PHILOXENIA ACADEMY: Love To S...

By Meraaakii

58.5K 1.1K 18

"NO! PLEASE DON'T!" I closed my eyes as tears started to escape from it. "PLEASE! NAGMAMAKAAWA AKO! ACE! DON... More

Philoxenia Academy : A Love of Stranger
Disclaimer
Author's Note
Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 9

104 2 3
By Meraaakii

CHANDICA.

Hindi maialis sa isip ko ang sinabi ni Aiker. Kung ganun alam nila ang plano namin? Nakakakilabot isipin.

Sa ngayon, balak naming kunin nalang ang nawawalang mga papel, pagkatapos, babalik na kami sa P. A.

Naalala ko tuloy yung pag labas ko ng magic. Ever since that happened, di na nasundan. Baka guni guni ko lang yun?

Pero lahat naman sila nakakita na ako ang may gawa. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala naman akong boltahe na nararamdaman or signs.

Should i train?

No, bukod sa wala akong alam sa pag tretrain na yan,  magiging delikado yun para sakin.

Pano yung dusternisian na nakita ko sa panaginip ko? Is it true? O baka side effect lang yun ng pagpapahallucinate sakin ni Cindy?

Inis akong napabuntong hininga pahiga. Damn it. Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin.

Pero.. totoo ba talagang isang dusternisian si Justine? Ano ba talaga ang pakay nya? Saka sino ba yung nagpakilala sakin na may cloning xenia?

Isa pa yung naka cloak na mahaba ang buhok. Dusternisian ba sya? Di ko naman kasi makita ang mark nya kasi mahaba ang suot nya, bukod pa dun long hair sya.

Ilang araw na nga ba ang nakalipas simula nung napadpad ako sa academy?

Apat.

Apat na araw.. apat na araw pero pakiramdam ko napakatagal na.

Sa loob ng apat na araw na yun, napasabak agad ako sa misyon, nagkarecord sa guidance. At napaaway.

"A penny for your thoughts?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Andun nanaman ang cute nyang ngiti.

Umupo ako ng tuwid and hinarap sya.
Nakaupo sya sa kabilang upuan at nakaharap sakin.  Kasalukuyan kasi akong nasa balcony ng hotel kung saan kitang kita ang mga butuin at buwan.

"Looks like your mind is flying, care to share?"

"Naisip ko lang yung xenia ko.. " nahihiya kong sabi.

Hinawakan nya ang kanyang sentido.
"I see, I heard about the rumors.. you have a xenia similar to Cindy, correct?"

"Mmm."

"And you weren't able to control it?"

"Mmm."

"First time?"

"First time."

"I see. Well, barrier manipulator is kinda awesome." Andun nanaman ang boyish nyang ngiti.

"Thank you.." my heart is beating loudly.

Do i like this person?

"So you haven't figured out your special ability then?" Bat para syang kumikinang sa mga mata ko?

He looks so damn fine.

His eyes, sparkles. So lovely.

"Chandi?"

Di ko parin makalimutan ang una naming pagkikita. When he saved me from that nightmare.

"Earth to Chandi?"

Yeah, maybe i liked him from a very short period of time. Like lang naman diba?

This is actually the first time that I felt attraction.

"Ouch!" Naramdaman kong piningot nya ang ilong ko.

Nasamaan ko tuloy sya ng tingin habang sya, patawa tawa lang.

"You were just staring at me so I did that!" Tumawa sya, "and it worked!"

Even your laugh sounds good to my ears, Zephyr.

"You're so cute!" Pinisil nya ang cheeks ko dahilan para mag init ang mga pisngi ko.

"Ehem." Napatingin kami sa nag fake ng ubo.

"Oh Killian, bro. May porblema?" Nakangiting tanong ni Zephyr sa nakasimangot na Aiker.

Nagtatagalog naman pala to e.  Kanina pa english ng english.

"You're so noisy." Isa pa 'to. Ganito ba galaga pag mga prinsipe?

Natatawa namang sumagot si Zephyr. "So?"

"Stop talking." Pagkatapos ay tinalikuran nya kami. Napalabi tuloy ako sa inasta nya.

"Step tekeng." Panggagaya ko. "Yer se neyse---e kung di nalang sya makinig?"

Natatawa naman akong tiningnan ni Zephyr.

"What? E totoo naman tch!" Napairap naman ako ng bahagya. Panira talaga ng moment yun. Ang angas angas kung umasta. Mayabang!

"How do you feel about all this?" Napasilip ako sa kanya, ngunit nakatingin sya sa kalangitan.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko din kasi alam. Halo halo ang nararamdaman ko, excitement, pangamba, tuwa, lito. I don't know.

"---Given that you're still new here, yet you already received such dangerous mission."

"Hmmm, natatakot ako. Bago pa kasi ako sa ganito. And hindi ito ang nakasanayan ko. Pero, I'm all good. For the first time, I found friends."

"Good to hear it then." Hindi parin sya nakatingin sakin.

"E ikaw?"

"Anong ako?"

"Bat mo sinadya na sirain ang faculty para lang makasama dito sa dangerous mission?"

"Well I got my reason. Besides, I was bored. Also, when I heard that the mission is entering this realm, it got my attention." Napatango tango ako sa rason nya.

"Thank you nga pala,"

Napalingon sya sakin. "For what?"

"Dahil sa pagliligtas mo sakin nung una palang tayong nagkita. Kahit di mo pa ako kilala no'n."

"No problem. I'll do that to every person whom I think, needs my help."
Napawi ang ngiti ko sa sinabi nya. So he does that to everyone? Malamang! Ano bang inassume mo Chandica? He saved you kasi may gusto sya sayo?

Hell no.

Nagbigay ako ng pilit na ngiti sa kanya. "Of course hehe, gusto ko lang talaga magpasalamat."

Ginulo nya ang buhok ko. Napanguso tuloy ako. "Let's sleep?" Aniya.

"Mmm. Inaantok na din ako e."

Pumasok na ulit ako sa loob.. Sa huling pagkakataon, ginulo nya ulit ang buhok ko bago sya nagtungo sa sarili nyang kama.

Humiga na din ako.

Zephyr, Zephyr.

Di kalauna'y nilamon na din ako antok.

----

ISANG malakas na tunog ng bell ang nakapagpagising ng diwa ko. Tapos na pala ang klase. Buti nalang hindi ako napansin ng prof ko na tulala lang ako sa kabila ng pagtuturo nya.

Isa isang nagsitayuan ang mga kaklase ko ko, ako ang pinakahuling tumayo sa aming lahat. Isinukbit ko ang bag ko sa likuran. Medyo may kabigatan dahil sa dala dalang mga gamit.

Agad kong napansin ang pagkaway nina Via sakin. Nagmamadali syang lumapit sakin saka kumapit sa braso ko. Napangiti ako sa pagiging clingy nya.

"Chanii~" Pakanta nyang sabi. "You're incharge at the gateeeeee aweeee" huminto sya. "Is that fine with you?"

Tumango ako ng bahagya, "Mmm, okay lang naman."

Kumapit din sa kabilang braso ko si Alisha. "I'm hungry."

"You two are annoying AC." Napalingon kaming tatlo kay Keya na nagsalita sa likod namin. Nakasabit ang bag nya sa kaliwang braso nya.

"AC? Air conditioner?" Nagtatakang tanong ko. Napahagikhik naman sya sa sinabi ko.

"No silly, it's your initials." Napa 'ahhh' ako. "Afroza Chandica right?" Dahan dahan akong tumango. "So, that's it. AC. Channi sounds weird. For me." Sinamaan naman sya ng tingin ni Via.

"No it's not!" Pagmamaktol nya. "Channi sounds cute! Just like her!"

"Are you just gonna chitchat there?"
Pagsabat ni Cindy. "We have a quest to complete. Hello?" Pairap nyang ani. Lumipad ang mumunting buhok nya sa hangin gawa ng biglaan nyang pagtalikod.

Nye nye. Ang arte.

Hindi na kami nag salita ulit, naghiwalay na kami isa isa. Kumaway sila sakin bago pumunta sa kani- kanilang assigned areas.

Nagpanggap akong may hinihintay dito sa labas ng gate. Pero ang totoo ay hinahagilap ko ang mukha ng kelangan naming mahuli.

Iilang estudyante ang dumaan. May kanya-kanyang grupo. May iba namang mag isa lang naglalakad.

Paminsan minsa'y may napapatingin sakin na dati kong kaklase. Namumukhaan siguro ako. Hindi ko nalang sila pinansin dahil hindi naman sila ang pakay ko dito.

Hindi naman ata dito dumadaan si Justine. Pero kelangan ko pa ding bantayan dito diba? Kung saka-sakali.

Iba't ibang klase na ng bato ang natadyakan ko dahil sa pagkabagot. Wala akong makitang mukha ni Justine. Patagal ng patagal, pakonti ng pakonti ang mga estudyanteng dumaraan.

Isa isa kong tiningnan ang mga dumadaan, hanggang sa mahagilap ng mga mata ko ang pamilyar na mukha. Ang makapal nilang make-up at ang kulot nilang buhok.

Nanlaki ang mga mata ko. Patay. Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang bag. Ngunit sadyang napatagal ang pagtitig ko sa kanila kanina kaya nahuli nila ang pagtatago ko.

Ang kaninang nagtatawanan, ay unti unti nang humupa. Narinig ko lang ang mabagal nilang mga yapak. Batid kong patungo ito sakin.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko bago humakbang patalikod ng dahan dahan. Hindi ako handa sa pagkikita namin ulit. Kahit malaki ang posibilidad na magkikita at magkikita kami.

Naramdaman ko ang mariin na maghawak nila sa bag ko. Napabuntong hininga ako bago ibaba ang bag ko.

"I knew it." Ang makapal nyang ginuhit na kilay ay kumibot kibot.

"Sino ba ang mag aakala na makikita ka ulit namin, Ampon naming kapatid." sarkastiko na aniya.  Kumurba ang ngisi sa kanilang mga sumobra sa pula na mga labi.

"Genebra.. Luciana.. " pagbigkas ko sa kanilang mga tunay na pangalan. Tiningnan nila ako ng may panlalaki ng mga mata. Oo, kinakahiya nila ang mga pangalan nila.

Nagtawanan naman ang mga taong nakarinig sa sinabi ko. Kaya halos naging kamatis na ang mga mukha nila dahil sa sobrang pula.

"Wha---it's fcking Jenny you btch!"

"And it's FCKIN LUCY!"

Sabay nila akong sinugod at sinabunutan. Bumaon ang nga kuko nila sa anit ko. Sht, masakit parin sila sumabunot.

Sabay ko silang tinulak pero hindi padin sila nagpatinag. Sumali pa nga ang iba nilang kasama. Pinagsabunutan, sinampal, tinadyakan nila ako gaya ng dati.

Sa di malamang dahilan, nakaramdam ako ng sobrang galit.

Sabay sabay ko silang tinulak dahilan para tumilapon sila at hindi na ulit makatayo. Napasinghap silang lahat. Sinamaan nila ako ng tingin na parang ako ang may malaking kasalanan.

Suddenly, I heard some weird whispers..

Kill them..

What?

They deserve to die.

They hurt you.

No..

They hurt you.

Kill them.

GET OUT OF MY HEAD!

Napasabunot ako sa sariling buhok ko. Ayaw parin mawala ng boses. Paulit ulit na bumubulong!

Damn. Damn. Damn! Damn! Damn!

"Hey.." napaigtad ako sa realidad ng narinig ko ang boses ni Aiker.

"You okay? You're pale." Naluluha ko syang tiningnan. Hindi ako okay. Tumango lang ako sa kanya saka napabuntong hininga.

He patted my head. Saka hinarap ang mga nagkumpulan sa likod nina Jenny at Lucy. Napatameme naman sila dahil sa awra ni Aiker.

"Ang gwapo."

"Girlfriend nya ba si Chandica?"

"Ang gwapo nya naman para sa kanya."

"Oo nga."

Kinalma ko ang sarili ko sa mga salitang namumumuo sa ulo ko. Ano ba pumasok sa kokote ko? Damn it.

"Who the hell dared to touch her?" Mapang-utos na tanong niya. Ayan nanaman ang malalim nyang boses na pinapasunod ka.

Nagsituruan naman ang mga schoolmates ko dati kela Jenny at Lucy.

They frowned. "What? Bat kami?"

Tinuro naman nila ako. "Sya nga yung nagsimula ng away dito e! Ang kapal ng mukha nyang magpakita pa dito after syang tinanggal dito sa school at Pinalayas sa BAHAY namin! "

Napayuko ako dahil sa sinabi nila. Ramdam kong naroon paring ang pangungutya nila sakin, simula pa dati.

"Hanga nga kami sa kakapalan ng feslak nyan! Pinapakita pa dito ang malandi nyang pagkatao! After nyang sinulot ang mga lalaki dito sa campus dati?! Ugh! How dare her?" Nagsing ayunan ang ngm tao dahilan para lumaki ang ngisi sa mukha nila.

No.. hindi ko ginawa yon. Hinding hindi ko gagawin yon dahil hindi ako malandi. Hindi.

Napakagat ako sa labi ko. Naramdaman ko ang lasang metal na likido na unti unti kong nalalasahan dala narin ng malakas kong pagkagat.

"Is that so?" Nangibabaw ang baritono nyang boses. Napayuko ako dahil sa sinabi nya. Isa din ba sya sa mga madadala ng mga sinasabi nila?

I gripped my fist.

"I'll count to three. I want everyone out of my sight right now. Or else.."
Naangat ko ang tingin ko sa kanya. Hindi sya nakatingin sakin, kundi sa mga palad nya.

"You'll fcking pay."

Aiker..

Nangibabaw ang pagkamangha ko sa kanya, to the point na, nagbabadya ang mga luha ko.

Ano bang ginagawa nya? Bat nya ba to ginagawa? Bat... bat ako--- no. Nag aasume ka lang.

"One."

Unti unting nagsitakbuhan ang mga estudyanteng kanina pa nakapalibot samin.

"Two."

Hanggang kaming apat nalang ang natira. Fear was visible in their eyes. Nakakaintimidate nga naman ang awra ni Aiker. Kung di ko lang talaga sya kilala. Malamang kanina pa nanginig ang mga tuhod ko.

"S-sino ka ba?!"

I slowly saw how his lips curved into a sly smile.

"You really want to know?"

"O-oo!" Buong tapang na sabi ng dalawa, kahit nanginginig ang boses.

He took a step forward and then whispered something to them. Hindi ko na marinig dahil sobrang hina non.
Dahil do'n, nagsitakbuhan ang dalawa.

He chuckled, "Easy as pie." He glanced towards me. Pinikit nyan ang mata nya at nag iwas ng tingin.

"Tss. Still pathetic as ever huh, woman?" Pagkatapos nyang sabihin yon agad syang tumalikod at nilampasan ako.

A sudden pain slashed through me. Di ko alam kung saan nanggaling yon. Tama nga.. nag assume lang ako na niligtas nya ako don.

Nagpapasalamat nalang ako dahil mabilis lang yong sakit at biglang nawala agad.

He stopped and said. "Mission abort, Headmistress expects us to back tomorrow afternoon." Then he continued walking, iniwan nya ako kung san ako nakatayo kanina.

What---what was that? Mabait yung pag approach nya sakin, then biglaan syang naging cold and distant. Ba nya ako nililito ng ganto? Bat nya pa ako nililigtas kung ganun lang din naman ang tingin nya sakin?

Kaya.. kaya ko naman siguro iligtas ang sarili ko sa ganong sitwasyon. Bakit kelangan nya pang.. gawin yon?
"Hey.. you okay?" Napabalik ako sa reyalidad dahil sa tapik ni Zephyr.

"Ha?" Nilingon ko siya. Nakatingin lang sya sakin na may pag aalala sa mukha  "I mean oo naman, bat hindi?"

"Kanina ka pa kasi nakatayo jan, I was wondering if something's wrong? Or are you hurt?"

Ngumiti ako sa kaniya. "Okay lang ako, ano ka ba."

Yes. Bat ako nagpapaapekto sa presensya ng taong yon? Umaakto lang naman syang nag aalala sakin. Saka akto lang din yong mga pinag sasabi nya kanina. Tama. Bat naman sya mag aalala sakin diba? Sa pagkakatanda ko, naiirita sya sakin.

Kakalimutan ko nalang siguro ang nangyari ngayon.

At saka yung sabi nya...

"Teka-- ang sabi ni Aiker.. hinihintay daw tayo ng Headmistress sa academy bukas?"

His eyebrows met.  "Didn't you hear from your telepathy?"

"Ha?" Mabilis akong umuling  "Hindi e?"

Siguro yun yung time na may naiisip akong di mabuti kanina. That words..

Stop.

Dapat ignorahin ko muna yon. Baka guni guni o dala lang ng galit ko kaya ako nag isip ng ganun. Oo yun nga.

"Maybe you were too pre-occupied when Keyafarra told us."

"Ano daw ba sabi?"

"The missing pieces are back."

W-what?


Continue Reading

You'll Also Like

46.6K 2.3K 31
Two best friends, a blue jay named Mordecai and a brown raccoon named Rigby, work as groundskeepers at a park, along side their vampire/demon best fr...
MIRACLE By Ara

Teen Fiction

320K 11.7K 45
"My mother named me Miracle, but I am anything but a miracle in her and our family's life. I am a mistake. I am a product of a heinous crime." Miracl...
1M 3.6K 72
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
112K 4.9K 29
"Show me somethin' different once, I come from where there's no love." COPYRIGHT 23. #1 ATLANTA 05/01/2024 🏆 #2 URBAN 9/12/24