TOCAC 1: His Another Mate

By CandySrup

27.1K 808 79

Selena A woman with an extraordinary beauty She is unique, too good to be true and you can never compare her... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44

Chapter 6

708 29 0
By CandySrup

Chapter 6


LUMIPAS ang ilang araw din na madalas siyang dalawin ng paslit at natutuwa siya sa ipinapakita nitong pagpabalik balik sa bahay niya.

Noong pangalawang beses itong pumunta sa bahay niya ay pinagalitan niya pa ito dahil nga pumunta lamang ito ng mag isa at walang kasama. Natatakot tuloy siya na maulit ang nangyari noong una silang nagkita kaya napagpasyahan niya na susunduin na lamang niya ito sa hangganan ng pack nito at ihahatid din ito pagkatapos.

Nagtataka nga siya kung bakit hindi ito hinahanap ng magulang nito o baka hindi lamang niya batid iyon.

Ngayon nga ay naroon ito sa kaniyang bahay at nakikipag laro sa kanyang aso mas ramdam niya nga na mas gusto na ni molie si Merliah ngunit hindi naman siya naghihinakit dito, mas natutuwa pa nga siya na may nakakasalamuha ito na bago hindi lamang siya ang madalas makasama nito.

"Mira may tanong ako..." panimula niyang tanong sa dito. Huminto ito sa ginagawa at tiningnan siya nito saglit at muling ipinagpatuloy ulit nito ang pakikipaglaro kay Molie.

"Ano po yun Momma?" balik na tanong nito sa kanya.

"Hindi ba sabi mo may magulang ka pa, bakit parang hindi ka nila hinahanap sa tuwing nagpupunta ka dito sa bahay ko." hindi ito agad nakasagot. Saglit pa siyang nag antay sa sagot nito.

Malungkot lamang siya nitong tiningnang muli at marahan itong lumapit sa kanya at naupo sa parihaba na upuan kung saan siya nakaupo at nagbabalat ng mansanas para maging panghimagas nila.

Niyakap siya nito. Napangiti siya sa biglaan galaw ng paslit. Hinimas niya ang ulo at buhok ng munting lobo at humigpit naman ang yakap nito sa kanya na tanda na nagustuhan nito ang paghaplos niya sa buhok nito.

"Ang totoo po momma.. Ang totoo ko pong mommy ay matagal na pong patay at madalas na busy si papa..." mahina nitong bulong at lalo pang isiniksik ang mukha nito sa katawan niya.

"What is the cause of her death."

"She died because of me.. Kaya po namatay si mommy because she gave birth to me..." ramdam niya na umiiyak ito dahil yumuyugyog ang balikat nito.

"Oh sweet.. Hindi mo kasalanan iyon. Lahat ng ina ay mahal na mahal ang kanilang mga supling at mas mahal pa nila ang kanilang mga anak kaysa sa sarili nila." litanya niya upang pagaanin ang loob ng paslit.

Naaawa siya sa batang lobong iyon dahil maaga ito nawalan ng ina na dapat na gagabay dito hanggang sa makaya na nitong tumayo sa sariling paa. Naaalala niya tuloy ang kabataan niya simula ng mamatay ang itinuturing niyang mga magulang.

Simula ng mamatay ang kinagisnan niyang mga magulang ay nagpalaboy laboy na lamang siya. Ni wala siyang matirhan kundi ang mga kagubatan o kalye lamang. Ngunit hindi nagtagal ay may nagmagandang loob na nagpatuloy sa kanya. Iyon ay ang magkapatid na babaeng witch. Wala na siyang mahihiling ng mga panahong iyon dahil kahit papaano ay ramdam at mayroon na muli siyang matatawag na pamilya.

Ngunit nagkamali siya. Lingid sa kaalaman niya ay may masamang balak ang mga ito sa kanya dahil sa minsan nasugatan siya at nakita ng mga ito ang dugo niya at ang mabilis niyang paggaling.

Alam ng mga ito na lobo siya simula umpisa pa lang ngunit hindi nila inakala na may lahi siyang diyosa base na rin sa dugo niya. Ang kinilala niyang pangalawang pamilya ay halang pala ang bituka.

Balak pa ng mga ito na isuplong siya sa mga taong naghahanap sa kanya at humingi ng malaking halaga kapalit ng pagkupkop sa kanya. Nalaman niya ang mga balak nito ng miminsang marinig niya ang pag uusap ng mga ito.

Pagkatapos ng marinig niya ang pag uusap ng mga ito ay binalak niyang umalis at magpakalayo layo at naisakatuparan niya iyon. Simula noon ay hindi niya na muling nakita ang inakala niyang pangalawa niyang pamilya.

Simula noon ay hindi na muli siya nagtiwala sa iba kahit na kalahi niya pa ang mga ito. Kahit na may lahi siyang werewolf ay hindi siya sumasali sa kahit na anong pack at namumuhay lamang siya ng mag isa.

'Sana ay hindi matulad sa akin ang kapalaran ng pup na ito.' bulong niya sa kanyang isip.

Kahit na sa maikling panahon ay minahal niya rin ang munting panauhin niyang iyon at ayaw niyang mapahamak ito o kahantungan nito ang katulad sa napagdaanan niya.

Niyakap niya ito ng mahigpit at hinalik halikan niya ito kasabay ng pagbulong niya dito ng matatamis na salita na siyang magpapagaan ng kalooban ng paslit.

"Momma sana po ay hindi niyo rin po ako iwan dahil po masasaktan po ulit ako at iiyak tuwing gabi..." mahina at may halong antok na sambit ng munting lobo.

Pinagpatuloy niya ang marahang paghaplos sa batang lobo na siyang nagpatulog dito. Dinala niya ito sa malambot na higaan niya. Marahan niyang pinunasan gamit ng mga kamay niya ang luha na lumandas sa maganda at maamo nitong mukha. Nasisiguro niyang maganda rin ang mukha ng ina nitong pumanaw at maging ang ama nito.

Muli siyang bumalik sa kusina upang ayusin ang mga kalat na naiwan niya roon. Hinanda niya narin ang mga gamit na bitbit ng munting panauhin niya. Napatingin siyang muli sa peras at persimmon na kanina pa nito gustong kainin. Kumuha siya ng ilan ay inilagay sa maliit nitong bag na dala dala kaninang pagpunta nito at pinabaunan niya rin ito ng maiinom.

Napapangiti na lamang siya sa tuwing sumasagi sa isip niya ang kanyang munting panauhin habang nag aayos siya ng mga gamit at ipapabaon niya dito.

Napakagaan ng loob niya sa paslit dahil na rin sa halos parehas nilang napagdaanan, kaya madali niya rin itong nakapalagayan ng loob, hindi man niya aminin ay kahit papaano'y may puwang na ito sa kanyang puso na siyang nagtutulak sa kanya na protektahan ito sa abot ng kanyang makakaya.

Nang matapos siya ay agad siyang muling nagtungo sa kinaroroonan ng paslit upang muling gisingin ito dahil baka hinahanap na ito ng tunay nitong pamilya. Marahan niya itong tinapik upang gisingin ito. Noong una'y hindi pa ito nagmulat ng mata ngunit ng kalitiin at halik halikan niya ito ay tuluyan na itong nagising at bumungad agad ang halakhak at ngiti nito.

"Halika at tumayo ka na dyan upang maaga tayong makarating sa hangganan." paanyaya niya dito
"Naihanda ko na nga pala ang mga gamit na daladala mo maging ang gusto mong iuwing pagkain ay naibalot ko na rin.. Mag ayos ka na lamang dyan at agad na magtungo sa labas." dagdag niya pa na litanya. Ngiti lamang ang balik ng paslit dito.

Lumabas na siya sa bahay at nakasunod naman ang batang lobo sa kaniya. Agad na hinawakan nito ang kamay at nagtago sa tagiliran niyang natatakpan ng kapang pula, katulad lamang ng madalas nitong gawin simula pa lamang ng una silang magkita nito.

Tinahak nila ang kagubatan at habang patuloy silang naglalakad ay nagkwekwento naman ang munting lobo ng kung ano ano.

"Alam niyo po ba ang papa ko ay napakatapang po katulad mo momma. siya po ang hero ko noon pa lang ngunit ngayon ay dalawa na po kayo." pagbibida nito sa sarili nitong ama.

Noong mabanggit ito ng bata ay nag iba ang pintig ng puso niya, bumilis ito na para bang nakikipagkarerahan katulad ng kabayo. Napahawak na lamang siya sa bandang dibdib niya upang kalmahin ito.

Nang makarating sila sa hangganan ay agad na nagpaalam ang paslit dahil nga ay gumagabi na rin.

"Paalam din Mirah hanggang sa muli nating pagkikita..." balik na paalam niya dito.

Pinanood niya itong lumakad ngunit hindi na pa ito nawawala sa paningin niya ng may lumapit at bumuhat dito na siyang tinawag ni Merliah na Papa, ito ata ang ama nito at bakas sa mukha nito ang pag aalala.

Agad siyang nagtago sa pinakamalapit na puno. Kung kanina'y napakalma niya ang kanyang puso, ngayon ay nahuhurumentado muli ito. Muli siyang napasilip sa mag ama nakita niyang parang may hinahanap ito base sa paglingon lingon nito. At ng magtama ang mga mata nila ay may napagtanto siya...

"Mate"









Continue Reading

You'll Also Like

118K 905 6
Lohan was the only man who could make her happy. But he was also the man she couldn't have. Now, she is soon to be married to a man she doesn't know...
94.4K 2.1K 37
"Paano mo ito nagawa aa akin?? ako ang asawa mo!!!" sigaw ko sakanya kasama ang babaeng nakakapit ngayon sa balikat niya. "Oo nga at Reyna ka pero Hi...
165K 3.7K 57
Dela Vega series #1 (MAJOR EDITING!!) cover picture not mine, credits to the rightful owner.
5.3K 2.8K 55
Sovereign Ladies Series #1: UNDER EDITING She doesn't desirous her secrecy to unite with anyone. She contain a credence, but her intellect was preci...