THE COLDEST (in major revisio...

By JannaMaePH

719K 13.2K 1K

GENRE: Action, Gangster, School, Secrets, GangLand, GangMaster. Two groups of handsome men carrying extraordi... More

THE COLDEST
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III Flashbacks of how they met. (MACAU escapade)
Kabanata IV. HEIRS OF MILITARY FAMILIES
Kabanata V.
Kabanata VI. Team A vs B and the Mystery Girl
Kabanata VII. Who's M2, the traitor?; And the preparation for Charity's Bday.
Kabanata VIII.
Kabanata IX. The INCIDENT.
Kabanata X. Indenial Stage at YZ Gym.
Kabanata XI. I can feel you, Zai.
Kabanata XII. The half reason why SHE'S COLD.
Kabanata XIII. The PAST
Kabanata XIV. She's still the same. ; FLAMES.
Kabanata XV. Aja Ace! AJA! ^___^//
Kabanata XVI. SVU Memorial Hospital
Kabanata XVII. Hospital PART 2
Kabanata XVIII. The ACQUAINTANCE
Kabanata XIX The ACQUAINTANCE PART 2
Kabanata XX. The ACQUAINTANCE PART 3
Kabanata XXI. The TRANFEREES
Kabanata XXII. The TRANSFEREES PART 2
Kabanata XXIII. The UNEXPECTED VISITORS
Kabanata XXIV. UNEXPECTED VISITORS Part 2
Kabanata XXV. UNEXPECTED VISITORS PART 3.
Kabanata XXVI. Strange Call and Threat.
Kabanata XXVII. THE MAFIA HEIRESS Childhood
Kabanata XXVIII. PICTURES SOLD.
Kabanata XXIX Argumentum & Momentum
Kabanata 32 ANG PAGTITIPON
Kabanata 33 Juniper, ang bagong transferee and THE THRUTH.
Kabanata 34 ANG PAGKABALISA ni YUE.
Kabanata 35 QUEZON PROVINCE FIELDTRIP
Kabanata 36 THE CAVE and THE STRANGERS.
Kabanata 37 Renz's Hidden Feelings
Kabanata 38 HEAVEN and HELL.
Kabanata 39: THE RETURN
KABANATA 40 LOTTO
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 Ang pagdating ng ilang gangster, capo at reaper.
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Kabanata 44 He loves me? He loves me not?

7.1K 146 17
By JannaMaePH

Zai's POV

Matapos ang pakikipag-usap ko kay Novu ay humahangos na dumating si Nyx sa kinaroroonan ko dito sa parking lot. Mataman ko lang syang tinignan habang papalapit sya sa akin.

"Zai! Omegesh! Nasira ang beauty ko pagtakbo. Kasalanan 'to ng Hopeless na 'yon e." wari'y pinupunasan nya ang mga butil ng pawis na tumulo sa mukha nya at maarte nyang hinahawi ang buhok nyang medyo nagulo.

Hindi naman ako sumagot bagkus ay ibinalik kong muli ang helmet sa motor ko at sinukbit ang bag ko.

"Zai naman! Saan ka pupunta?" wika ni Nyx.

"Pupunta na sa classroom." sagot ko habang naglalakad ng palayo.

"Ano ka ba bakla ka! Sinundo nga kita tapos iiwan mo lang ako. Ang bilis bilis mo pang lumakad. Bagalan mo naman." pagrereklamo nya. Mabilis na ba 'to? Napaisip ako. Matangkad kasi ako kaya medyo malalaki ang hakbang ko. Akala lang nya mabilis. "Palibhasa mas mukha pa akong girl sa'yo. Hmp!" tinignan nya ako mula ulo hanggang paa sabay taas ng isang kilay nya. "Lumamang ka lang talaga ng ganda sa akin. Huhuhu. Huwaaaaaaay! Oh Lord! Sana girl na lang din ako." at pinaghahampas nya ang mga halamang nadadaanan namin.

Kakaiba na ang isang 'to. Nahahawa na kay Hope. Malakas talaga ang toxin non sa katawan. At ang toxin na 'yon ay poisonous at mabilis makahawa. Tsk.

"Zai ha.. ayan ka na naman sa mga tingin mong yan ha. Baka akala mo naiinggit ako pwes..

OO NA! Huhuhu." at pinagbubunot nya ang mga dahon ng halaman sabay pitas ng isang bulalak. Kunot noo akong napatingin sa kanya dahil bigla syang tumigil sa paglalakad at nagsimulang hugutin ang mga petals ng rosas na hawak nya.

"He loves me.." pitas sa isang petal.

"He loves me not.." pitas muli sa isa pa.

"He loves me.." at isa pa. Hanggang sa may matirang isang petal at ang huli nyang sinabi ay..

"HE LOVES MEEEEE! O MY GOOOOSH Zaaaaaai!" at animo'y nakuryente ang katawan nya sa galak at kulang na lang ay mag-cramping sya sa sobrang saya.

"Yaaaaah! Zai inlove sya sa akin. Weeeee!" masayang sabi nya.

"Sino ba sya?" tukoy ko sa taong inlove sa kanya.

"Sigurado ka ba gusto mong malaman?" tanong nya at inilapit ang mukha sa akin.

"Ahm. Itatanong ko ba kung hindi?" malumanay na wika ko.

"Ay oo nga naman.. Hahaha! Kaya lang baka magselos ka e.."animo'y hindi mapakaling utas nya.

Kunot noo akong napatingin sa kanya. Bakit naman ako magseselos? "Kung ayaw mong sabihin ayos lang.." utas ko at muling nagtuloy sa paglalakad.

"Waaaaaait! Ang maswerteng lalaking tinutukoy ko ay ang gwapong gwapong si fafa ACE! Eeeeek!" kilig na kilig na sambit nya. At bigla akong napatigil sa paglakad. Onti-onti akong napabaling sa kanya at hindi namalayang salubong na pala ang dalawang kilay ko.

"Ooooooy. Selooooos.. Aminin..." tukso ni Nyx sa akin at tinusok tusok ang leeg ko gamit ang hintuturo nya. "Salubong ang kilay mo. Wag ka ng tumanggi. Kulang na lang magbahay-kubo yang mga kilay mo." impit syang napahagikgik.

"Tsk."

"Oy Zai ikukwento ko ito kay Hope. At speaking of Hope iniintay nya pala tayo sa canteen." pagbibigay alam nya. Kaya naman iniba ko ang direksyon ko at nagtungo sa canteen.

Tsk. Salubong ba talaga ang mga kilay ko? Tsh..

Dirediretso na akong lumakad kasunod si Nyx na ang ngiti ay abot tenga. Parang baliw.. Hindi ko alam kung hinuhuli nya ba ako o may iba syang intensyon.

Nang makarating kami sa canteen ay andon na nga si Hope at kumakain na. "Grabe Hopeless, hindi mo talaga kami hinintay noh?" Ani Nyx at pabagsak na umupo sa silya.

"Gutom na ko bakla e. Ang tagal nyo kasi.. Teka bakit ba ang tagal nyo?" Curious na tanong ni Hope habang ngumunguya pa.

"Eww Hope 'yong kinakain mo tumatalsik oh. Aminin mo hindi ka pumasok nung tinuturo ang right manners at right conduct noh?" Pagtataray ni Nyx. Naupo na rin ako sa isang silya kaharap nila.

"Pumasok ako bakla kaya lang tulog ata ako non." Pagpapaliwanag ni Hope.

"Kaya pala wala kang manners!" Asik ni Nyx kay Hope at pinandilatan ito ng mata dahil tumalsik na ang iilang parte ng hotdog sandwich na kinakain ni Hope kay Nyx.

"Awts! Ang sakit mo magsalita bakla."

"Oo, at mas masasaktan ka pa kapag di ka tumigil kakasalita ng puno yang bibig mo. Ewws!" Nandidiring pinagpagan ni Nyx ang polo nya.

Pagkatapos non ay di na muna nagsalita si Hope hangga't di ubos ang pagkain nya. Ngunit ng matapos sya ay hindi nya rin napigilang hindi magsalita. "Oh ayan na. Wala ng laman ang bibig ko." Sambit nya kay Nyx na ngayon ay kakarating lang galing sa counter. Bumili sya ng egg sandwich para sa aming dalawa.

"Good for you. Ngayon kami naman ang kakain kaya manahimik ka dyan." Utas ni Nyx. "Oh Zai eto sa'yo kumain ka wag ka magdadiet baka lalo kang gumanda kesa sakin."

"Di ako maganda." Pagtanggi ko sa sinabi nya.

Napangiwi naman sya sa sagot kong iyon at tinitigan ako ng masama."Kung ang beauty mo ay di maganda, ano na lang 'yong akin? Asan ang hustisya? Haaa?" Animo'y humihingi ng himala sa langit na wika nya habang nakataas pa ang dalawang kamay.

"Ang drama mo na baklang Nyx. Kumain ka na muna kaya tapos ikwento mo sakin mamaya kung bakit kayo natagalan ni Zai pagpunta dito. Anong ginawa nyo sa daan?" Andon ang kuryosidad sa tono ni Hope na sya namang dahilan ng pagkaubo ni Nyx.

"Cough cough."

Agad syang pinalo ni Hope sa likod kulang na lang matanggal ang lungs ni Nyx. "Aray ko Hope! Kung makapalo ka naman akala ko bakal na yang kamay mo." Pagrereklamo ni Nyx. "Oh sya.. Ikwekwento ko na. Yieeeeee! Kinikilig aketch baklang Hope!" Anito kay Hope na animo'y kinikiliti.

"Talaga? Nakakakilig yan? Sige na bakla spill it." Excited namang wika ni Hope.

"Eto na nga. Nagmamadali ka e. Ikaw na lang magkwento gusto mo?" At nakatikim ng hampas si Nyx kay Hope. "Aray ko ha! Sumosobra ka na Hope." Pagbabanta ni Nyx.

"Baka kayo magkatuluyan sa huli." Sambit ko. At parang on cue ay bigla silang naduwak parehas.

"Gusto kong masukaaaaa!" Sigaw ni Nyx.

"Mas lalo naman ako! Una sa lahat mas maganda ako sa'yo. Pangalawa di tayo talo."

"Ah ganon? So pagandahan na naman ang labanan ganon?" Nakataas ang kilay na pagtataray ni Nyx. "Oh edi ikaw na. Che!" Ismid ni Nyx kay Hope.

"Kasi naman e.. Naiiba ang usapan e. Ano na nga 'yong nangyari kanina? Kwento ka na kasi bakla. Kung saan saan napupunta ang ikwekwento mo dapat e." Paninisi ni Hope.

"Eto kasing si Zai e sumingit di ko tuloy masimulan."

"Tsh. Wala kong kinalaman dyan." Pagtanggi ko at nagpanghalumbaba na lang sa lamesa.

"May kinalaman ka dito. Kaw nga 'yong laman ng ikwekwento ko e." Taas baba ang kilay na usal ni Nyx.

"Tsk." Kung bakit naman kasi natigilan ako bigla kanina. Tsh.

"Talaga? Kay Zai iikot ang kwento mo?" Curious na tanong ni Hope at masiglang nabuhayan ng diwa.

"Oo, kaya makinig kang mabuti. Yon nga naglalakad kami kanina noong sinundo ko sya. Tapos ang bilis nya maglakad bakla kainis nasira ang beauty ko."

"Mamaya ka na magkwento tungkol sa beauty mo 'yong kay Zai muna." Excited na sabi ni Hope interrupting Nyx.

"Bastos na 'to. Di na ginalang beauty ko. Oh well.. Ayon nga baklang Hope pumitas ako ng bulaklak at pinatas pitas ko 'yong mga petals tapos in the end..

HE LOVES ME SOOOO MUCH! Ang answer nung bulaklak! Isipin mo 'yon mahal nya ako. Mahal na mahal nya ako." With action pang kwento Nyx. Winagayway pa nya ang mga kamay at animo'y galak na galak.

"Sinong nagmamahal sa'yo? Yong bulaklak?" Sarkastikong usal ni Hope.

"Pft." Nais kong matawa ngunit pinigilan ko.

"Ayiiiie! Oh napangiti ko si Zai. Aminin mo Zai napangiti kita." Baling sa akin ni Nyx.

"Tsh."

"Oo nga, napangiti mo na rin si Zai bakla. Napangiti moooo." Masayang masayang sabi ni Hope habang nakatingin sa akin.

"Oo bakla, pero hindi ko maatim ang sinabi mong 'yong bulaklak ang nagmamahal sa akin dahil wala namang puso 'yon na tumitibok na kagaya ng sa akin." Puno ng emosyong wika ni Nyx.

"E kung ganon sino nga kasi?" Annoyed na tanong ni Hope.

"Sino pa edi si fafa Ace!!" Bulalas ni Nyx na halos nakaagaw na ng atensyon sa buong cafeteria.

"ANOOOOO?!" bulalas din ni Hope. Tsk. Ang iingay nila. Nakakaagaw na sila ng atensyon.

"Aalis na ako." Akmang tatayo na ako ng pigilan nila ako.

"Dito ka lang." Sabay nilang sambit. "Patapusin mo 'yong kwento."

"Tsk." Wala akong nagawa kundi ang maupong muli.

"Talaga ba bakla? Si Ace? E paano..." Nguso sa akin ni Hope. Alam ko na ang nais nyang iparating.

"Yon nga bakla. This is the exciting part ng banggitin ko ang pangalan ni fafa Ace natigilan ang maangas nating kaibigan."

"WHAT?! You mean..?"

"Uh-huh." Tumango tango si Nyx as if nagkakaintindihan silang dalawa.

"As in parang yelong nag-freeze?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Hope.

"Uh-huh." Muling sagot ni Nyx.

"OH-EM-EF-G! Kyaaaaaaah!" At ayon parang bulkang sumabog sa kilig si Hope.

"Tsk. Its nothing." Sambit ko.

"IT'S MORE THAN NOTHING." Sabay nilang sambit.

"And I think bakla she really like Aceeeeee." Kilig na kilig na usal ni Hope.

"CONFIRMED." May pinalidad na sambit ni Nyx.

They're insane.

Tsk.

itutuloy ..

Continue Reading

You'll Also Like

276K 13K 69
Started: December 14, 2020 Finished: February 1, 2021 UNEDITED! I'M STILL PLANNING TO EDIT IT AFTER I FINISH WRITING SUNRIDGE ACADEMY. THANK YOU. DON...
5M 178K 18
Erityian Tribes Novellas, Book #1 || As the war ended, another problem has arisen.
916K 32.1K 55
|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. Mafia Boss 3: My Bodyguard The last thing I knew was that he liv...
23.3M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.