Kabanata 3 Pugad ng lagim

3.4K 88 3
                                    

Cont...

May kalakihan ang jep nila Victor, kaya kahit bako bako itong kalsada ay tila lumilipad ito sa kalyeng madilim, parang walang mga bahay bahay sa lugar na yun.

"Kuya Victor.." mapigilan talaga sa kakulitan si Yhany

"kaya pala Brgy. Tadlong ang pangalan ng baryo nyo dahil ba sa mahabang kalsada na ito ano?"

"Tama ka nga Yhany, madilim kasi kaya hindi nyo nakikita ang ilog sa gilid ng kalsada, mahaba din ang ilog na ito, kaya tinawag to Brgy. Tadlong dahil sa ilog, ang kalsada huli na yan, paliwag ni Victor

"Kaya pala!! Kanina pa ako nagtataka kung bakit wala man lang ako nakitang pamamahay dito sa kaliwa at sobrang dilim, ilog na pala yan" lumuwag na hininga ni Von.

"Vic, parang ang kunti ng pamamahay dito ano, iilan lang bahay bahay magkakalayo pa at pista sa inyo ngayon d ba, bakit walang kumpeti nakasabit man lang o ilaw? Taka ni Queny

"Hehehe andito na tayo.." paiwas na sagot ni Victor

Nasa labas ng isang malaking bakuran na gawa sa kawayan huminto ang jep ni Victor. Nasa loob nito matatanaw mo ang mga grupo grupong kumakain nagtatawanan sa kanya kanyang mesa at may nakasabit ng tig iisang lampara, ito lang kasi ang ilaw don. May nagigitara't nagkakantahan, tatagayan, isang simpling salo salo lang pwede mo masabi sa pista ng baryo nila, isang typical na pista sa isang nayon sa probinsiya.

"Tara tol, pasok tayo sa loob, pagpasenciahan nyo na, naubusan ng gas ang generator, kayat ganito dito ngayon, pero mas gusto pa namin ang ganito atles hindi masyadong maingay, pag may generator kasi mas maingay pa ang generator kaysa sa amin, alam nyo yun" paliwanag ni victor

Sa labas ng bakuran ay malawak ito na palayan, maraming punong niyog, at magkakalayong mga bahay at makikita rin ang dulo ng kalsada na parang dead end, paanan na ng bundok. Siguradong maapreciate mo ang kagandahan ng lugar pag may araw siguro.

"Vic, sila na ba ang mga kaibigan mo? Buti naman nagkita kayo, kasi alalang alala kanina pa si victor kung saan kayo dumiritso e, mahirap kasi dito sa lugar namin, walang kuryente at signal ng cellphone" salubong ng matandang lalake

"Mga tol, Tatay ko pala!" Pakilala ni Victor habang kami ay excited na kumain ng lutong probinsiya, madalas kasi pinagmayayabang itong si victor ang mga luto ng tatay nya.. (wala ng nanay si Victor)

"Excuse me! kuya Vic pa CR muna, mamatay na ako.."

"ako rin" pabiro ni Queny at Berly na kanina pa wewing wewe.

"Kristin, Joan! Sigaw ni Victor nakalingon sa bentana ng bahay.

Lumabas ang isang babae na sinisimot ang dulo ng mga daliri nito, na parang wala sa sarili na sarap na sarap sa kinain nito.

"Kristin halika! Samahan mo sila sa CR" utos ni Victor sa dalagang na maamo ang mukha.

Pinapasok ni Victor sila Von at Yhany sa loob ng bahay. Sa kanila la ang atensyon ng mga tao, tumigil ang tugtugan at nanaig ang biglang katahimikan

"Ano ba yan Vic, pocha naman napaka wirdo naman, dumaan lang tayo biglang tumahimik ang mundo? Tila bagang ang lalim ng nagawa kung kasalanan sa kanila" Sabi ni Von

"Ulol, hindi ikaw ang tinitigan noon, ngayon lng nakakita ng sexy ang mga yun" panluluko tingin ni victor kay Yhany

"Sira ulo ka, sabagay parang hindi uso shorts mga babae dito, lahat nakapalda, itim pa! anong relihiyon nyo ha" biro ni Yhany

Umupo sila sa mesa na may nakahandang lechon, sari saring lutong bahay na pagkain, softdinks at beer sa icebox na may yelo, mga inihaw, sandwiches, atbp.

HINDI SILA KATULADHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin