Huling Sandali (Jhobea)

By jhowanabb

169K 1.9K 441

Maaari pa kayang maibalik ang dating pagsasama ng dalawang taong minsan ng nasaktan ng sobra? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
A/N
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
ANNOUNCEMENT
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
ANNOUNCEMENT
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
CHAPTER 66
CHAPTER 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
LAST CHAPTER
EPILOGUE
NEW STORY

Chapter 65

2.1K 26 11
By jhowanabb

Jho's POV

It's been 3 months since ate ly and ate den's wedding at 3 months na din kaming busy ni bea sa pag aasikaso sa kasal. Gusto kasi namin ni bea na maging maayos ang kasal from invitations, foods,guests and reception.

Next month na kami ikakasal ni bea at sobrang busy namin parehas. Isama pa ang mga trabaho namin buti nalang yung magulang namin suportado kami sa lahat. Pati nga sa gastos sa kasal halos wala na kaming maiambag ni bea dahil gusto nila sila nalang daw. Yung ipon daw namin ni bea para nalang daw sa future namin.

Hindi nalang kami nakipagtalo ni bea sakanila dahil alam namin na di kami mananalo. Knowing them? Mas excited pa nga sila saamin eh.

Nung nalaman nilang nag propose na si bea sakin eh gusto nila magpakasal na agad kami buti nalang napigilan namin ni bea like ayaw namin i rush lahat. Gusto namin paghandaan yung kasal naming dalawa.

Sa edad namin ni bea na 32 this is the right time and age to get married.

Ngayon ay pupunta ako sa ally's at cake shop para sa food testing. Well si bea hindi makakasama sakin dahil busy sa work. Ayaw niya naman ibigay kay tito elmer yung pending work niya eh kahit hinihingi ni tito. Sipag ng future wife ko noh?

Okay lang naman sakin since nagawa ko na yung iba kong gagawin at siyempre para kahit papano magkaroon ako ng alone time.

Pagkarating kong Ally's nag park agad ako at saktong pagpasok ko ay nakita ko si Mika kapatid ni Nico kasama ang mga kaibigan niya.

Tagal ko din di nakita ang batang ito. Dalagang dalaga na siya ah.

"Ate jho! Omg!" Sabi niya at dali daling lumapit saakin. Nakuha niya naman ang atensyon ng mga tao kaya napatingin ito saakin.

Ngumiti nalang ako sakanila at niyakap si Mika ng makalapit siya saakin.

"Hi miks. Kumusta?" Sabi ko ng maghiwalay kami sa yakap.

"I'm fine ate. Grabee imissedyou. Tagal na natin di nagbbonding" halata sa mukha niyang malumgkot siya sa sinabi niya. Kinurot ko nalang ang pisngi niya at nginitian siya.

"Sorry miks. Busy lang talaga. Alam mo na busy person ang jho-sa" natatawa kong sabi kaya natawa din si mika.

"I understand ate. Alam ko naman kung bakit" sabi niya habang nakangiti ng pilit saakin tumango nalang ako at di na kumibo pa.

"Ahm sige miks ah? Mag fofood testing pa kasi ako. I'll seeyou nalang kapag di na ako busy. Have fun" sabi ko at tumango naman siya. Nakibeso ako sakanya at nag excuse na para pumunta kung saan ang table ko para sa food testing.

Lumapit agad ako sa table kung nasaan ang manager ng restaurant at chef nito.

"Hi I'm sorry I'm late. Ako nga pala si Jhoana Louisse Maraguinot. Ako yung sinasabi sainyo ni ate ly" nakangiting bati ko sakanila at inilahad ang kamay ko.

"Hi ma'am Jhoana thankyou for choosing Ally's to cater your wedding we assure you that we'll give you the best dishes" nakangiting sabi ng manager at kinamayan ako. Nginitian ko nalang sila at humiwalay na sa pakikipagkamay.

"Ehem . So Ma'am Jhoana, ang sabi po ni ma'am Ly ay isang garden wedding ang gusto ninyo so nag isip ang chef namin ng iba't ibang mga pagkain na baka gusto ninyo." Nakangiting sabi ng manager kaya tumango ako.

Napagusapan namin ni bea na magkakaroon kami ng garden wedding since hindi naman pwede dito saatin ang same sex marriage eh garden wedding ang naisip namin ni bea. We both wanted garden wedding kasi dun kami tumatambay noon kapag walang pasok or training. Parang garden ang saksi namin ni bea sa mga pinagdaanan namin nung college days.

May ibinigay namang menu saakin ang manager.

"Yan po ma'am ang mga lists of foods na naisip ng chefs namin para sa kasal ninyo kung may mga ipapapalit or ipapadagdag kayo tell me ma'am para po masabihan ko ang chef namin." Pagpapatuloy ng manager habang binabasa ko ang mga listahan ng mga pagkain.

Suggested Menu:

Starters
Baked Tahong with Cheese and Garlic
Crispy Kangkong
Tokwa at Baboy

Main Course
Beef Caldereta
Pork and Chicken Adobo
Beef Steak Tagalog
Pancit Malabon
Lechon
Buttered shrimp
Steamed crabs with sweet sauce
Garlic rice
Pandan Rice

Desserts
Buco Fruit Salad
Leche Flan
Cassava
Mango Graham Cake

Beverages
Gulaman and Sago
Buco Juice
Iced Tea
Soft drinks.

Napag usapan kasi namin ni bea na ang mga pagkain ay yung mga kinakain ng mga pinoy kapag ganitong may mga occassions.

Habang binabasa ko isa isa ay tumayo ang Chef pada siguro kunin ang mga ipapalasa nila saakin.

"Okay na po ito. Wala naman po akong ipapadagdag or ipapatanggal" sabi ko at ibinalik sakanya ang menu. Nginitian niya lang ako at isinulat sa planner niya.

Nag usap lang kami tungkol sa price at kung para sa ilang tao ang gagawin after nun ay tinikman ko ang mga nasa menu ng kasal namin ni bea.

Nang matapos ako ay sobrang wala akong masabi. The best talaga si ate Ly.

"Grabe nabusog ako HAHAHA sobrang sarap ng mga pagkain. Siguro kung nandito si bea magugustuhan niya. " Sabi ko pagkatapos kong magpunas ng bibig. Tumawa lang ang staff ng Ally's at nakipag kamay saakin.

"Thankyou Ma'am Jhoana. As what I've said awhile ago hinding hindi ho kayo mag sisisi na pinili niyo ang Ally's to cater your speciall occassion" masayang sabi ng manager at ngumiti lang ako.

"Thankyou din po. Looking forward po ako sa foods na ipprepare ninyo sana po kung ano yung natikman ko dito ay parehas sa wedding ko. Pano po alis na po ako salamat" sabi ko st isa isang kinamayan ang mga staffs nila. Ang iba naman ay nagpapicture pa saakin.

Nang makalabas ako ng Ally's ay saktong may tumatawag sa phone ko kaya sinagot ko ito.

"Hello" sagot ko habang papasok ng sasakyan.

"Love? Hey how's the food testing?" Tanong ni bea saakin. Haalata sa boses niya ang pagod at antok.

"It's fine love sobrang busog ako sa food testing worth it. Galing talaga ni Ate Ly" sabi ko at iniloudspeak ang phone para makapag drive na ako.

"That's good to hear. I'm sorry if I wasn't able to accompany you, sobrang dami------" di ko na isys pinatapos magsalita dahil sumabat na ako

"Love naman diba sabi ko sayo okay lang? I understand naman eh para saatin naman yang ginagawa mo. At alam ko din naman na busy ka din sa invitations kaya naiintindihan ko."sabi ko at narinig ko nalang ang pag buntong hininga niya.

"Imissyou" mahina pero rinig kong bulong niya.

"Imissyoutoo. Parang pagod ka ah? Mag pahinga ka muna kaya?" Sabi ko at nagsimula na mag drive

"Yeah but I'm fine nakausap na kita eh. Seeyou sa condo love. Iloveyousomuch always remember that" napangiti nalang ako dahil kinikilig pa rin ako kapag naririnig kong sinasabi niyang mahal niya ako.

"Iloveyoutoo po. Para kang ewan beh wag ka ngang ganyan parang iiwan mo naman ako eh" sabi ko at narinig ko nalang ang pagtawa niya.

"I'm sorry beh. Pero I assure you na hindi kita iiwan. Sige na i'll hung up na para makauwi akong maaga. Bye love! Drive safely! Iloveyou" sabi niya at ibinaba ang tawag.

Napailing nalang ako at nag focus sa pagddrive.

Biglang may tumawag ulit saakin at nagtaka ako dahil si Mika ito.

Kahit nagtataka ay sinagot ko ito.

"Hello? Mika? Bakit ka napatawag?" Tanong ko ng masagot ko ang tawag. Itinigil ko ang sasakyan ng mag red light.

"H-hello ate Jho? Nasaan ka na? Nakauwi ka na ba?" Tanong niya kaya napakunot ang noo ko.

Bakit niya naman tinatanong?

"Pauwi palang ako miks eh. Bakit mo natanong?" Tanong ko at pinaandar na muli ang sasakyan.

"Ahh kasi ate catch up sana tayo since nagkita naman na tayo kanina eh pleaseee" sabi niya kaya napaisip ako.

Si nico lant naman ang ayaw kong makita eh. Okay lang naman ako sa family niya. Nagsorry pa nga sila sa ginawa ni Nico.

"Sige miks. Kita nalang tayo sa UPTC okay lang?" Sabi ko at pinakinggan ang kabilang linya dahil naging maingsy ito.

"Ahh sige ate jho! Thankyou seeyou!" Masayang sabi ni Mika at binaba na ang tawag.

Napailing nalang ako at iniliko ang sasakyan para baybayin ang UPTC.

Nang makarating akong UPTC ay nag park agad ako at nagtext kay Mika na andito na ako.

Naisipan ko ring itext si bea para kahit papano alam niyang di pa ako uuwi.

Maaga pa naman eh 2 pm palang naman kaya may time pa ako para makipag catch up kay Mika.

To: Love♥️
Love, tumawag kasi si Mika sakin yung kapatid ni Nico gusto makipagkita. Pinagbigyan ko na kasi wala naman akong gagawin sa condo. Promise di ako late uuwi and behave ako. Iloeyou! 😘

Sent!

Nang maitext ko si bea ay pumasok na ako sa loob at nag order ng milktea habang hinihintay si Mika.

Maya maya lang ay nag text si Mika na nasa UPTC na siya kaya sinabi ko kung nasaan ako. Sakto din na nagreply si bea.

From: Love♥️
Okay. Takecare love. Update me if nandyan si Nico pupuntahan agad kita. Iloveyoutoo!

Napangiti nalang ako dahil ang possessive ng fiancé ko. Nireplyan ko naman at pagkatapos ay saktong dating ni Mika.

"Hi Ate Jho" ngiting bati niya st niyakap ulit ako. Kanina lang nagkita kami ah?

Niyakap ko nalang pabalik dahil aaminin kong namiss ko din ito.

"Upo ka miks. Teka anong gusto mo? Order lang ako" sabi ko at tinaas sng kamay para makuha ang atensyon ng waiter.

"Ano nalang sakin ate Cookies 'n Cream frappe and chocolate cake" nakangiting sabi ni mika at sinabi iyon sa waiter.

Nang makaalis ang waiter ay nginitian ko si Mika.

"Ikaw kumusta ka? Ang laki laki mo na ah siguro may boyfriend kana" asar ko sakanya at namula naman siya.

"Si ate Jho talaga mapagbiro pa rin" nahihiya niyang sabi kaya natawa ako.

"Joke lang binibiro lang kita. Pero kumusta ka? Kayo nila tito?" Tanong ko sakanya at umayos ng upo.

Bago pa man siya makapag salita ay dumating ang order namin. Nang mailapag ng waiter ang order namin ay nagsalita na si Mika.

"Okay naman po ako ate sina dad din okay lsng. Busy sa pagsalba company naming nalulugi" malungkot na sabi ni mika kaya hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito.

Nabalitaan ko din kasing nalulugi na ang kompanya nila dahil sa mga illegal transactions na napasukan ni Nico. Yung mga investors nila nagsi pull out ng mga shares nila kaya siguro problemado sila.

"I'm sorry hindi ko sinasadya" sabi ko st binigyan lang ako ni Mika ng maliit na ngiti.

"Ikaw ate kumusta? Kumusta kayo ni ate bea?" Tanong niya kaya napangiti ako.

Bea and Mika are close din kasi. Mahilig sa bata si bea diba kaya nakapalagayan niya ng loob si Mika. Parang kapatid niya na nga si Mika kung ituring eh.

"Okay lang naman kami medyo busy sa preparation para sa kasal" nakangiting sabi ko sakanya . Tumango tango naman siya sakin habang nakangiti.

"I'm happy ate jho that finally magse-settle na kayo ni ate bea congrats in advance" sabi niya at lumapit sa pwesto ko at niyakap ako.

Napakasweet talaga ng batang ito hindi gaya ng kuya niyang ang gago.

"Thanks Miks." Masayang sabi ko sakanya ng bumitaw sa yakap. Bumalik naman siya sa pwesto niya at uminom ng frappe niya.

Nagshopping, nanood ng sine at nagkwentuhan lang kami ni Mika hanggang sa magpaalam siyang uuwi na siya dahil hanap na siya sakanila.

"Bye ate jho! Thankyou kasi pumayag kang magkita tayo. Hindi ko alam kung kailan ang susunod pero alam kong Mrs. De Leon kana niyan. I'm so happy for you ate. Pasabi kay ate bea kumusta hehe bye ate ingat!" Paalam niya at sumakay na sa sasakyan nila dahil naghihintay na ang driver nila.

Kumaway lang ako sakanya hanggang sa makaalis sila. Nang di ko na makita ang sinasakyan nila ay pumunta na akong sasakyan at nagdrive na pauwing condo.

At dahil nasa Pilipinas tayo ay di nawawala ang traffic kaya naman kinuha ko muna ang phone ko at nagcheck kung merong message si bea pero waa kaya hinayaan ko nalang. Busy pa siguro.

Nag focus nalang ako sa pagddrive at nang makarating sa building ng condo ay ipinark ko ang sasakyan at pumunta na sa condo namin ni bea.

Pagkarating ko sa loob ng condo ay nagpalit ako ng damit at nag check ng pwedeng iluto kay bea. May chicken doon kaya iyon ang kinuha ko at naisipan kong magluto ng adobo. Tagal ko na ding di nakakapagluto nito para kay bea.

Inayos ko naman ang mga kailangan at sinimulan na ang pagluluto. Pagkatapos ay inilagay ko ito sa bowl at tinakpan.

Tinignan ko ang oras at 6:30pm na. Alam kong ganitong oras pauwi na si bea kaya naman umupo ako sa sala at nag phone lang.

Nag IG lang ako at ng ma boring ay sinira ko na lang ang phone ko. Nilapag ko ang phone ko sa mesa at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

Nagising nalang ako dahil nakita ko sa wall clock na 9pm na.

Di man lang ako ginising ni bea.

"Bei?" Tawag ko sakanya pero walang nagsasalita.

"Love asan ka?"tawag kong muli pero wala pa ring nagsasalita.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may message si bea pero wala.

"Hindi naman yun ganun eh, lagi naman yun nagsasabi kapag late siya makakauwi" bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa phone ko.

Inilapag ko ang phone ko sa may mga picture frames namin ni bea at kumuha ng tubig dahil nauuhaw na ako.

Nang makainom ako ay ilalapag ko na sana ang baso ngunit nadulas ito sa kamay ko kaya naman nabasag ito.

Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya nagpanic ako at biglang pumasok sa isip ko si bea.

"Relax jhoana walang mangyayaring masama kay bea" pagkukumbinsi ko sa sarili ko. Ilang beses akong huminga ng malalim bago inayos ang nabasag na baso at itinapon ito sa basurahan.

Nang matapos ako ay bumalik akong sala at kinuha ang phone ko para icontact si bea pero ring lang ito ng ring.

Beatriz asan kaba?

Sobrang nag aalala na ako. Hindi naman kasi siya ganyan. Ito yung unang beses na hindi siya nag paalam kung nasaan siya.

Tinawagan ko naman si tita det para itanong kung nasa kanila si bea.

"Hello jho anak? Bakit?" Sagot ni tita det napakagat ako ng labi ko dahil halata sa boses niyang galing siya sa pagtulog.

"Hi tita. Naistorbo ko po ba tulog niyo? Hehe sorry po" sabi ko at narinig ko at mahinang pagtawa niya.

"It's okay ano ka ba. Bakit ka nga pala napatawag?" Tanong niya kaya napabuntong hininga ako.

"Tatanong ko po sana kung nandyan si bea? Kanina pa po kasi isya hindi umuuwi. Tinatawagan ko naman po pero di sumasagot. Nagbabakasali lang po na nandyan siya" sabi ko at huminga ng malalim.

"Huh? Eh kanina pa yun umalis ng office eh. Pagpunta ko dun kanina dapat kakain kami pero sabi niya she's going to surprise you kaya di ko na kinulit. Pero kung di pa kayo nagkikita? Asan siya?"sabi ni tita kaya di ko mapigilan na mas kabahan.

"Ahh sige po tita. Tanong ko nalang po sa mga friends niya baka kasama. Sige po goodnight sorry po sa istorbo. " Sabi ko at binaba na ang tawag. Napailing nalang ako at sinubukang tawagan si bea pero gaya ng dati ay ring lang ito ng ring.

Bigla namang may nagdoorbell katya pumihit ako pero aksidente kong natabig ang picture ni bea.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at ilang segundo itong tinignan. Kung di pa siguro malakas yung pagdoorbell ay di ako makakabalik sa wisyo.

Pinulot ko muna ang picture ni bea at nilagay ito sa gilid pagkatapos ay naglakad ako para buksan ang pinto ng condo.

Nabigla naman ako dahil isang delivery boy ang nasa labas ng condo.

"Bakit po? May kailangan kayo?" Tanong ko at tuamngo naman ang delivery boy.

"Ahh yes maam. Nandyan po ba siMiss Jho Maraguinot?. Ikaw po ba yun?" Tanong niya kaya tumango tango naman ako at binigay niya saakin ang paper bag.

"Teka kanino to galing?" Tanong ko pero umiling lang siya.

"Sorry maam di paedeng sabihin eh nasa rules po namin yan." Sabi ng delivery boy at nagpaalam na saaking aalis na.

Pumasok na ako at umupo sa sofa at binuksan ang laman ng paper bag.

Nabigla naman ako dahil isang letter ang nandito. Hindi ko na muna ito binasa at mas lalo akong nagulat ng makakita ako ng picture.

Picture ni bea na sobrang duguan. Omg yan ang damit ni bea ibig sabihin ngayon lang yan.

Pero bakit? Paano ? Eh wala naman yang kaaway sa company eh.

Binasa ko naman ang letter na nakasulat at parang pinagsakluban ako ng langit at lupa.

Jhoana nasaakin ngayon si bea. Kung gusto mo pa siyang makitang humihinga st may malay pa. Puntahan mo kami sa lugar na itetext ko. Tandaan mo Jho wag na huwag kang magdadala ng mga pulis kung gusto mo pang maabutan ng buhay si bea.

-Nico

Pinunit ko naman ang papel at tinignan ang larawan ni bea.

"Please be safe love. Promise ililigtas kita. Kapit ka lang" bulong ko sa larawan ni bea na bugbog sarado.

Tinawagan ko na rin sina tita det at sinabi sakanila na kinuha ni nico si bea at nagmadali silang pumunta dito. Kahit sa team inupdate ko sila dahil alam kong nag aalala din sila.

Nang makarating sina tita det ay ikwinento ko sakanila lahat lahat ng nangyari ngayong araw.

"Tumawag na tayo ng mga pulis!" Sabi ni tito lmer pero pinigilan ko siya.

"Tito wag po. Kasi baka kung anong gawin niya kapag nalaman niyang may pulis akong kasama paano si bea?" Malungkot na sabi ko at mukhang natauhan naman si tito at tumabi saakin.

"Anong gagawin natin? Tutunganga nalang hanggang sa malaman natin na pinatay na pala ng lalaking yun si bea?" Sabi ni tito kaya umilingg ako

"No tito. Gusto ko po pagplanuhan natin ang gagawin natin dito. Gawin natin to para sa kaligtasan ni bea" tumango tango naman si tito na parang naiintindihan ang pinupunto ko.

"Ano ba naiisip mong plano jho?" Tanong saakin ni tita at hinawakan ang kamay ko.

"Kapag binigay na po saakin ni nico ang address ang gagawin ninyo po pumunta kayong presinto at isabi ang nangyari. Ako po pupunta doon. Susunod po kayo" sabi ko sakanila. Halata sa mukha nilang nag aalala sila kaya hinawakan ko ang kamay nila.

"Don't worry tito tita kaya ko po ang sarili ko. Alam kong hindi ako sasaktan ni nico dahil ako ang kailangan niya." assure ko sakanila at bumuntong hininga sila parehas.

"Okay pero please takecare of yourself. Alam kong di matutuwa si bea kapag nalaman niyang ganito ang naging desisyon mo." Sabi ni tito kaya tumango ako at ngumiti sakanila.

Tumayo na ako at nagpaalam para mag ayos ng sarili. Umalis na rin sina tita det at maghihintay nalang daw sila sa text ko na galing kay nico.

Habang kumukuha ng gamit ay may nakita akong box kaya kinuha ko ito at umupo sa kama. Nang buksan ko ito ay napalaki ang mata ko. Baril ni bea


Nandito kaming dalawa sa condo ni bea at nag aayos ng mga gamit. Kalilipat lang naming dalawa kaya medyo magulo pa ang condo namin. Ngayon lang kami nagkaroon ng time para mag ayos dahil parehas kaming walang trabaho.

Kinuha ko ang maliliit na box at ipinatong ito dahil ilalagay ko na sa cabinet. Ilalagay ko na sana ang mga box ng biglang nahulog ang isa at nahulog ang laman nito.

Nabigla naman ako dahil baril ang loob ng box.
Kinuha ko ito at tinitigan. I know how to use this dahil kay bea. Simula kasi nung muntik na akong ma rape ni Nico sinabihan niya ako na dapat daw marunong akong dipensahan ang sarili ko. Kaya naman tinuruan niya ako kung paano humawak at bumaril.

"Love what do you---" di niya natapos ang sasbaihin dahil nakita niyang hawak hawak ko ang baril niya.

Lumapit siya saakin at umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang baril at inilagay ito sa box niya

"Bakit meron ka niyan?" Tanong ko habang nakatingin sakanya.

Isinara niya naman ang box na may lamang baril at itinabi ito bago tumingin saakin.

"Babe, for protection lang ito okay? I won't use it naman kung di kailangan. Don't worry ngayong safe na tayo itatago na siya sa closet okay? " Sabi niiya at hinalikan ang noo ko.

Hindi nalang ako nag salita at niyakap nalang siya.





Maybe this is the right time to use it. Pero sa pagkakataong ito hindi si bea ang gagamit kundi ako. Kinuha ko ito at inilagay sa likod ng pantalon ko.

Kumuha din ako ng jacket dahil malamig sa labas. Maya maya lang ay tumunog ang phone ko at dali daling kinuha ito.

From: Unknown number
Pumunta ka sa 0813 Banana St. Parañaque City. May abandoned building sa may dulo ng eskenita pumasok ka. Siguraduhin mong wala kang kasamang pulis kung hindi patay to.

Napatiim bagang nalang ako sa nabasa ko at ifinorward ito kina tita det. Kinuha ko na ang susi at lumabas ng condo.

Pagkababa ko ay tinext ko si Thirdy kung saan ako pupunta. Close kami ni thirdy at nung nalaman niyang dinukot ni nico si bea ay nagmadali siyang umuwi sa Manila dahil kay bea. Bestfriends din kasi sila eh.

Sumakay na ako sa kotse at pinaharurot na ito papuntang parañaque.

Please wait for me babe.

Continue Reading

You'll Also Like

195K 5.7K 73
"Oh, it's Good to be True If our Hopes and Dreams Come True Wish that I had More Of this Borrowed Time If only it would Last a Lifetime" How on Eart...
169K 1.9K 77
Maaari pa kayang maibalik ang dating pagsasama ng dalawang taong minsan ng nasaktan ng sobra?
140K 3.2K 58
this story is all about sa 5 mag kakaibigan na mahuhulog sa iisang girl. masisira kaya ang friendship nila dahil lang sa nahulog sila sa iisang girl...
155K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...