She is Love <3

By SleepStalker

6.8K 162 81

Kung ganito si ganyan,paano kaya kung magkakaganito si ganon? Magiging ganon pa rin kaya si ganyan o magagawa... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 16

188 2 3
By SleepStalker

YUMI'S POV

Haaaaay. Ayos na rin yun at makakalibre ako. Gutom na rin naman ako eh. Hinintay ko na lang si Kyle sa tapat ng bahay namin. Ayoko nga siya pumasok di ba? After 15 minutes,dumating na din siya. Yung lower part ng damit niya e uniform namin tapos parang naka-civilian sa upper part. Parang ako lang. Haha. Exams na naman kasi mamaya di ba?

'Naks,hinintay mo ko babe.' O//u//O pambungad nya agad ang walang kamatayang babe na yan!

'Haha. May kotse ka pala.',sabi ko na lang para maiba naman usapan.

'Hindi hindi. Drawing lang to eh. O eto eraser,burahin mo dali. Hindi ba obvious Suarez?'

'Ang dami mo pang sinabi! Para kang babae,alam mo yun? Tara na nga. Gutom na ko!'

'Teka,dalhin mo na gamit mo sa school. Mag-lunch na rin tayo tapos sabay na tayo pumasok. Hihintayin kita dito sa labas.',at pumasok na siya ng kotse niya. Grabe lang. Ang saya ng buhay ko. Lahat desisyon ko. Tss. Pero sumunod na rin ako. Wala naman akong magagawa eh.

After ilang minuto nakabalik na ko.

'Tagal mo ha.',sabi ni Kyle.

'Sorry naman ha.',pang-asar naman neto.

'Sakay na. Ano bang itinatayo mo jan sa labas?'

'Oo,eto na nga po oh.' Ano pa nga ba? Masunurin ko talaga. Dapat talaga ako yung gumanap dun sa movie ni Anne Hathaway na Ella Enchanted eh. Baka nung baby ako may fairy din na nagbigay na pagiging masunurin ko. Corny ko na. Grabe.

'San tayo?',tanong ko.

'Sa Doggpound na lang. Mahilig ka ba sa burger?',tanong ni Kyle.

'Doggpound? Di ko alam yun ah. Um,kahit ano naman kakainin ko.'

'Kahit bato?',tanong ni Kyle.

'Try me.'

'HAHAHA. Nandito na tayo.',malapit lang pala yung Doggpound. 

Umorder kami ng mga burger tsaka fries siyempre. Yun yung specialty nila eh. Favorite ko na yung King James. Ang sarap. Imagine naman,super creamy nung cheese tapos may bacon at real beef patty tapos ang sarap nung tinapay ng burger nila. Bihira yun ah!

'Mukang di ka pa nga kumakain ah. Masarap no?',tanong ni Kyle.

'Sorry ha. Mahirap lang ako e. Buti may mabubuting mayayaman na katulad mo. Chos. Oo,masarap nga. Sulit!'

'Sulit? E hindi naman ikaw nagbayad,malamang sulit yan no!'

'Kaya nga! Sulit nga! Hina nito.'

After 5 minutes,tapos na ko kumain. Ang takaw takaw ko lang. Ngayon lang ulit ako nabusog ng ganito. Thank you Lord! TTuTT

Next stop namin ang SM. Kasi daw may kailangan siyang bilhing dress at feeling niya matutulungan ko siya sa pagpili. Magkasing-katawan daw kasi kami ng ate niya,e kailangan niya ng gift. Kaya nasa mga stalls kami ng kung anu-anong brand. Mahal yung mga damit. Nakita ko na kanina yung tag. Ayoko na sila hawakan. Mas mahal pa ang isang damit dito kesa sa mga damit kong pinagsama-sama.

'Suarez,o eto. I-try mo to lahat tapos titingnan ko kung bagay.'

'Sir,yes sir!'

Yung unang damit,ayoko nung itsura. Muka akong slut. Tapos yung sunod muka naman akong trying hard na mag-dress. Nakakairita na. Wala bang bagay sakin? Ganon na ba ko kapangit? O baka hindi lang talaga ako hiyang sa mamahaling mga damit? Bakit naman kasi napasama pa ko sa trip ni Kyle. Lumabas na ko ng fitting room. Ito na yung last na napili ni Kyle na damit para sa ate niya. Ayoko na talaga. Basta ko na lang sinuot at lumabas. 

'Oh Kyle! Last na to. Ayoko na isukat yung ibang dress!',sabi ko habang nakatitig lang si Kyle.

'Um,hindi na kailangan. Tara bayaran ko na.'

Whoa. Coincidence o sadyang ginagaya lang ng author ang mga korean drama o kaya kung ano mang kabaduyan minsan ng mga palabas at kwento? Joke. Sa wakas,may napili rin siya. Dapat talaga pakainin niya ko sa ginagawa niyang pang-aalila sakin! 

Pagkatapos naming bayaran. Kung anu-ano na ang pinag-usapan namin. Hay,exam na naman mamaya. Tapos ako sobrang pinakakaisip ko yung isasagot sa exam ko tapos si Kyle,parang si Road Runner kung magsagot. Nakakaloko naman eh.

'Yumi,anong size ng paa mo?'

'Seven,bakit?'

'Ano ba yan! Ang laki naman.',sabi ni Kyle.

'Wow sorry ha! Hindi ako si Lotus feet eh! Pakelam mo ba.'

'HAHA. San mo gusto kumain? Exam na naman mamaya. Handa ka na bang matalo?'

'Sus. Asa ka naman sakin! Baka ikaw ang matalo sa pustahan. Gusto ko sa Pizza Hut!',sabi ko lang yon pero never ko pang nataasan si Kyle sa exam,sa mga quiz lang ganon. At dahil nga baka matalo pa ko,lulubusin ko na tong panlilibre niya. O di ba may back-up plan kagad ako?

Habang nakain..

'Kyle,ilang taon na yung kapatid mo?',tanong ko sa kanya habang naglalaro siya sa phone niya. Ang tagal kasi nung food eh. Gutom na ko.

'Um,23 na. Bakit?'

'Wala lang. So,bunso ka?'

'Oo. Teka,bakit ba tanong ka ng tanong?'

'Gusto ko lang malaman. Tsaka ang pangit naman yata na yung kasama ko e hindi ko kilala di ba? Ang tagal na nating classmates!'

'Tss. Ang corny talaga ng mga babae.'

'Anong corny dun? Kayo kasing mga lalaki,ni hindi niyo man lang magawang kilalanin kaming mga babae. Kung bakit kami ganito at ganiyan at ganon. Alam mo yun?'

'Oo,kayo ay ganito,ganiyan at ganon. Gumaganon.gumaganyan at gumaganon. Ganyan ng ganyan. Ganon ng ganon. Tapos biglang ganito. Ganon nga di ba?'

'Ugh,ginugulo mo utak ko!! Whatever Ayala.' 

'San kayo nagse-celebrate ng Pasko?'.tanong niya. Anak mayaman talaga to. Malamang sa bahay lang namin,wala kaming mapupuntahang iba eh. Kapwa naman naghihirap mga kamag-anak ko.

'Sa bahay lang.'

'Talaga? Kung gusto mong magcelebrate sa ibang lugar naman? San mo gusto?'

'Hmm,hindi ko alam. Nasanay na kasi ako samin. Siguro sa EK o kaya sa beach o kaya dun sa may snow! Bakit? Ikaw ba? San ba kayo nagpa-Pasko?'

'Um..kung san san. O yan na ang order natin!'

Ang daya lang talaga ni Kyle minsan. Obvious na ayaw nyang pinag-uusapan yung tungkol sa sarili niya. Hay. Bakit kaya? Bitter past or baka ampon siya? Anak sa labas ng mga Ayala? Halaa,sino kaya y tatay niya? Mayayaman ang Ayala di ba? Pero syempre hindi naman lahat. Ano nga kaya?

Pagkatapos namin kumain,nagpalit na kami ng damit. Kailangan na naman pumasok eh. Sana nga madali lang yung exams mamaya. Dumerecho na kami ng school.

After 5 hours..

'Kapagod ang exam!',sabi ko. Namimiss ko na si Jess. Wala kasing makulit na ewan na problemado na maingay. Buti medyo nagiging close kami ni Kyle para naman hindi ako loner. Oo nga noh. Wala rin pala akong kaclose sa room namin bukod kay Jess.

'Oy Suarez. Kumusta exam? Last day na bukas. Huling araw mo na yun para matalo ako.'

'Madali lang. Multiple choice naman eh!',sabi ko lang yun pero nahirapan ako sa matching type.

'Haha. San ka ngayon?'

'Malamang uuwi na!',san pa ba ko pwede pumunta di ba?

'Tara mag-aral.',sabi ni Kyle. Ha? Kami daw mag-aaral?

'Group study?'

'Hmm,parang ganon kaso tayong dalawa lang. Tara sa apartment ko. Ako na bahala sa pagkain.'

tayong dalawa lang

tayong dalawa lang

tayong dalawa lang

tayong dalawa lang

YIIIIIIIIIEEEE~! Malalaman ko na yung sikreto niya sa pag-aaral! Kala niyo kinilig ako no? Okay,konti lang. #kalandianparin2012

'Sure. Tara na!',payag naman ako. Aba,syempre opportunity na to no!

Continue Reading