Chapter 70

2.6K 30 9
                                    

Jho's POV

Ang bawat nilalang na may buhay ay minsan lang dadaan dito sa mundong ibabaw. Ang pinakamahalagang biyaya na natanggap natin mula sa ating dakilang lumikha ay ang ating buhay.

Tayo ay ginawa ng Diyos na pantay-pantay sa kanyang paningin. Magkaiba man ang ating kulay, anyo, at hubog ng pangangatawan, lahat tayo ay pare-pareho lamang.

Makulay, mahirap at puno ng pagsubok ang buhay. Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang uri ng buhay na tinatahak.

Katulad ko, madami na akong pinagdaan sa aking buhay. Kasiyahan, kalungkutan at kabiguan. Lahat Lahat ng ito ay humubog saaking pagkatao. Lahat ng aking pinagdaanan ay nakuhaan ko ng leksyon na aking magagamit pagdating ng panahon.

Sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan ko ang sobrang tumatak sa isipan ko ay huwag matakot ipaglaban ang tunay na nararamdaman. Hindi natin hawak ang ating buhay. Anytime pwede itong bawiin ng Diyos saatin kaya wag nating sayangin ang oras at panahon.

"Earth to Jhoana! Earth to Jhoana!" Bigla akong napabalik sa aking sarili dahil sa paghampas sa mesa ng kasama ko.

"Ano nga ulit yun?" Sabi ko at inirapan niya ako kaya naman natawa ako.

"Kanina pa ako talak ng talak dito tapos hindi ka naman pala nakikinig. Kainis" sabi niya at halata sa mukha ang pagkairita. Napailing nalang ako at tinawanan siya.

"Sorry na nga diba, ano ba kasi sinasabi mo?" Tanong ko habang natatawa inirapan niya naman ako at sinabunutan ang kanyang sarili.

"Ughh! Kainis ka talaga! Ang sabi ko nagtext na saakin si Jia. Tinatadtad na ako ng text kung asan kana daw baka mamaya patayin ako nitong babaeng to." Sabi niya habang umiirap pa at halata sa mukha ang inis.

Natatawa ako dahil sa itsura niya.

"Pls stop laughing jho. Answer your phone! Kanina pa siya tumatawag!" Iritang sabi niya kaya mabilis kong kinuha ang phone ko at saktong tumatawag nga si Jia.

Tumingin muna ako sa kasama ko at inirapan niya ako kaya natawa akong muli.

"Myghad bes! Akala ko kung ano na ginawa sa'yo ng pangit nayan!" Sabi ni jia pagkasagot ko ng tawag. Tumingin ako sa kasama ko at natawa. Napakabad talaga ng bibig ni jia kapag galit.

"Sorry na. Nakasilent kasi ang phone ko eh kaya di ko agad nasagot. Bakit ka napatawag?" Sabi ko at sumipsip sa frappe na inorder ko.

"Anong oras ka pupunta dun?" Tanong niya na nagpatahimik saakin. Matagal naa din ang huli kong dalaw doon. Kumusta na kaya sila? Miss na miss ko na din sina tito.

"Di ko pa alam bes pero pupunta ako. Baka magalit sakin yun pag di ako pumunta eh" natatawang sabi ko at narinig ko pa ang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Dapat lang noh! Nakuuu pagnalaman nilang kasama mo yan lagot ka talaga jho" sabi ni jia kaya natawa ako.

"Para nag catch up lang eh. Patapos na rin naman kami. Sige na bes baba ko na promise punta ako dun. Ingat love you! Bye!" Sabi ko at binaba na ang tawag.

Binalik ko ang phone ko sa bag at tumingin sa kasama ko na nakataas ang kilay.

"Alam mo tigil tigilan mo. Hindi bagay sa'yo nakakasuka" sabi ko habang natatawa. Natawa nalang din siya sa sinabi ko at napailing iling.

"Pano mukhang kailangan kana dun at may pupuntahan din naman ako kaya kailangan ko na din umalis." Sabi niya kaya nginitian ko siya ng mapang-asar.

Huling Sandali (Jhobea)Where stories live. Discover now