She Who Got Rejected ✔️

By Sejuru

219K 6K 311

STAND-ALONE novel of The Power Assembly series | Completed | Tagalog-English WARNING: Mature. Reader discreti... More

Blurb
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 9.4
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12.1
Chapter 12.2
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Chapter 16.2
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 18.1
Chapter 18.2
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21.1
Chapter 21.2
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26.1
Chapter 26.2
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
i n t e r l u d e
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Special Chapter - Wildcard
Chapter 40 - Additional Chapter I

Chapter 31

2K 71 3
By Sejuru

[Red]

Biglang nag-anyong lobo si Alekxus at sinugod ang lalaking may mahabang kulot na buhok. Ngunit humakbang ito paatras at ang nakalaban ni Alekxus ay ang mga kasamahan nitong rogues. Kaizon also shifted to help. Magaling na kalaban ang mga rogues pero dahil pureblood ang dalawa kong kasama, naggawa nilang unti-unting magwagi.

Lima na ang bagsak na rogues, hindi makatayo dulot ng mga baling buto. Tatlo na lang bukod sa lalaking nanatiling anyong tao ang nakikipaglaban kayna Alekxus at Kaizon.

Matinding binalibag ni Alekxus ang isa, at kagaya ng iba hindi na rin nakatayo, umuungol sa sakit. Walang hesitasyon na sinugod ni Alekxus ang isa sa mga rogues na pinagtutulungan si Kaizon. His movement aggressive, in a hurry, violent than usual. Hindi pa tuluyang napapabagsak ni Alekxus ang rogue na bago niyang puntirya nang nakakita siya ng pagkakataon at diretsong napasugod sa lalaking may mahabang kulot na buhok.

Hindi katulad nang kanina, this rogue now has a grim expression on his face. Ngayon ko rin mas napansin ang mahabang bakas ng humilom na hiwa  sa may parteng dibdib niya. Nagpaikot-ikot rito si Alekxus, growling, searching for openings. Alekxus looks like he's about to go for the kill.

Samantalang si Kaizon naman, naggawa na niyang mapagbagsak ang dalawang kalaban. Each of his front paws were holding rogues underneath, rogues who are now bloody, with plenty of cuts and gushing wounds all over their body. Ipinakita ni Kaizon ang matatalim niyang duguang ngipin sa lalaking kulot ang buhok, banta at senyales na paparating na ang tuluyang pagkatalo.

Aatake na si Alekxus nang may isang batang pumagitna, inihaharang ang sarili. "Don't hurt my papa!" the child screeched. Nanginginig ang tuhod nito at umiiyak sa takot ngunit nanatili pa rin siya sa gitna, sinusubukang depensahan ang lalaking may mahabang kulot na buhok na tinawag nitong ama.

"Zafeera! Anong ginagawa mo, anak?! I told you to hide!"

Zafeera?

Anak?

Impossible. Rogues can't have children. Rogues shouldn't even have enough consciousness to be aware of relationships, especially, a family at that.

But this child, she seems to be somewhere around six or seven years old. Niyakap ng lalaki ang bata at isinubsob nito ang mukha sa dibdib ng ama. Hindi nito inalis ang masamang titig kay Alekxus. She's afraid, and yet, she's staring at him like that.

Fear and courage.

Courage wins. Courage dominates the most.

"Hide, child," napabaling bigla ang attensyon ko kay Alekxus. Malamig ang boses niya, punong-puno pa rin ng aggresyon. "Battlefield is not a place for children." Napakunot ang noo ko sa inaasta niya. "Mahirap na kapag nadamay ka."

Gusto pa rin niyang labanan ang lalaki? Kahit na may bata?

"No!" sagot ng bata. "The others can't fight because they're still sick! Mama is busy helping the sick!"

"Zafeera!" saway ng lalaki at pilit tinatakpan ang bibig ng bata ngunit nagagawa pa rin nitong kumawala at patuloy na nagsalita.

"And you already defeated my friends! How dare you hurt my friends!" Dinuro-duro niya si Alekxus habang nakayakap pa rin ang ama. I can clearly imagine her small body kicking Alekxus in werewolf form if ever this little child manage to get away. "Black werewolves are bad! I hate you! You're bad! I hate you!"

Alekxus shifted back to human form. Nanatiling anyong lobo si Kaizon, kuntentong manuod lang.

"Quiet!" pasigaw na utos ni Alekxus. Natahimik ang bata, nanginginig ang mga labi sa takot. "Your father needs to die!" dagdag ni Alekxus.

Tuluyan nang kumularat ang bata ng iyak.

Naglakad ako at pumagitna, hinarap si Alekxus, "My Red-"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil nasampal ko na siya. Natahimik ang paligid, huminto sa pag-iyak ang bata, at si Kaizon naman ay napasipol.

"Well deserved, brat." komento ni Kaizon sa nangyari kay Alekxus, bahagyang natatawa.

Alekxus is in shock as his hand went to his now reddening cheeks. Hindi siya makatitig sa akin ng diretso.

"Threatening a child, threatening to kill her own father in front of her," I muttered in a grave voice, "What's wrong with you, Alekxus?!" I screeched the last part. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin 'yon. Hindi ito ang Alekxus na kilala ko, hindi ito ang Alekxus na ma-...na importante sa akin!

Nang hindi nakasagot si Alekxus at nanatiling tulala, bumaling ako sa mag-ama. I was met by the child's admiring face. Sa sobrang paghanga at tuwa ng bata, her eyes looked like they're sparkling at me, "You're not bad, Ate Red Hair!"

Napangiti ako at napayuko hanggang sa magkapantay na kami ng bata. The arrogant man earlier who's apparently her father has now turned very father-like. Mas humigpit ang pagkakapit niya sa bata. Wala silang dapat ikatakot sa akin. "Zafeera, right?"

"Yup!" masiglang sagot nito. "My name is Zafeera Faye, and I am seven years old, and I like you Ate Red Hair and I hate black werewolves and-"

"That's enough, Zafeera." bulong ng ama niya at sumunod naman ito.

Tumayo ang lalaking may mahabang kulot na buhok na karga-karga si Zafeera.

Lumapit sa amin si Kaizon at umakbay sa akin. Binati niya ang bata, "Hi, I'm Kuya Kaizon! Nice meeting you, Zafeera!" Dinilaan lang siya ni Zafeera.

"May sikreto ako, Ate Red Hair, and because I like you, Ate Red Hair, sasabihin ko sa'yo!"

Biglang nagsalita ang lalaking may mahabang kulot na buhok, "Hindi kami ang hinahanap niyo. Hindi kami ang pumaslang sa mga werewolves mo, Alpha Oleander."

"You're rogues, right?" kumpirma ni Kaizon. Nagsisitayuan na rin ngunit may mga pilay ang mga nakalaban nila kanina. Si Alekxus, nanatili pa rin itong walang kibo sa bandang likuran ko.

Tumango ang lalaking may karga kay Zafeera, "Yes. Surprise? Don't be. Maraming sikreto rito sa Forest." The man stared at the person behind me. I don't understand why pity entered his expression while he's staring at Alekxus. "Rogues have episodes of insanity." Bumalik ang titig nito sa amin ni Kaizon. "Iyon ang tinutukoy ni Zafeera kanina na sakit ng kasamahan namin. We're not always crazed, you see, and we're conscious enough to know what's important." Napangiti ang lalaki nang tumingin kay Zafeera. "May rason kung bakit iba ang alam ng karamihan." misteryosong dagdag niya.

"Kung wala kayong kinalaman sa pagpatay sa mga werewolves ni Alpha Oleander, bakit naroon ang amoy ninyo sa tracks nila?" tanong ko. That rotten orange smell is always found on the dead werewolves' track.

Naging bakante ang expresyon ng rogue, "I can't answer that."

Napakapit ng mahigpit si Kaizon sa balikat ko. He's probably using me as tether to remind him not to rush and attack. "You're still involve, aren't you?"

"Of course we are! But we are not bad!" chirped Zafeera. Muntikan ko nang makalimutan ang sinasabi ng bata kanina.

"Ano pala yung sikreto na tinutukoy mo kanina, Zafeera?" malumanay na tanong ko sa bata.

The child's eyes gleamed, "Someone hired my rogue friends to kill five werewolves, Ate Red Hair!"

"Zafeera!" sinubukan muli ng ama ni Zafeera na patigilin ang bata ngunit dahil sa kakulitan nito, naiiwasan niya ang kamay ng ama na gustong takpan ang kaniyang bibig.

"That's our job. People hire us and we do our job! We just follow our job!" sambit muli ni Zafeera.

Zafeera's father cursed, sinusubukan pa ring pahintuin sa pagsasalita ang bata, ang batang ayaw papigil sa pagbunyag ng mga sikreto, "We are not bad! The bad person is the one who hired us to kill your werewolves, Kuya Kaizon!"

"Sino, sino ang taong nagbayad at inutusan kayo upang patayin ang mga werewolves ko, Zafeera?" kalmado ang boses ni Kaizon pero ramdam ko ang pagpipigil niya sa mga kumukulong emosyon.

Umakyat si Zafeera sa balikat ng ama at pumangko. Mas nahirapan ang lalaki na pigilang magsalita ang anak. Zafeera stretched her right arm, pointing at someone, pointing somewhere towards our direction, and then the child said,

"Siya." Unti-unti kaming napaikot ni Kaizon upang harapin ang taong tinuturo ni Zafeera. "Si Kuya Green Eyes." kumpirma ni Zafeera. "He's the one who hired us to kill your werewolves, Kuya Kaizon! He's afraid and angry of us because we might reveal the secret that's why he wants to kill us. Kuya Green Eyes is bad!"

Nanatiling nakatungo ang tinutukoy ni Zafeera. Nakakuyom ang mga kamao. Walang kibo. Hindi dinidepensahan ang sarili.

"Totoo ba? Tell me it's not true.." I uttered in total disbelief.

He couldn't be...hindi siya, hindi maaring siya ang gumawa n'on. He's been helping us all these time.

"It's true," banggit ng boses ng ama ni Zafeera, "Your companion was our customer. Alekxus Oxalis hired rogues to kill Alpha Oleander's werewolves."

Continue Reading

You'll Also Like

198K 1.9K 17
Her life race against time. Curse against prophecy. And everything is happening without her knowledge until the Majestic Wolf appeared in front of h...
471K 14.7K 65
「COMPLETED」「UNEDITED」 Eyes is what we used to see everything. Ngunit sa panahon ngayon ginagamit ang mata upang manlait lang ng kapwa. Maraming tao a...
188K 5.1K 34
Freija, yan ang pangalan ko. Ordinaryong tao na napunta sa pagiging extra ordinaryo simula ng mapalitan ang puso ko. Kung kanino ito nang galing ay h...
341K 11.4K 38
"Neviah," the Alpha murmured her name for the last time. Humaba na ang mga pangil nito na mabilis na ibinaon sa leeg ng dalaga. Sobrang diin at lalim...