A Hopeless Wind (NEUST Series...

By JdAnnnnn

89.4K 2.4K 204

| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is j... More

Warning!
A Hopeless Wind
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
For You
Author's Note

Chapter 23

1.8K 43 3
By JdAnnnnn

Maaga akong natapos na i-convert ang mga naging grades ng ilan kong estudyanteng tapos na sa demonstration nila, ngunit nandito pa din ako sa rooftop habang dahan-dahan na pinapaikot ang cellphone sa aking kamay.

Nang pasado alas-nuebe na ay itinabi ko na ang mga gamit na dinala ko dito at balak ko nang bumalik sa aking kwarto ng umilaw ang aking cellphone, tiningnan ko kung sino ang tumatawag ngunit unknown number ito.

"Hello. Sino po ito?" bungad ko nang sagutin ko ang tawag.

"Hulya..." My mood plummeted when I noticed who's the owner of this voice.

"Where did you get my number?" malamig na tanong ko.

"Hiningi ko kay Jen, pero huwag ka magalit sa kaniya."

"Of course, I will not, compare to what you've done to me, it's just nothing." Naging tahimik sa linya niya, akmang puputulin ko na ang tawag ng magsalita siyang muli.

"Bigla ka nalang hindi pumasok noon, we're so worried about you, tapos nang magpasya ako na pumunta sa inyo, nasampal pa ako ng Ate mo." Hindi ko inaasahan ang kaniyang sinabi, hindi iyon nasabi sa akin ni Ate.

"Hindi ka na daw babalik, at dahil daw sa akin iyon, dahil sa amin ni Jranillo, then your sister told me the reason why you leave. Hulya, please let me tell you the truth." Mabilis na nagsalubong ang aking kilay.

"Oh, come on! It's been four years, hindi ko na kailangan ang katotohanan na sinasabi mo. Alam niyo parehas kayo ng Jranillo na iyon, para kayong kabute na bigla nalang sumusulpot."

"I was always trying to contact you with your number back then ngunit bigo ako, hanggang sa nalaman ko na madalas na ulit kayo nagkakasama ni Jen, hiningi ko sa kaniya ang number mo pero ngayon niya lang binigay dahil ayaw niyang magalit ka sa kaniya." Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone.

"I'm already here in the Philippines Hulya, actually with Paul and please, magkita tayo." Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang sinabi niya na magkasama sila ni Paul. Madalas kasi kapag maganda ang isang tao, lahat ng may gusto sa kanila papatulan na nila, papalit-palit, ginagawa lang laro, hindi sinerseryoso, at labas na ako kung sakali man na pagsabayin niya iyong dalawa.

"Stop calling me Hulya, we're not close anymore. Stop bothering me, baka hindi ko makontrol ang sarili ko at kung ano pa ang masabi ko sa iyo," pagkatapos ko itong masabi ay kaagad ko ng pinutol ang tawag.

Kaagad ko ng kinuha ang aking mga gamit at mabilis na tinungo ang aking kwarto at isinusi ito. Umupo ako sa aking kama at mahigpit na hinawakan ang unan. Mas lalong nabuhay ang galit sa akin, mas lalo lamang bumabalik ang lahat sa akin. Bakit kailangan pa niya paabutin ng halos magda-dalawang taon, kung sa dulo, lolokohin niya lang naman ako?

Marahan akong pumikit, dumaan sa akin ang mga tagpo namin kanina sa Unibersidad, napayukom ako ng aking kamay.

"You're still too weak, Juliana," bulong ko sa aking sarili, dahil ito ang totoo. Hindi ko man lang maipakita na labis ang galit ko sa kaniya, na halos paulit-ulit akong dinu-durog sa tuwing nakikita ko siya, but I'm look like a teenage girl, avoiding the boy she admire when we're near with each other.

Kinabukasan halos hindi ako makapunta sa aking lamesa sa faculty ng makita kung sino na ang nagmamay-ari ng katabing lamesa ko sa bandang kaliwa.

"Mr. Jranillo Dred G. Esguerra." Ito ang nakalagay na pangalan. Bahagya kong ipinilig ang aking ulo, at nagtuloy-tuloy na lamang sa aking lamesa, hindi na nagtagal sa faculty at pumunta na agad sa aking unang klase.

"Hello Hulya, nasaan ka ba?" bungad sa akin ni Jen, mula sa kabilang linya.

"I'm already here at the canteen, sa may gubat," tugon ko.

"What? Bakit hindi mo ako hinintay sa faculty?" Napahimas ako sa aking sintido.

"Ayoko ng dumaan diyan, gutom na ako." pagdadahilan ko sa kaniya.

"Sayang naman, sabay sana tayo kina Ma'am Emmalyn sa canteen ng Engineering." Humangin ng malakas kaya naman isinikop ko ang aking buhok.

"I told you Jen, ayokong nagagawi doon."

"Bakit nga kasi?"

"Basta!"

"Ang sabihin mo kasi ayaw mo doon, kasi mas matatanaw mo iyong grandstand, ang kwento mo sa akin ay madalas kayo noon doon." Narinig ko ang paghagikgik niya.

"Pumunta ka na lang dito, tsaka may atraso ka pa sa akin, ibinigay mo iyong number ko kay Chelsea."

"Okay! Sorry na, ililibre nalang kita." Napa-ngisi ako sa sinabi niya.

"Mabuti pa nga," natatawa kong tugon bago tuluyang maputol ang tawag.

I never gave them a chance to hurt me, I never let myself to fall in love with him again. Mabilis na lumipas ang mga linggo, at sa bawat araw, wala siyang palya, parang wala siyang kapaguran. He's always asking me that he'll drive me home, but I always refusing. He's always overtime in his class, that's why when it's my time, he's still there. It pissed me off, tila ba ang mga ginagawa niya ay para sa akin talaga, upang maasar ako. Sa tingin ko ay gustong-gusto niya akong nahihirapan at nasasaktan, kahit na ako dapat ang nagpaparamdam sa kaniya nito, dahil siya ang mayroong nagawang mali sa akin.

Nilampasan ko lamang siya nang pumasok ako sa loob ng classroom at dumiretso sa nasa harapan na lamesa. Tumunog ang messenger tone ko, Jen send a picture, and when I opened it, I saw again a bouquet of flowers on my table.

"I forgot the book, sorry." Kumalabog ang puso ko, that familiar scent, the smell came from his hair gel, unti-unting yumu-yukom ang aking mga kamay na nakalagay sa aking likod.

"Okay lang, ang hindi okay ay ang palagi kang overtime," bulong ko, habang kunwaring ina-ayos ang flower vase na nasa gilid ng lamesa. I heard his chuckles. Muling tumunog ang messenger tone ko, at kaagad kong nakita ang panibagong picture na galing kay Jen, dahil nakalapag na lamang sa lamesa ang aking cellphone, kaagad ko iyong kinuha upang patayin, kasabay nang pagtama ng aming paningin ng lalaki na nasa aking harapan.

"You have a lot of suitor huh?" His lips form into a lop-sided grinned, ngunit ang kaniyang mga mata ay matalim ang tingin.

"Even it's a suitor or boyfriend, it's none of your business." Pinasadahan ko ng tingin kung nakatingin ba sa amin ang mga estudyante, at ng makitang hindi naman ay walang emosyon ko siyang muling nilingon.

"Hmm...Get a boyfriend then, but they just going to be a fling." Naningkit ang aking mga mata, napalunok ako ng bahagya siyang yumuko palapit sa akin.

"Let me tell you Juliana..." Tila kinurot ang puso ko sa pagbigkas niya sa aking pangalan.

"We didn't break up, samakatuwid, akin ka pa din." I felt that my knees trembling, my lips became half-open, ngunit nakabawi din ako kaagad. Sinalubong ko ang mga mata niya, ang parteng isa sa dahilan kung bakit ako nahulog noon sa kaniya.

"Nang araw na pinagtaksilan niyo ako, awtomatiko ng burado kayo sa buhay ko." I thought it's a guilt I'm going to see on his emotion but no, he just grinned at me, before going out in my class.

"Masama ba iyong pakiramdam mo Hulya? Bakit ang tamlay mo?" Napalingon ako sa malayo, nandito kami sa may canteen ng COED at nagme-meryenda.

"Hindi ko alam kung ano iyong gusto niyang mangyari."

"Naisip ko lang, hindi nga pala kami nagbreak kasi umalis ako kaagad, pero iyong makita ko na may kayakap siya, ibig sabihin wala na kami hindi ba?" Napalingon ako kay Jen ng mahina siyang natawa.

"Sa iyo siguro ganiyan, pero paano naman kung iba para sa kaniya?"

"Nakita mo lang silang masaya na kasama ang isa't-isa, nakita mo lang na parang magkayakap, nagconclude ka na agad Hulya." Hindi ako nakakibo.

"Hindi mo man lang ba naisip kung bakit sila masaya? Sino o ano ba ang pinag uusapan nila, at sadya ba talaga iyong huli mong nakita?" Sadness tore me.

"Si Chelsea kasi iyon Jen, kahit normal na usapan lang nila, kahit malapit palang sila sa isa't-isa, isang sampal iyon sa akin, na dapat matakot ako, kasi ano na lang ba kung ipagpalit ako hindi ba? I always think, especially back then, that I'm just that timid, plain and boring woman."

"Dapat nga ay hindi ako nagagalit, dapat ay inintindi ko na lang kung kapalit-palit ako hindi ba? Pero tao lang din naman ako, Jen." She tapped my shoulder.

"But you're wrong Hulya, sa tingin ko ay mali ang itinatatak mo diyan sa isipan mo. Hindi mo ba nararamdaman? Hindi mo ba napapansin? Jandred's still have feelings for you, at paano kung sa nakalipas na taon ay hindi naman talaga iyon nawala?"

"Why don't you gave him a chance? Sa halip na iyong nakita mo iyong nandiyan sa isip mo, bakit hindi na lang iyong masasayang nangyari sa inyo noon or don't tell me pinagsisisihan mo lahat ng iyon?"

"You know I never regret loving him, kasi alam ko naman na kahit paano ay napasaya niya ako, sumaya talaga ako. Pero ang tanong kasi, kaya ba tabunan ng saya na iyon, kung gaano kalalim ang dinulot niya sa puso ko na sugat?"

"No, happiness can't mend what's already into pieces, Jen."

Second semester came, hindi na nga magkasunod ang aming klase ngunit magkatabi pa rin ang aming lamesa sa faculty. Mas naging nakakapagod ang schedule ko ngayon, dahil bukod sa seven-thirty palagi ang una kong klase, ay hanggang ala-singko ito ng hapon, kaya naman naisipan ko na lamang umupa ng apartment dito sa Sumacab para naman hindi ako masiyadong mapagod pa.

After checking my student's quiz in exactly seven thirty in the evening, I rest my body on the long sofa, while reading a novel by David Levithan, entitled 10 Things I Hate About You. Ililipat ko na sa susunod na pahina nang biglang mamatay ang ilaw.

Nang una ay hinintay ko lamang itong sumindi muli, ngunit nang magtagal na ay itinabi ko na sa maliit na cabinet ang librong aking binabasa. Gamit ang flashlight ng aking cellphone ay pinasadahan ko ng tingin ang buong apartment.

"Ngayon pa talagang isang linggo nalang bago ang araw ng mga patay," bulong ko sa aking sarili, habang kung ano-ano na ang pumapasok sa aking isipan.

Nanatili akong nakadikit sa gilid ng sofa, pina-pakiramdaman ang paligid. I really hate darkness when I'm alone, kung ano-ano lamang na nakakakilabot ang aking nai-isip, kaya naman halos mapatalon ako ng may kumatok sa may pintuan.

Pangatlong katok ng maglakas loob akong tingnan kung sino ito, mahigpit ang hawak ko sa aking cellphone na siyang ginagawa kong flashlight. Dahan-dahan ay binuksan ko ang pinto, itinutok ko sa mukha niya ang ilaw, narinig ko ang mahinang pag-asik niya.

"What are you doing here?" Ipinakita niya sa akin ang hawak na kandila.

"May pumutok na kable ng kuryente, matatagalan daw bago maayos, naisip ko lang na baka wala kang kandila." His just wearing a white sando fitted on his body, and a black maong short.

"And if you want, I'm willing to be here for a while, kung gusto mo ng kasama," he said in a low voice. Kinuha ko ang hawak niyang kandila, hindi na siya kinibo, sa halip ay pinagbuksan na lamang ng pinto.

Tahimik ang paligid, nasa magkabilang dulo kami ng sofa, habang naka-gitna sa kaharap naming lamesa ang dalawang kandila.

"Thank you for letting me accompanied you now." Nanatili sa kandila ang aking tingin.

"Kung hindi lang ako natatakot ay kandila lang ang habol ko sa iyo." Mahina siyang tumawa. Napalingon ako sa kaniya na saktong paghimas niya naman sa kaniyang batok.

"Ang tagal naman kasi sumindi ng ilaw, may binabasa pa naman ako."

"About what?" tanong niya, pumikit ako, bago siya sagutin.

"Diary ng naloko," pagi-imbento ko. Being with him right now, bring back the time when his lips first touch mine, yet flashing in my mind the moment I saw him and Chelsea together in his apartment, hugging each other.

"Hmm, akala ko Diary ng Iniwan." Unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata. I gazed at him, I saw a twinkled in his eyes, bahagyang umangat ang kaniyang labi, para bang may nais sabihin ngunit pinili na lamang manahimik. Ilang sandali ang lumipas at nagsalita din siya.

"You're torturing me. You always make me feel this hopeless feeling." I swallowed hard, my heart wrenched. After turning my eyes on the flickering flames of the candle, I just slowly close my eyes again and forced myself not to cry.

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 454 45
Sarinah Franshey Monteverde has this life that every girl dreams to have. She can easily get what she wants with just one snap of her finger. She has...
344K 23.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
33.6K 1K 31
in which anikka was invited to do a web series with his famous ex boyfriend, Brent Paraiso.
781 119 17
Sun Rays Series #2 Redler Agate, an introvert, who writes novels as a way to express herself. Every letter she furnished from her vivid imagination w...