Tell Me Where It Hurts

By SiMarcoJoseAko

26.7M 636K 112K

For Ara Angeles, the plan is to live the simple, ordinary life she's been living in Batangas-to study hard an... More

Bachelor Stories Series 5: Tell Me Where It Hurts
Kabanata I - Simula
Kabanata II - Rancho De Montemayor
Kabanata III - Unang Halik
Kabanata IV - Ang Nakaraan
Kabanata VI - Adobo
Kabanata VII - Gusto
Kabanata VIII - Yakap
Kabanata IX - Kubo
Kabanata X - Iwasan
Kabanata XI - Goto
Kabanata XII - Baby
Kabanata XIII - Date
Kabanata XIV - Trabaho
Kabanata XV - Girlfriend
Kabanata XVI - Iniiwasan
Kabanata XVII - Akala
Kabanata XVIII - Muntikan
Kabanata XIX - Bakit?
Kabanata XX - Maynila
Kabanata XXI - Tayo na
Kabanata XXII - Noah at Allie
Kabanata XXIII - Rules
Kabanata XXIV - Komportable
Kabanata XXV - Privately
Kabanata XXVI - Nahulog
Kabanata XXVII - Alagaan
Kabanata XXVIII - Mahal kita
Kabanata XXIX - Kwintas
Kabanata XXX - Regalo
Kabanata XXXI - Kasal
Kabanata XXXII - Unknown Number
Kabanata XXXIII - Nanlalamig
Kabanata XXXIV - Party
Kabanata XXXV - Durog na durog
Kabanata XXXVI - Kakalimutan
Kabanata XXXVII - Panibagong Simula
Kabanata XXXVIII - Welcome Party
Kabanata XXXIX - Boses
Kabanata XL - Muling Pagtatagpo
Kabanata XLI - Samuel
Kabanata XLII - Bagong Presidente
Kabanata XLIII - Mensahe
Kabanata XLIV - Dinner
Kabanata XLV - Hinala
Kabanata XLVI - Rebelasyon
Kabanata XLVII - Nagmamakaawa
Kabanata XLVIII - Mother's Love
Kabanata XLIX - Kasunduan
Kabanata L - Bagong Bahay
Kabanata LI - Papa
Kabanata LII - Kulang pa ba?
Kabanata LIII - Heena
Kabanata LIV - Get in
Kabanata LV - Happy Birthday!
Kabanata LVI - Our Room
Kabanata LVII - Hindi na ako
Kabanata LVIII - Iniisip
Kabanata LIX - Binuhat
Kabanata LX - Maramot
Kabanata LXI - Stay
Kabanata LXII - Resignation
Kabanata LXIII - Takot na takot
Kabanata LXIV - Nasasaktan
Kabanata LXV - Rason
Kabanata LXVI - Saglit lang
Kabanata LXVII - Hindi pwede
Kabanata LXVIII - Ako na lang
Kabanata LXIX - Ospital
Kabanata LXX - Ang Pagtatapos
Epilogo
Author's Note

Kabanata V - Kaarawan

399K 9.1K 569
By SiMarcoJoseAko

Ilang oras na ang lumipas nang umalis si Sir Aivan pero hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang sistema ko kanina dahil sa huli niyang sinabi sa akin. Siya lamang ang bukod tanging lalaking nakahalik sa akin nang ganoon, at siya rin lamang ang unang lalaking nagsabing gusto niya ang mga labi ko. Wala sa sariling napahawak ako sa mga labi ko nang muli kong maalala ang nangyari kanina sa loob ng sasakyan niya. Pumikit ako at parang isang palabas na bumalik sa isipan ko ang mga nangyari, kung paano siya ngumiti, magsalita, at tumitig sa akin.

At kung paano niya inangkin ang mga labi ko.

"Ara!" Nabali lamang ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni Glenda sa labas ng kwarto. Bumukas naman ang pinto at walang sabi siyang pumasok at tumabi sa akin.

"Ang tagal mo namang kumilos! Pupunta ka ba kay na Mang Robert? Kanina pa naroroon ang mga magulang mo at ikaw nakatunganga ka lang d'yan na parang tanga." Pinadausdos ko naman ang suklay sa mahaba kong buhok habang nakatingin sa malaking salamin na nakasabit sa dingding.

"Oo, pupunta ako. Nag-aayos lang ako saglit para naman hindi ako mukhang gusgusin doon."

"Sabihin mo, gusto mo lang akong talbugan mamaya. Nakakainis ka nga e, kahit na wala kang aning-aning d'yan sa mukha, ang ganda mo pa rin." Marami ang nagsasabi sa akin na maganda raw ako kahit na wala akong kolorete sa mukha. Sabi kasi ng nanay ko, mas bagay raw sa akin ang simple lang ang ayos upang hindi matakpan ang aking pagkamorena.

"Inuuto mo na naman ako, Glenda. Tara na nga! Alam ko namang gutom na 'yang mga alaga mo sa tiyan at gusto mo nang kumain." Tumayo na ako at sabay kaming lumabas ng bahay. Isang puting bestida lamang ang suot ko na mayroong bulaklaking disenyo sa ibaba. Regalo iyon sa akin ng nanay ko noong huling birthday ko. Hanggang tuhod ko lamang iyon dahil alam ni nanay na hindi ako sanay na nagsusuot ng maiikling bestida o shorts.

"Excited na talaga ako, kanina pa nga ako kinikilig!"

"Bakit na naman? Siguro kaya ka lang pupunta roon para makita si Inigo," pang-aasar ko sa kanya. Simula pa noong high school ay mayroon na siyang gusto kay Inigo, panganay na anak ni Mang Robert. Matangkad, moreno, at gwapo si Inigo kaya madali siyang nagustuhan ni Glenda. Iyon kasi ang mga tipo niya sa isang lalaki noon pa man.

"Gaga, hindi! Naroroon kasi si Papa Aivan kaya ako pupunta!"

"Baka may nobya na iyon, h'wag kang umasa masyado. Alam mo namang sa Maynila iyon nakatira at paniguradong maraming babae ang nakakasalamuha niya roon," sabi ko kahit na alam kong walang nobya si Sir Aivan.

"Maghihiwalay rin ang mga 'yon." Umismid siya.

"Kahit na, hindi mo pa rin dapat sinasabi na maghihiwalay sila."

"Ara, wala naman akong sinabing maghihiwalay sila. Ang sinabi ko lang ay gusto ko siya! Kunwari ka pa e, ayaw mo lang naman sabihin sa akin na tipo mo rin si Señorito Aivan!" nang-aasar niyang sabi sa akin dahilan para ako'y mapasimangot.

"Wala akong gusto kay Sir Aivan," mariin kong sagot.

"Wala ba talaga? Ako pa ang lolokohin mo, alam mo namang simula pagkabata ay magkasama na tayo. Kilalang-kilala na kaya kita!" tumatawa pa niyang sabi sa akin.

"Tsaka sino ba ang hindi magkakagusto kay Sir Aivan? Ang gwapo kaya niya, ang sarap-sarap titigan!" dagdag pa ni Glenda.

"Ano ba, Glenda?! Magtino ka nga sa mga pinagsasabi mo! Kapag mayroong nakarinig sa atin, ewan ko lang sa 'yo!"

"At bakit? Totoo naman ah! Ang sarap kaya niyang tingnan! Kapag nga tinititigan ko siya, iniisip ko na dahan-dahan siyang naghuhubad sa harapan ko." Natatawang napailing na lamang ako sa sinabi niya.

Ilang minuto lang din ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay ni na Mang Robert. Malapit lang naman iyon sa bahay namin kaya naglakad na lamang kami ni Glenda papunta roon. Marami na rin ang tao at halos lahat ng mga bisita roon ay mga kapitbahay namin na mga nagtatrabaho rin sa rancho.

"Happy birthday, Oliver!" bati namin ni Glenda kay Oliver. Nahihiyang napakamot naman ito sa likod ng kanyang ulo bago tumingin sa amin at ngumiti.

"Salamat po, Ate Ara at Ate Glenda," nahihiya niyang sagot. Napangiti naman ako sa inasal ng binata. Kahit kailan kasi ay napakabait nito hindi katulad ng kuya niya na puro na lamang kalokohan ang alam.

"O, andito na pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap." Napalingon kami kay Inigo na lumapit sa pwesto namin at inakbayan ang kapatid niya.

"H'wag mo kaming lokohin, Inigo. Kunwari ka pang hinihintay mo kami, si Ara lang naman talaga ang gusto mong makita!" ani Glenda sa tabi ko.

"Halata ba?" natatawang sabi ni Inigo. Ngumiti lamang ako sa kanya at bumaling ng tingin kay Glenda.

"Pumasok na tayo sa loob. Kanina ka pa gutom, hindi ba?" Nagliwanag naman ang mukha niya.

"Mabuti't pinaalala mo!" sabi niya sa akin bago niya ako hatakin papunta sa loob ng bahay. Marami kaming kakilalang nakasalubong at halos lahat ay nagsasaya. Kumuha lamang kami ni Glenda ng pagkain at tsaka naghanap ng pwesto sa labas. Hindi ganoong kalakihan ang bahay nila Mang Robert pero malaki naman ang bakuran kaya doon nakasalansan ang mga lamesa para sa mga bisita. Nakahanda na rin ang mga inumin para mamaya at mayroon din videoke na inarkila nila sa Bayan.

Kasalukuyang kumakain kami ni Glenda at hindi ko mapigilan ang mapatingin sa paligid. Para bang mayroong hinahanap ang mga mata ko pero bigo akong makita kung nasaan iyon.

"Sino ba ang hinahanap mo?" ani Glenda habang kumakain.

"Wala," simple kong sagot sa kanya. Sumubo rin ako ng pagkain at umaktong normal.

"Wala ba talaga?"

"Wala nga," mabilis kong sagot sa kanya. Akmang magsasalita na ulit si Glenda nang makarinig kami ng ingay. Agad akong napalingon sa pinanggagalingan ng ingay at bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ko kung sino ang kanilang pinagkakaguluhan.

Mula sa sasakyan niya ay lumabas si Sir Aivan. Marami ang bumabati sa kanya nang tuluyan na siyang makababa mula sa kanyang sasakyan. Akala mo'y isa siyang artista dahil sa mga taong nakapalibot sa kanya. Isang hapit na puting v-neck lamang ang suot niya, itim na pantalon, at rubber shoes. Simple lamang ang kanyang suot pero hindi pa rin maitatago ng mga iyon ang kanyang kakisigan. Hindi ko mapigilang panoorin ang bawat galaw niya.

Biglang nagtama ang aming mga mata ni Sir Aivan at agad na nagwala ang puso ko. Nag-iwas ako ng tingin at muling ibinaling ang atensyon ko sa aking kinakain. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko dahil lamang doon. Pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa pagkain ko dahil baka hindi ko na kayanin kapag muling magtama ang aming mga tingin. Pilit kasing bumabalik sa isipan ko ang nangyari sa amin kanina at hindi iyon biro. Naramdaman ko ang pagsipa ni Glenda sa akin mula sa ilalim ng lamesa. Kunot-noo akong napatingin sa kanya.

"Ano?" Hindi naman siya sumagot at ngumuso lamang siya sa likuran ko. Lumingon naman ako at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko si Sir Aivan. Seryoso siyang nakatingin sa akin at muli, nag-init na naman ang aking mukha.

"K-kayo po pala, Sir Aivan." Pakiramdam ko ay mayroong mga paruparong nagwawala sa loob ng sikmura ko ng dahil sa kanya.

"Wala bang nakaupo sa tabi mo?" tanong niya sa akin.

"W-wala po," sagot ko. Nagulat naman ako nang tumabi siya sa akin. Pakiramdam ko ay biglang lumiit ang paligid dahil sa kanya. Hindi na rin ako makakain nang maayos dahil pakiramdam ko ay tinititigan niya ako at pinapanood ang bawat galaw ko. Gusto kong magtaka dahil ang dami namang bakanteng upuan pero mas pinili pa rin niyang tumabi sa akin.

"Ara, mauna na muna ako sa loob ha? May kukunin lang ako," ani Glenda bago tumayo. Saglit niyang binalingan si Sir Aivan na para bang nagpaalam din siya sa kanya. Hindi na ako nakatutol pa nang umalis na si Glenda at kami na lang ni Sir Aivan ang naiwan sa aming pwesto. Pakiramdam ko ay sinadya niya iyon dahil siguro'y nahahalata niya ang pagtitig sa akin ni Sir Aivan.

Binalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid at walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kanya dahil isa siyang Montemayor. Bibihira kasi naming makasalumuha ang mga Montemayor, lalo na ako.

"S-sir Aivan, hindi po ba kayo nagugutom? Kung gusto n'yo po ay ikukuha ko kayo ng pagkain sa loob." Matamang nakatitig naman siya sa akin dahilan para gustuhin kong magsalamin para lamang tingnan kung mayroon ba akong dumi sa mukha.

"No, I'm still full." Hindi naman ako nagsalita dahil nawalan na agad ako ng sasabihin.

"You look good in that white dress," komento niya. Muli akong napatingin sa kanya at nagtama ang mga mata namin. Ramdam ko ang muling pag-akyat ng dugo sa aking mukha. "S-salamat po."

"You should wear a dress more often. Hindi bagay sa 'yo ang suot ng isang magsasaka."

"Kapag may okasyon lamang po ako nagsusuot ng ganito, Sir Aivan." Hindi pa rin ako makatingin sa kanya nang maayos at pasulyap-sulyap lamang ang nagagawa ko.

"Look at me, Ara." Nagulat ako sa sinabi niyang iyon kaya napatingin ako sa kanya nang wala sa oras.

"I want all of your attention while I'm talking to you, do you understand?" Agad na naghuramentado ang puso ko at kahit na kinakabahan ako ay nagawa kong tumango nang mabagal.

"Good," sabi niya at ngumiti. Kaunti na lang at hihimatayin na ako sa inaakto niya.

Continue Reading

You'll Also Like

352K 1.6K 5
Forever... Apfff... Masaya na akong nakikitang masaya ang mga kaibigan ko. Ayaw ko na ng sakit sa ulo. Control freak gaya ni Red? No thank you very...
7M 8.6K 2
November 16, 2013 to March 5, 2014. Rewritten on 12/28/2013 because the author was feeling whimsical and nostalgic... I am Irina Ysobel Samonte. My...
161K 4.9K 58
Wanting to forget her cheater ex-boyfriend, Celestia Sentinel unexpectedly shares a heated night with Keij Dela Cruz. Now forced to marry each other...
809K 13.5K 32
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.