akin saka nag-abot ng kamay.

          

Inabot ko naman ang kamay niya para lang hindi siya mapahiya sa harap ng iba at tipid ko siyang nginitian. "Aeignn."

                  

"Gaaad! You're so timid. Ang layo sa mga nababalitaan ko sa'yo," anito sa akin saka pa ipinatong ang dalawang niyang kamay sa kanang balikat ko at ipinatong niya doon ang baba niya. Halos magkalapit na ang mga mukha namin at hindi ako komportable roon.

                      

"Actually, I'm the worst," walang emosyong wika ko rito at tinaboy ang kamay niyang nakadantay sa akin.

             

"Hehehe. A–Ano... Nagbibiro lang si Aeignn. Wala lang talaga siyang sense of humor," pagsalo ni Russell sa ginawa ko at nagtawanan na lamang sila.

             

Lumagok ako ng alak na nasa harap ko. Hindi ako pumayag sa set-up na ito para lamang makipag-usap sa mga ito. Mas pabor sa akin ang pag-inom.

             

Nakakailang baso palang ako nang maramdaman ko ang pagbaba ng pantog ko na lubos na nakakapagtakha. Nahihilo na rin ako na hindi dapat nangyayari. I have a high alcohol tolerance. This seems too impossible.

           

"CR lang—"

         

"Ako rin," sabat ni Angelie sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin. Tumayo ako ngunit agad umatake ang pagkahilo sa akin kaya't napakapit ako sa taong malapit sa akin ngunit agad rin akong bumitaw.

             

"Pasensya na," wika ko sa taong 'yon nang hindi ko namam tinitignan bago ako tumuloy sa banyo.

              

Nagawa ko na ang dapat kong gawin. Lumabas ako ng  banyo at nagulat ako nang bigla na lamang may humatak sa akin papasok ng banyo ng mga babae. Hilong-hilo man ay kitang-kita kong si Angelie iyon.

                

"Ang ilap mo naman," aniya sa akin saka ako tangkang hahagkan sa labi ngunit itinulak ko siya.

               

"Hindi ako mailap. Hindi lang kita tipo," walang gatol na wika ko rito na tila uminsulto sa kaniya dahil bigla na lamang niya akong sinampal saka niya sinira ang damit niya na ikinangisi ko. Mukhang alam mo na ang patutunguhan nito.

                  

Hindi na ako nagtakha nang nagsimula siyang magsisigaw na ginagahasa ko raw siya at maraming tao ang agad na pumasok sa banyo.

                

Akmang may sasapak sana sa akin ngunit mabilis akong naka-iwas at ako ang umunday ng suntok sa taong iyon.

                   

Dumating ang mga kaibigan ni Angelie na kasama ko sa table kanina at tinignan ako ng masama. "Hayop ka! Ide-demanda ka namin!" Sigaw sa akin no'ng isa.

             

"Go on—"

             

Biglang bumukas ang isang cubicle ng banyo at may lumabas doon na pamilyar na mukha sa akin na nakasuot ng pang-waitress na damit saka dumeretso sa lavatory para maghugas ng kamay.

        

Siya ang babaeng nakita ko kanina. Ang babaeng may hindi magandang buhay at nakaraan.

            

"Angelie n'yo pabaliw na. Balak pa yatang mamikot. Iuwi n'yo na 'yan, Crizza. Kanina ko pa siya nakikitang kung ano-anong nilalagay sa inumin ng lalaking 'yan, tapos ngayon nagpanggap na ginagahasa. Desperada," tila wala lang na wika niya at dumaan sa harap ko ngunit saglit na huminto. "Kapag tinuloy nila ang demanda, hanapin mo lang ako sa IT department ng West Windle University. I will be your witness," anito sa akin at muling lumakad.

           

Akmang sasabunutan siya ni Angelie ngunit agad siyang naka-iwas. "HAYOP KA TALAGA, CALLIA! HAYOP KANG PAKIALAMERA KA!"

           

Callia...... So it's Callia? Wala kasing pangalan ang diary niya.

           

Upon hearing her name..... for the first time.... my heart skips a beat. So fucking gay.

          

     

       

   

HAWAK ko ngayon ang notebook ni Callia at balak ko sanang isauli sa kaniya ngunit nagdalawang-isip ako. Nakatayo siya ngayon sa labas ng pinto ng classroom niya habang may kausap sa telepono at tila lumuluha..... I don't know why, but she looks so beautiful and timid. Na-e-estranghero ako sa kabog ng dibdib ko kada madadako sa mukha niya ang paningin ko.

           

I want to take care of her. I want to hug her. I want to comfort her. Pakiramdam ko kailangan niya ng katuwang. Pakiramdam ko kailangan niya ng masasandalan.... at palagay ko kaya kong ialaya ng buo ang sarili ko sa kaniya.

             

Dumaan ang mga araw at hindi ko pa rin naibibigay sa kaniya ang notebook niya. Hindi ko rin magawang makalapit sa kaniya. Palagi lang akong nakatanaw sa kaniya sa malayo at kung minsan ay nahuhuli pa ako nila Paolo kaya't umaani ako ng kantyaw mula sa kanila.

            

Sa mga dumaan na araw ay lalo lang akong nabaliw sa kaniya.... sa gandang taglay niya.... maging sa pagiging misteryosa niya. Alam kong isang sabi ko lang sa ibang agents ng Phyrric ay mahahanap ko na agad ang mga impormasyon ukol sa kaniya, ngunit para sa akin ay sapat na kung ano man ang nabasa ko sa diary niya.

                 

Galit siya sa totoo niyang ama dahil matapos siyang maipanganak ay iniwan na nito ang nanay niya dahil umano wala itong kaya. Ninanais niyang makatapos ng pag-aaral upang mapagamot niya ang nanay niyang may sakit. Marami siyang part time jobs at halos wala na siyang tulog sa araw-araw. Iilan lamang iyan sa mga nalaman ko ukol sa kaniya.

             

"Alam mo, dude, kung kami ikaw, gagawa na kami ng paraan para mapansin kami. Ngayon ka lang namin nakitang nabaliw sa babae, huwag kang torpe. Galaw-galaw. Hindi mapapansin niyang kinababaliwan mo kung wala kang gagawin. Baka nga hindi niya alam na nag-e-exist ka rito sa eskwelahan," pangbu-buyo sa akin ni Clarence at lubos akong napaisip doon.

           

Totoong hindi pwedeng ganito. Kung gusto ko talaga siyang habang-buhay na alagaan at makasama, kailangan ko nang kumilos.

                  

Saktong flag ceremony ng buong university ngayon at nakita ko agad siyang nakapila. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis akong tumungo sa stage at nakita kong nagtilian ang mga kababaihan na makita ako. Inagaw ko sa Dean of Instruction ang mikropono at humarap ako sa madla. Alam kong gulat na gulat sila sa inasal ko, dahil higit sa lahat ay isa ako sa top students.

             

"CALLIA VICTOR-- GONZALES OF BSIT-4C, I WILL COURT YOU UNTIL YOU GIVE IN! MARK MY WORD! MAMAHALIN MO RIN AKO! YOU'LL LOVE AEIGNN LEV FREEZELL-- RICAFORT!" Masayang wika ko bago ako bumaba ng stage.

         

Tilian ang karamihan at ang iba ay nakita kong tinutukso pa siya ngunit malamig na tingin lamang ang isinagot niya sa mga ito.

        

The colder, the better. I will be her warmer.

                

Saktong nakita ko siya patungo sa cafeteria kaya't hinarang ko siya, hindi ko naman alam na sumama pala sa akin sina Russell.
        
     

Nilagpasan lamang niya ako ngunit mabilis kong hinaklit ang braso niya, at nakita kong tinaliman at sinamaan niya ako ng tingin bago niya biglang binawi mula sa akin ang braso niya.

            

"Fuck off, man. Ayaw ko sa'yo at wala akong pakialam sa'yo. Tigilan mo 'ko," deretsong wila niya sa akin na kinagulat ko. Mukhang hindi niya ako naaalala. Mukhang hindi niya alam na ako ang tinulungan niya sa bar.

         

"Booooooooooo!" Hiyaw nina Russell sa akin. Alam kong ugali nila iyan kaya't hindi na ako nagtakha. Hindi ako nacha-challenge lang sa kaniya kung iyon ang iniisip niya. Gusto ko talaga siya. Sa kaniya ko lang naramdaman ang ganitong kasabikan at pakiramdam.

         

"Look, Callia—"

          

"Higit sa lahat, hindi kita kilala. Paano mo 'kong nakilala?" Putol niya sa akin na tuluyang nagpatunay na hindi niya nga ako naaalala.

               

"Long story—"

         

"Then make it short," muli akong pinutol sa pagsasalita saka niya tinignan ang kabuuan ko na animo inuusig niya ang buo kong pagkatao.

           

"Just let me court you," kalmadong wika ko ngunit sinagot lamang niya iyon ng nakakainsultong ngisi.

               

"Sa mundong hindi lahat ng bagay na gusto mo ay makukuha mo, humanap ka ng ibang paglalaruan mo. Tigilan mo 'ko," sagot niya sa akin at tuluyan na niya akong tinalikuran.

        

Laglag ang mga balikat na tumuloy ako sa sasakyan ko. Kailangan kong gumawa ng paraan upang mapalambot siya. Kailangan kong ipakita sa kaniya na totoo ako..... ngunit hindi ko na sasabihin sa kaniyang nasa akin ang diary niya. Ayokong isipin niyang awa lamang ang nararamdaman kong ito sa kaniya.

        

*****

       

"Kuya," walang emosyon akong napatingin kay Aeiryn na siyang pumasok sa loob ng opisina ko.

            

"Cut the crap. Wala akong balak pakinggan ka sa ngayon," putol ko sa alam kong sasabihin niya. She's my sister. Alam ko ang takbo ng utak niya.

                

"You either get back to your senses or you'll lose everything. Baliw kang masyado sa pagmamahal, kuya—"

                

"You haven't experienced being inlove, Aeiryn. Kapag naranasan mo na, balikan mo 'ko at kapag mali ako, ako mismo ang magbabaril ng ulo ko sa harap mo," matigas na wika ko sa kaniya ngunit nginisian lamang niya ako.

             

"Love? Was Callia's love destined to be your poison?"

            

"No, Aeiryn. She has the reason. Alam kong mayroon—"

                

"Reason?" Aniya saka may ibinato sa akin na telepono.

     

...

    

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

    

...

    

...

   

...

   

...

    

"Then tell me why she took Shawn out of our jail? Tell me, kuya. Tell me her reason why she's with one of the traitor of Phyrric. Fucking tell me."

          

Pinanood ko ang kuha sa cctv at hagip doon ang ginawa niyang pagpapalaya kay Shawn at kasama niya pa itong lumabas ng Phyrric.

        

Maybe, she's really my karma. She's meant to hurt me....  this fucking hard.

--
ICE_FREEZE

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 42.5K 34
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED A woman with ambitions, goals, and perseverance-that's Shan Kassidy Alvarez. Wala siyang ibang hiling sa b...
6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
568K 40.4K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...