The Tiger's Kiss (University...

By ayluhisoka

25.7K 707 183

Lorenzo, known as a real playboy from UST, never expected to change himself when he met Yumi, an innocent Civ... More

Prologue
01 Kiss
02 Dapitan
03 Friends
04 Like
05 Crush
06 Sorry
08 Condo
09 El Gonzales
10 Firsts
11 Morato
12 Childish
13 Yes
14 CDC
15 Respect
16 Aguilar's
17 ICU
18 Chaos
19 Sweetnight
20 Comeback
21 Set-up
22 Gloom
23 Move on
24 New York
25 Letter
26 Trauma
27 Closure
28 Brunelleschi
29 Groundbreaking
30 Revelations
31 Skyline Pt.2
32 Condo Pt.2
33 Relapse

07 Skyline

709 23 10
By ayluhisoka

"Thanks Kuya, thanks ate Yumi! Ba-bye!" pagpapaalam ni Adrielle bago siya tuluyang bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng isang malaki at mataas na condominium building dito sa Makati. Isa 'tong mixed use condo dahil pansin kong puro commercial establishments at offices ang nasa lower floors tapos residential ang sa itaas.


"Dito ka umuuwi?" tanong ko.


Umiling siya, "I live alone in a condo malapit sa UST," Gaano ba sila kayaman at napakarami naman nilang condo.


"Bakit hindi mo kasama sa condo mo kapatid mo?" tanong ko ulit.


"She lives here with my parents," sagot niya.


"Ah.. so dito nakatira parents mo?"


"Right now, yes," sagot niya. "Our house's in Rizal, but my parents just decided to get another condo unit here para malapit lang sa firm." dugtong niya.


"You have office here? Anong firm?" Curious na tanong ko.


"Architectural Firm,"


"Your parents are Architects?"


Tumango siya.


Wow. Both his parents were Architects and they owned an Architectural Firm. Sobrang goals naman ng parents niya. Kaya siguro sobrang passionate niya about Architecture, ang dami niya palang pinagmanahan.


"Anong pangalan ng company niyo? Nagha-hire ba kayo ng Engineers? Baka pwede akong mag-intern dyan!" Pagbibiro ko.


He laughed, "Aguilar Design Associates,"


Napatigil ako. Aguilar Design Associates? I don't know much about Architecture or Archi Companies dito sa Pilipinas pero parang narinig ko na yung kumpanya na iyon before in one of my classes. My professor mentioned it.


Nilabas ko ang cellphone ko at pumunta sa Google para i-search yung company na sinabi niya. Siya naman ay patuloy lang sa pagda-drive.


Lumingon siya sa akin na parang nagtataka kung anong ginagawa ko, "Why? What are you doing?" he asked.


Napaawang ang labi ko. Oh shoot! Tama nga ako!


"Sainyo yung ADA?! Ikaw may-ari nun?!" Gulat na tanong ko.


Isa yon sa sikat at top Architecture Companies or Firms dito sa Pilipinas! They're a group of Architects and Engineers, base din kay Google, hindi lang Pinoy ang clients nila, mostly ng mga buildings na designed nila ay sa ibang bansa nakatayo!


"Hindi ako, my parents," sagot niya.


Now I understand kung bakit marami siyang followers.


Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa isang Hotel dito rin sa Makati.


"Firefly Roofdeck?!" Sabi ko nang marealize kung nasaan kami.


"How did you know?" Tanong niya.


"Matagal ko na 'tong gustong puntahan!" Nakita kong nangiti siya nang kaunti nung makita niyang na-excite ako bigla. Sige na nga, may points siya sa akin dahil dinala niya ako dito!


I heard this place before kay Valery nung meron siyang naka-date na Atenean at dito daw siya dinala. The best daw itong puntahan ng mga tao na gusto ng magandang view while eating dahil meron siyang 360 view ng Makati CBD skyline. Nung narinig ko iyon ay gusto ko na agad puntahan 'tong lugar, hindi lang ako matuloy dahil wala akong makasama. Mostly daw kasi ng nagpupunta dito ay mga couples na gusto ng romantic date.


Pakiramdam ko tuloy ay mag-jowa kami ngayon. Charot.


"Hindi ba mahal dito?" Tanong ko habang nasa elevator kami paakyat sa tuktok.


"Kinda, but the food's worth it," sagot niya.


Medyo marami ring taong kumakain nung dumating kami. Napansin ko na mostly nga ng nandito ay couples. Nakakahiya tuloy dahil baka isipin nila ay mag-jowa kami.


"City lights," excited kong sinabi nang makita ang view. Napanganga na lang ako at natulala sa sobrang ganda.


I don't know pero sobrang fan talaga ako ng skyline sa gabi. Yun din ang dahilan kung bakit matagal ko ng gustong pumunta at ma-try ng gabi dito. Nakaka-appreciate naman ako ng view sa umaga, pero iba yung vibes na nabibigay sa akin kapag gabi. Ang peaceful, ang tahimik, parang walang problema sa mundo.


I could stare at it for hours. Kahit hindi na kami kumain, kahit itong view na lang, satisfied na ako.


Joke. Syempre mas maganda parin ang view kung pagkain ang nasa harapan ko.


Sa tabi ng railings ang table na pina-reserve niya kaya kitang kita talaga namin ang magandang view. Hinila na niya ang upuan para makaupo ako, saka siya umupo sa kabila. Bilog ang lamesa at magkatapat kami ngayon. Tinawag niya rin agad ang waiter para i-serve ang food na in-advance order niya.


I really appreciate his little gestures. Lalo na yung pagiging gentleman niya, it really turns me on. Siguro dahil ngayon ko lang din naman na-experience 'to sa isang lalaki. Sige na, plus points ulit!


While waiting sa food ay naisipan kong picturan yung lugar at videohin yung magandang view para may pang-story ako sa Instagram. Pagkapost ko ng story ay mabilis nagreply yung mga kaibigan ko,


@itsvaleryy_: firefly roofdeck? what r u doin der bitch


@ivy.celeste: who's with u?


@hannahcruz: naol may date hays


Mga dakilang chismosa talaga itong mga kaibigan ko. Minsan iniisip ko kung ano kaya yung iba pang ginagawa nila bukod sa pakialaman ang buhay ko. Pero okay lang dahil ganun naman talaga kaming lahat sa isa't isa.


"Just tell me kung may gusto ka pa," sabi niya pagkatapos i-serve nung waiter ang mga pagkain.


He ordered spinach and artichoke for appetizers. He also ordered beef salpicao and pasta para naman sa main course. He was right, the food was delicious and really worth it. Kaya siguro dito niya ako dinala.


"Tignan mo yung building na 'yon," sabi ko sabay turo.


"That's an Art Deco-inspired building," sagot niya kahit hindi ko naman tinatanong. Tinuro ko lang naman dahil nagandahan ako sa design ng building.


"You really love Architecture 'no?" I asked.


"Yeah," Kinuha niya ang baso ng tubig at ininom iyon bago magsalita ulit, "Bata pa lang ako I knew I wanted to be like my parents," dugtong niya.


"Edi ikaw pala magmamana ng ADA," casual kong sinabi habang kinakain ang pasta ko.


"No," mabilis niyang sagot, "I wanna be like them, but I don't wanna work for them,"


"What do you mean?"


"Because I wanna build my own name, my own firm. Ayoko lang umasa sakanila," sagot niya. Hindi ko alam kung bakit ako napahanga sa sinabi niya. I don't think he's being mayabang or mataas ang tingin sa sarili, baka gusto niya lang din talaga na makilala at maging successful na galing sa sarili niyang pagsisikap at paghihirap.


He's so humble kahit pa may sarili ng kumpanya ang pamilya nila. Kung iisipin, pwede na siyang magpasarap nalang dahil may kumpanya naman ng naghihintay sakanya sa future. Pero mas pinipili niyang tumayo sa sarili niyang paa. Plus points na naman.


"Ikaw? Bakit ka nag Engineering? Are you a family of Engineers?" Tanong niya sa akin.


"Hindi, dream course ko lang," sagot ko.


My father is a Chef and mostly sa father side ko ay puro Chef at Cook talaga. Sa mother side ko naman, puro business din. Ako lang ata ang napunta sa Construction Industry. Buti na lang at pinayagan nila ako. Since only child lang ako, naging supportive talaga sa akin sila Daddy sa kung anong gusto ko, basta mag-aaral lang daw ako ng mabuti.


"Wow, so your father owns a restaurant?" He asked.


Tumango ako. Hindi ko na nga mabilang kung ilang branch na ba sa buong Cavite yung restaurants na napatayo ni Mommy at Daddy. Nagpaplano na rin sila na magpatayo pa ng mga branch dito sa Metro Manila. Sa ngayon kasi ay nasa Cavite lahat dahil yun ang hometown namin.


"Mixed ng Filipino and Spanish cuisine. Mahilig kasi si Daddy sa mga Filipino dishes, mahilig rin siya mag experiment ng food," sabi ko nang itanong niya kung anong type ng restaurant.


"You should take me there, I would love to try it," namula ata ako sa sinabi niya. Hindi ko naisip na gugustuhin niyang pumunta at ma-try sa restaurant namin. Plus points na naman ba?


"Pwede naman, next time, kapag uuwi ako ng Cavite," sagot ko.


"Ok, sabi mo yan," he smirked.


Maya maya'y nagulat kami nang may biglang lumapit na restaurant staff sa table namin.


"Excuse me Sir, Ma'am, good evening po," bungad nito, "Na-reach po ninyo yung special promo namin!" excited niyang sinabi, "Ask ko lang Sir if this is your anniversary date, we have free wine and cheesecake po kasi kami for those couple na dito nag-celebrate ng anniversary nila,"


Tumingin pa sa akin si Lorenzo bago sumagot, "No, we're not-"


"Yes Ma'am! Anniversary namin ngayon," singit ko, ngumiti pa ako para kapani-paniwala. Napaawang ang labi ni Lorenzo sa sinabi ko. Gusto kong tumawa ngayon dahil sa itsura niya pero pinipigilan ko dahil baka hindi maniwala si Ate na staff.


"Really, ma'am?" parang lalong na-excite si Ate, "Happy Anniversary Ma'am and Sir! Pa-fill up lang po nitong form and then ipapa-serve ko po yung wine niyo," dugtong niya.


He started laughing pagkaalis nung staff, "You're crazy," he said.


"Sayang yung cheesecake!" I laughed. At saka ano bang alam nila? Hindi naman nila malalaman na hindi kami totoong mag-jowa.


Ilang saglit lang ay sinerve narin sa table namin ang wine at isang slice ng classic cheesecake. Lumapit ulit yung staff sa amin, "Sir, pwede po ba namin kayong makuhaan ng picture? Ipo-post po kasi namin sa page,"


Napasapo ako sa noo, hindi ko naman alam na may picture taking na magaganap. Akala ko naman bibigyan lang kami ng free tapos ayun na yon.


"Ok, sure," sagot ni Lorenzo, akala ko ay hindi siya papayag. Napaawang pa ang labi ko nang bigla niyang iusog ang upuan niya sa gilid ko para magkatabi kami.


"Closer po Ma'am, Sir," sabi nung staff. Mas lumapit pa siya lalo sa akin at halos magka-dikit na ang mga balat namin. Na-awkward tuloy ako bigla.


"Ma'am, Sir, yung sweet naman, anniversary niyo naman po, wag na po kayo mahiya," sabi ulit nung staff. Malapit ko nang masabunutan si ateng staff dahil sa mga nire-request niya. Wala naman akong magagawa dahil pinaniwala namin siyang mag-jowa kami.


Nagulat ako nang itinaas ni Lorenzo ang kamay niya at iniyakap iyon papunta sa kabilang braso ko, dahilan para mag-freeze ako. Napakagat pa ako sa labi nang maramdamang bumilis bigla yung tibok ng puso ko. Ipinatong ko na lang ang dalawang kamay ko sa hita ko na nasa ilalim ng lamesa.


Oo na, inaamin ko nang crush ko na siya, pero hindi naman ito yung intensyon ko at gusto kong mangyari. Gusto ko lang naman talaga nung cheesecake!


"Thank you Ma'am, Sir, Happy Anniversary po ulit!"


"Okay ka lang?" tanong niya ilang minuto pa pagkaalis nung staff.


"Oo," maikli kong sagot at saka uminom nung wine. Parang uminit yung pakiramdam ko ngayon at walang hangin na nararamdaman kahit nasa rooftop naman kami.


"You're red," he said.


"Huh?" kinuha ko ulit yung wine glass at saka itinungga iyon. Hindi ko alam kung paano ako magdadahilan, "Namumula na ko? Ang bilis pala ng tama netong wine,"


Natawa siya dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung nakalusot yun.


Nang matapos na kami sa pag kain, nagpaalam ako saglit na mag C.R. bago kami tuluyang umalis at umuwi.


Pagdating ko sa C.R. ay umihi ako at nag-ayos ng kaunti. Nagcheck na rin ako ng cellphone. Nakita kong may pinag-uusapan sila Hannah sa GC namin kaya chineck ko iyon,


Ako si Val: *sent a photo*

Ako si Val: Bakit may paganito?! What is the meaning of dis?!!


Nagulat ako nang makita yung photo na sinend ni Valery sa GC. Hindi ko alam kung kanino ako maa-amaze, kay Valery na ang bilis ng stalking skills, o sa Restaurant na 'to na sobrang bilis mag upload at nasa page agad nila yung picture namin ni Lorenzo!


"Our lovely couple enjoying their free Colombelle Blanc Wine! Thank you for celebrating your Anniversary with us, Sir Lorenzo & Ma'am Yumi! Stay strong!

For table reservations, please send us a message."


Ako si Val: Anniversary? Fake news ba to

Ako si Val: So isang taon mo na kaming pinaniniwalang single ka parin, yumi? smh

Ivy Aguas: Pinrank niyo ba yung resto? haha

Hannahbelle: ANO YAN WTF HAHAHAHAHAHAHAH st4y sTr0ng

Hannahbelle: Ahhhhh my LoMi heart <333

Hannahbelle: Naol na lang talaga

Ivy Aguas: Speed lang si yumi, go girl!

Ako si Val: Masarap yung food dyan yumi, pero mukhang mas masarap yung kasama mo kaya tikman mo rin


Natawa pa ako nang marealize na mukha talaga kaming legit na magjowa sa litrato dahil sa set-up nang place tapos ang ganda pa ng view sa likuran namin.


Lumabas na ako nang C.R. at naglakad pabalik sa table namin. Napatigil ako nang makitang may lumapit kay Lorenzo na isang babae at kinausap siya. Mukhang kilala niya iyon dahil nakikipag-usap na rin siya.


"Oh my God, you're that girl!" Sabi nung babae nang makabalik at makita ako, "Ikaw ba yun? Ikaw yun, diba? Yung chic ni Lorenzo sa Club, yung lasing tapos nagsuka? She laughed. Hindi ako nakasagot dahil nabigla ako sa sinabi niya. Binalik niya ang tingin kay Lorenzo, "Is she your new girl?"


"Kelly," singit ni Lorenzo.


"I'm sorry," tumatawa parin siya, "Akala ko kasi si Stella yung kasama mo dito, I'm just, shookt," dugtong niya pagkatapos ay tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, pakiramdam ko tuloy ay hinuhusgahan na niya ako.


"Anyways, I'll go ahead na. Bye Lorenzo, see you sa school," bumeso siya kay Lorenzo at saka umalis.


"She's my friend, I'm sorry about that," sabi niya nang makaalis yung babae.


Ang saya ko kanina pero parang nasira ng babae na yun yung mood ko.


Napapaisip ako, ano ba talagang meron sakanila nung Stella? Gusto ko sana siyang tanungin tungkol doon pero ano namang karapatan ko mag tanong. Ano ako, girlfriend niya?


Ayoko rin naman siyang tanungin kung may girlfriend ba siya ngayon dahil masyado akong halata.


"Sus okay lang, wala naman akong paki," sagot ko. Kinuha ko ang sling bag ko sa upuan, "Hatid mo na ko sa dorm, tara,"

Continue Reading

You'll Also Like

264K 19.3K 23
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
465K 10K 51
Two girls are exchanged at birth and are given to the wrong mothers and after 13 years the truth comes out Rosabella Rossi is different from her sist...
1.8M 5.1K 22
THESE ARE MY PERSONAL FAVES. IF YOU WANTED SOMETHING THAT WILL MAKE YOU CRY, LAUGH, FEEL LOVED, KILIG, CONFUSED, HEARTBROKEN. READ MY BOOKS SUGGEST...
436K 27.2K 39
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...