HINDI SILA KATULAD

By witpakz

19.1K 485 36

Istorya ng magkakaibigan.. More

Kabanata 1 Imbitasyon
Kabanata 3 Pugad ng lagim
Kabanata 4 Aswang
Kabanata 5 Pagtakas

Kabanat 2 Wrong Turn

3.8K 90 1
By witpakz

cont.....

"Boss pasencia na na flatan po ata tayo, pambihira naman kasi, hindi ko naman akalain ganito pala ka bako bako ang kalsada" habang bumababa si manong driver para silipin ang gulong ng sasakyan, flat ang isang gulong at walang magawa ang apat kundi bumaba..

"sir mam, hangang dito na lang po ako, ayuko ibuwis ang sasakyan ko sa kalsada na yan, pasensiya na po kayo ako mawawalan ng trabaho" reklamo ng driver

Naintindihan naman ng mga magkaibigan ang saloobin ng driver

Bumaba ang grupo at nagmamasid masid sa paligid, at patuloy naman si manong driver sa pagawa.

Tirik na tirik ang init kaya nagpalipas muna sila sa tabi habang nag aabang ng dadaan, habang kanya kanay naman kulkul ng kulkul ang tropa ng cellphone nila..

"Tara na, maglakad na lang tayo, andito na tayo e, baka malapit na tayo, tingnan nyo yun tiyak may pamamahay na don.." namimilit na Von. At nagkasundo naman ng tropa na maglakad

sa patuloy sa paglalakad ang magkaibigan..

"Guys! Tingnan nyo yun!" natutuwang tinuro ni Yhany ang isang bahay.

"Tara puntahan natin, baka yun na yun ang bahay ni Victor, teka dapat maraming bahay bahay dapat" dagdag ni Queeny

"wag na ka tayo matuloy quen" sabi ni von sa tabi ni berly

Ano kaya sa loob ni Von na parang may hindi mangyayari sa pagpunta nila sa baryo Paraiso, kung bakit naman kasi ang hirap hanapin ang bahay ni Victor.

"huwag ka mag alala Von walang mangyayaring masama sa atin" giit naman ni Yhany

Napailing na lang si Von habang papalapit na sila sa bahay na nakita ni Yhany ay mas lalo siyang kinilabutan, dumidilim nanrin ang paligid.

"Kailangan ba talaga natin pumunta sa bahay na yan? Hindi ba pwede bumalik na lng tayo sa Van at etxt na lng si Victor at sunduin tayo? reklamo ni Von

"Oo nga naman guys, bumalik na lang tayo sa Van, kinikilabutan din kasi ako e" sang ayon ni Berly na tumabi kay Von

"Alam nyo guys, sayang naman ang effort natin na pumunta tayo dito at magtanong sa bahay na yan, tsaka we're almost there na, kunting hakbang na lang masa bahay na tayo" giit ni Yhany at Queny

Nagsitinginan sila Von at Berly na may lumabas na matandang babae na may mahaba ang buhok sa bahay na patutungunan nila

"Guys sandali.. Can we stop for while? Wait lang, wala ba kayong naramdaman kakaiba habang papalapit sa bahay na yan? Ani n Von

"I felt strange, mas mabuti pa bumalik na lng tayo sa van at huwag na tumuloy pa, doon na kng natin etxt si Victor, alam ko may signal doon kanina bago tayo bumaba ng sasakyan, aatras lang tayo ng kunti. Queny at Yhan, Von tara na, tsaka tingnan nyo ang matanda, nakakatakot ang mukha habang malalim na nakatitig sa atin" pabulong ni Berly

"Sus! we're here na! Wala naman masama kung magtanong tayo kay lola" matapang na binitawan ni Yhany

Ang lupit naman itong si Yhany hindi man lang natakot sa matanda na halos lamunin na sila nito pag tinitingnan

"Ano ang kailangan ninyo? Bakit kayo napadpad sa lugar na to? Hindi nyo ba alam na napaka dilikado dito? Umuwi na kayo hanggat hindi pa madilim" saway ng matanda, habang nagsitinginan ang apat na hindi alam ang unang gagawin sa harap ng matandang babae na naniniit ang tingin sa kanila.

Akmang papasok na sana sa loob ng bahay ang matanda ng pinigilan ni Von

"Teka po, excuse po lola, ano po ba ibig sabihin nyo na delikado dito pag dumilim?" sabay tingin sa paligid ang apat na tiniyak na walang panganib sa paligid nila.

"Akala ko ba matatalino kayo mga taga siyudad? Pilosopong sagot ng ale, ng kumunot ang nuo ni Yhany at Queny

"Bitter si Lola" tahimik na hagikhik nilang dalawa

"Tingnan natin kung makatawa pa kayo pag sinapit kayo ng dilim dito" nadinig pala ng matanda ang dalawa

Kilala nyo po ba si Victor?

Pagliliwas ni Yhany ng usapan habang sinisiyasat ang mukha ng matanda

"Walang gaanong nakatira dito" galit na sagot ng lola na mapaatras ang apat habang nakadilat ang mata

"Kung meron man, hindi nya kayo iimbitahin pumunta rito kung totoong tunay nyo na kaibigan" sabay kalabog ng pinto na nagsilbing pahayag ng pagpapaalam bg matanda sa kanila

Sabay naka nganga ang magkaibigan ng iniwan ng wirdong matanda

"Wow! Taray ni lola! Tsk! I told you there's something creepy in this place" pang iirita ni Berly

"Shut up Berly, your not helping" sambit ni Queny

Hangang nagtalo na ang dalawa

" Okay enough! Bumalik na lang tayo sa van at don na.... " natigilan si Von ng paglingon nya sa pinaparadahan ng van ay nawawala na ito roon.

"Oh my God! Oh my God, we're all gonna die here! exaggerated na sigaw ni Yhany.

"sandali!! baka lumipat lang si manong( inupahang driver) nakita ko pa kani kanina lang bago pumasok ang matanda, nakita ko pa nagyuyusi si manong sa pintuan ng sasakyan habang pinagmamasdan tayo" siguradong salaysay ni Von.

Nagmamadaling bumalik ang apat mula sa bahay ng matanda, ng habang palapit na sila sa kinaroroan kung saan nakaparada ang van. Isang bako bakong kalsada na tuyong tuyo palayan sa bawat gilid nito, at ni bakas ng sasakyan wala silang makita.

"subukan natin tawagan si manong" sabi ni Queny at dismayado itong binalik sa bulsa nya ang cellphone na walang masagap na signal

"wala signal sa lugar na to mga mare, kanina pa tayo naghahanap ng signal" lantang gulay sinabi ni Queny

Sa gitna ng kalsada, habang naghurumentado na magkakaibigan, kung ano ang plano at dapat nilang gagawin. Umiiyak, nagpupumilit iangat ang cellphone sa umaasang magkaron ng signal, nagtitinging tingin kung babalik o didiritso.

Nagsimula ng dumilim ang paligid at naramdaman na lang ng apat na ang malamig maasangsang na simoy ng hangin. Sabay sabay silang nagkatinginan at wala sa sariling nagdikit dikit upang ikubli ang takot. Aligaga na ang tropa habang naglalakad pabalik sa dinaanan nila kanina ng...

"teka lang, wait! Wait!! pasigaw ni Von na para meron siyang ipaalam.

"naririnig nyo yun? Masiglang pahiwatig ni Von

Palakas ng palakas na tunog ng isang makina ng motorsiklo, na matatanaw ang alikabok sa kalsada na tinatahak nito patungo sa kanilang direksiyon!

"at last!! wooh! Thanks God" excited sigaw ni Von habang pumapagitna ang apat sa kalsada para mapara ang nakasulubong ng trisikel na may kargang mga container sa bubong.

"kuya, kuya! Manong! Sandali! Para po! Sigaw ng magkaibigan sa driver ng trisikel

Isang lalaking naka jacket na may kalakihan ang katawan, matangkad ito at galit na galit mga masels nito.

"moreno mare, hikhikhik" malanding bulong ni Yhany kay Queny

"ayo po.lima noo?" sabi ng driver

"ngungu ang moreno mo mare" tahimik na tawa ni Queny

"manong tulungan nyo po kami, naligaw po kasi kami at ang driver ng van na inupahan namin tila iniwan na ata kami, anong lugar po ba ito? Papunta kami sana sa pistahan pero mali ata narating namin" paliwanag ni Yhany

"Marang ay paraesho (brgy. Paraiso) eo, ung pis-na pupuntaan noo, ay malamang sa marang ay Talong (brgy. Tadlong) eo." mahirap na paliwanag ng ngungung poging driver

"alam nyo po ba ang papunta doon? Sabay sabay nilang tanong

Ngumite ng mapakla ng driver sa kanilang harapan habang pinatay muna ang motorsiklo nito at panay kamot sa ulo at may nilingon lingon sa paligid.

"an layo na ng nilampas nyo. mali an inahak eo na daan, dapa naghanan hayo don sa sanga. Umalist na ayo hanga may iwanag pa" paliwanag nya.

"Kuya pwede po ba makisakay sa inyo? Magbabayad na lang po kami, hatid nyo na lang po kami sa Brgy. Tadlong, sige na kuya" pamimilit ni Yhany habang magkahawak ang tatlo sa likod nya.

"ay hindi pwenih! Pwenih ko kayo maibaba sa kusing(crossing) lang, kailanan ko pa ihati ang mga dala ko sa ba-ay(bahay) namin, P400 kayo apat" demand ng ngungung driver

"wow si kuya ang lupit ha!" Singit ni Berly

Wala nagawa ng magkaibigan, sabay abot ng P500 sa driver ng trisikel na binigay ni galing kay Yhany. Nakasakay na ang magkaibigan, magkatabi si Yhany at Queny sa harap, si Berly ay nag iisang nasa backsit, at mahigpit namn naka backride si Von, sa likuran ng driver. TIniis nila ang lakas ng amoy ng gas na nakapatong sa bubong ng trisikel.

Malapit na sila sa crossing, nang hindi akalain sabay sabay tumunog ang mga cellphone nila at mabilis na nilabas nila ang mga ito. Sunod sunod na txt ang pumasok sa cellphone nila' iilan dito mga mensahe galing kay Victor na nagtatanong at nag alala kung saan na sila!

Agad agad naman nila ito sinagot mga txt nila.

"Kuya kuya! Saglit lang, para muna! Pakiusap ni Von

Huminto ang trisikel

"Saglit lang tawagan ko muna si Victor, baka maulit na mawala na naman signal doon.. Saglit lang"

Tinawagan ni Von si Victor at

"HELLO Victor! thumbs up ni Von

laking tuwa ng magkakaibigan ng nag ring ang cellphone nito ito nakausap ni Von si Victor

Pagkatapos ng dalawa mag usap...

"Sabi nya kanina pa daw siya sa crossing nag aabang sa atin, baka lang pag daan daw natin kanina e kumain siya at nagkasalisi tayo.. Maaga pa daw siya kasi nag abang sa atin, at dagdag nya pasencia na daw hindi nya nasabi na sa may crossing lang banda ang may signal sa lugar na to.. Kailangan pa nila pumunta ng crossing para magtxt at tumawag sa cellphone, wala kasi signal sa nayon nila. At sa van natin marahil nasa bayan lang daw, wag na tayo mabahala sa sasakyan natin, importante makarating daw tayo doon bago dumilim" kwento ni Von habang nakanganga sa kanya ang tatlo

Huminto ang trisikel bago mag crossing, na tila kinakabahan si kuya, nagawa nya itabi ang trisikel at sabay, laain no nalang. Nagmamadaling sabi nya,

"Paensya na ayo, dio na lang ako, laarin yo na lang, yun na yun oh" sabay turo ng nguso nya ang crossing na abot tingin na rin lang.

walang kibong sumampa sa motor nya at pumaripas pabalik, habang ang apat ay walang kibo na bumababa na lang.

"anyare? Bakit? Parang natae si kuya! Natawa si Yhany

"Hindi parang may nakita siya na bigla na lang siya nagkaganon, duda ak.... Napatigil si Von sa sasabihin at parang nakalimutan ang idudugtong sa sasabihin ng makita nya sa malayo si

"Victor! Si Victor!"sigaw ni Berly nong makita isang dambuhalang matabang lalaki na naka shorts at naka jersey shirt, ito kasi ang trademark kasi noon pa ni Victor mala hiphop na dating.

matatanaw na nila si Victor na nakantabay sa kanila na nakatayo ito sa pintuan ng isang Wrangler na Jeep. Nagmamadaling magsilakad ang magkaibigan!

"Pasensiya na kayo, pasensiya na talaga kayo" pagbati at paghinge ng paumanhin sa nangyari ang bungad ni Victor

"alam mo kuya Victor kani....

Hmp! €~%^¥"

Ano ba Von, baho ng kamay mo ha" mataray na salita ni Yhany habang tinakpan ni Von bunganga nya para hindi matuloy ang kwento.

"Yhany, mamaya ka na magkwento, mahabang storya yan, Hayaan mo mag drive si Victor at gutom na rin yan, ehing ehi na ako at gutom na gutom na yan si Von" pang ukray ni berly kay Yhany

Continue Reading

You'll Also Like

9.3M 393K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
13.6K 77 27
ORIGINAL AND COMPOSED BY AUTHOR. ENGLISH/FILIPINO POEMS
201K 1.1K 194
Boring ka ba? Naghahanap ka ba ng quotes na pwede mong igm? Oh Pang-status sa FB ? For short .. QUOTES ba hanap mo? - - - - Tara,basahin mo ito. Mara...
14.3K 484 12
Nagising na lamang ang anim na magkakaibigan sa loob ng isang bahay na walang daan palabas. Napag-alaman na lamang nila na kailangan nilang magpataya...