Apricity (Published under PSI...

By zaaaxy

1.2M 53.1K 26.7K

Saying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting... More

Apricity
Prelude
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21st
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
50th
Finale
To be published under PSICOM
Book Selling & Book Signing

9th

19.7K 885 298
By zaaaxy

My  own



"Wala na ba tayong nakalimutan?"


I passed the last carry-on to Elcid and he then loaded it to the car. Sinilip ko ang loob ng kotse upang pasadahan ng tingin ang mga naroon.


Tulad ng madalas, ang chevrolet express nila Davion ang gamit naming sasakyan. Aysen's already all set on the driver seat. Katabi niya si Aki na tulog na habang suot ang hoodie sa ulo.


Sa likod ay abala si Davion sa phone habang ang katabi niyang si Cal ay nakasandal sa backrest at naka-krus ang mga brasong natutulog. Alister on the other end of that row has his airpods on while looking outside the window.


Sa gitna at tapat ng nakabukas na pinto ay mag-isa namang nakapwesto si Rae sa tabi ng bintana sa dulo. Nang marinig ang pagsarado ni Elcid sa likod ng kotse ay pumasok na rin ako upang tabihan si Rae.


Sumunod naman si Elcid at pumwesto sa gilid ko. He then closed the car door on his side.


"Let's go,"


Elcid led a short prayer for a safe trip. Tuwing siya ang nagli-lead ng dasal ay tahimik talaga ang lahat. Walang nagtatangkang tumawa. It feels extra sacred when he's the one doing it. Maybe it has something to do with him being a sakristan. He used to be one until he's 18.


"Where's your tumbler?" aniya sakin, ilang minuto pagkaandar ng sasakyan.


Minwestra ko iyon sa hand-carry na nasa harap namin.


Tumango siya at kinuha iyon pati na ang lalagyan ng gamot ko sa bulsa ng bag. Hinanda nya iyon para sakin. He took one pill and uncapped the bottle of water before handing it to me.


"Thanks.." wika ko habang tinatanggap iyon. The tablet helps me a lot in preventing the nauseous feeling during a long ride.


Inangat ko ang ulo upang inumin ang gamot. Tumama ang mata ko sa rearview mirror habang nilalagok ang tubig. I caught Calcifer yawning from the back. Si Davion naman ay nakatutok pa rin sa phone habang ang isa pa sa gilid ay nakatanaw lang sa labas.


Napailing-iling ako habang sinasara ang inumin. Caspian Alister. The exact definition of walang pake sa mundo.


Nakalabas na kami sa subdivision nang buksan ni Aysen and stereo. He played Higa by Arthur Nery. You'll know it's from Aysen's playlist when it's OPM. He likes classics. Mahilig din siya sa Filipino bands like e-heads and rivermaya. Somewhat an old soul he is, you can say.


"Sandal ka sakin, Rae-rae. You sleepy?"


She turned to me with drowsy eyes and smiled faintly before leaning his head on my shoulder. Hindi nagtagal ay hinila na rin ako ng antok.


Naalimpungatan lamang ako nang mag-stop over kami. Nang imulat ko ang mata ay saktong hinihinto ni Aysen ang makina ng sasakyan. My gaze met his eyes on the rearview mirror.


"Restroom break,"


"Alright."


He gave me a small nod before stepping out of the car. Humikab ako at na-realize na sa kabilang side na naka-dantay ang ulo ni Rae. Marahil ay nangalay. I stretched a little saka ginala ang tingin sa mga kasama. Even Elcid was taking a nap.


Everyone else was also asleep actually. Except for one, though. Alister. Unlike earlier, his attention is now on his phone.


Napansin kong nasisinigan siya ng araw mula sa bintana.


Maingat akong pumihit at sinampa ang tuhod sa car seat. Lumuhod ako sa upuan namin paharap sa likod upang abutin ang bintana sa tabi ni Ali.


Ramdam ko ang pag-angat ng tingin niya sa ginawa ko. My eyes are directed on the window as I pulled the cover to block the sunlight.


Nang matapos ay saka lang dumapo sa kanya ang tingin ko. Naabutan ko ang mapanuri nyang mga mata.


That look again. The same arrogant stare. Para bang lagi nyang hinuhusgahan ang iba sa tingin nyang iyon. Hindi ko matukoy kung simpleng pagtataka ang nababanaag o sadyang kinukwestyon nya lahat ng bagay.


I sighed.


"The sunlight is hitting on you," I don't feel the need to explain but with the weight of his gaze, it seems like I have to.


Wala siyang sinabi. Ipinagkibit balikat ko iyon at bumaling sa mga kaibigang katabi niya.


Mukhang malalim ang tulog ng dalawa. I checked the aircon on their part. Inayos ko ang pagkakatapat noon sa kanila. Nilapit ko ang kamay sa pwesto nila Cal upang masigurong nakadirekta iyon sa kanila.


I also adjusted the one in front of Davion until I was satisfied. Bago pumihit pabalik sa pwesto ay saglit ko pang naabutan ang mata ni Ali. He gradually looked away.


Sa pag-ayos ko ng upo ay inayos ko na rin ang nakatalukbong na blanket kay Rae dahil bahagya na itong lumihis sa katawan niya. Sakto namang bumalik na rin si Aysen kaya't hindi nagtagal ay nagpatuloy na ang byahe namin.


Nakaramdam ako ng gutom kalaunan kaya't binuksan ko ang bag sa harap ko. Kumuha muna ko ng sandwich at isang bote ng juice saka bumaling sa likod.


Alister's eyes slowly turned to me. Nilahad ko sa kanya ang hawak.


"Have some snacks," alok ko.


Tumagal sakin ang titig niya bago tipid na umiling.


"I'm not hungry.." he simply said.


Bumuntong-hininga ako at napagtantong hindi nya talaga tatanggapin iyon kung hindi sya gutom. I merely shrugged then turned in front. Binalingan ko si Aysen.


"Sen, food?" I offered.


Tinapunan niya ko ng tingin sa rearview mirror at tipid na ngumiti.


"Drinks na lang, Einj.."


I quickly understood since he's driving. Tumango ako saka inabot ang inumin sa kaniya. He accepted it with his free hand while the other one is on the steering wheel.


Kumuha ako ng isa pa sa bag at pumihit ulit sa likod. This time, naabutan kong nakatingin na si Ali. Magaan iyon at agad ding lumipad sa bintana.


"Hey, refreshment na lang?" lahad ko ulit ng inumin. "Atleast hydrate yourself if you're not hungry,"


Dumapo sakin ang ngayo'y mabigat niyang tingin. Tumagal iyon nang ilang sandali bago niya inangat ang kamay upang tanggapin ang alok ko. I was more relieved than surprised.


Inabot kami ng apat na oras sa daan bago makarating sa Graceland Estates and Country Club. Agad na binusog ng luntiang paligid ang mga mata ko.


The place has a wide selection of nature-inspired amenities and activities. The view itself was already very relaxing and refreshing.


"Let's first settle our things in the rooms,"


Magkasama kami ni Rae sa silid kaya't sabay na kaming nagtungo roon. The luxury room has two king-sized beds. Kumpleto rin sa gamit at maganda ang tanawin mula sa glass window.


Bandang alas-dose nang lumabas kami para magtanghalian kasama ang iba. We ate in the garden cafe and grille restaurant within the area. Our activities are set to start in the afternoon so we're in no rush.


"Hey.. take care alright?" wika ko noong naghahanda na sila para sa gagawin. "Just have fun, okay?"


Obstacle course ang una sa schedule nila para sa hapong ito. Ang malaking inflatable set-up ay kanina pa nakalatag sa malawak na field.


"Ano bang prize pag nanalo?"


"Basta." sabi ko kahit wala naman.


The staff said that we can divide the team into 2 groups but I opted on having them play as one. Tutal ay iyon naman ang pinunta namin dito. Gusto kong masanay sila sa isa't isa. To work and team up together.


"Ah shit," halakhak ni Cal sa kalagitnaan. "Saya pala nito?"


Nanonood lang kami ni Rae sa gilid pero ako mismo ay hindi mapakali. Maingat akong nakamasid sa kanila.


"Y'all, chill!" Cal yelled while he seems to be having the time of his life. Parang bata. "Take it easy! Ba't nagmamadali kayo?" he chuckled.


Nangunguna sina Aysen habang nasa huli naman sina Calcifer at si Davion na hindi ko alam kung tinatamad na naman o ano.


Si Ali ang unang nakarating sa station kung saan may puzzle silang kailangan buo-in nang sama-sama. I saw him assemble it by himself. He looks so absorbed in what he's doing.


Sunod na dumating doon si Elcid. He was about to hover on the puzzle but Alister unconsciously dodged him by his back. Masyado itong okupado sa ginagawa at tila hindi man lang namalayan ang paglapit ni Elcid.


Napaawang ang labi ko.


Bahagyang napaatras si Elcid sa pagbanggang iyon. I can see his brows furrowing even from afar. He clenched his jaw and attempted to get involved again.


Lumapit siya para abutin ang puzzle pieces nang hulihin ni Ali ang palapulsuhan niya upang pigilan.


Nanlaki ang mata ko.


"Ate Einj.." I heard Rae's shaky voice.


Kahit malayo ay tila ramdam ko ang higpit ng hawak na iyon. Ni hindi man lang nilingon ni Ali si Elcid nang ilayo niya ang kamay nito sa ginagawa niya. Napanganga ako. Elcid looks as appalled as me.


"Bakit.. niya.." miski si Rae ay halos pagpawisan na sa tabi ko.


Napakurap-kurap ako nang tuluyan nang matapos ni Alister and puzzle. Completely oblivious of everything around him. Akmang hahakbang na sya patungo sa sunod na station nang pigilan siya ni Elcid.


I can feel that he's enraged, which rarely happens— that's why it's more scary. His eyes were blazing.


"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tiim-bagang nito.


"Shit.." I ran towards where they are. Ramdam ko ang pagsunod ni Rae sakin.


"Ali," nakalapit na rin si Aysen pati na si Aki sa kanila. "We're supposed to do that one all together."


Humarap si Alister sa kanila.


Question was evident in his eyes.


"Kaya ko naman nang mag-isa." he said.


"Tss," Elcid sarcastically sneered.


"Men.." si Cal ay dumating na rin, dala pa ang salbabida mula sa pinanggalingang station. "You don't have to suffer alone when we're literally right here with you,"


Ali's forehead knotted a bit.


"I didn't suffer. It's easy."


Davion still managed to fucking chuckle at the situation. Kahit pa wala namang bakas ng sarkasmo sa boses ni Alister.


"You don't get it, do you?" Elcid exhaled heavily.


Humarap siya kay Ali at binigyan ito ng nanunukat na tingin.


"This task was supposed to be done as a group. Not just by you." Elcid put an emphasis on every fricking word. "Ano bang tingin mo sa sarili mo? Na kaya mo lahat nang mag-isa? Na hindi mo kailangan ng tulong ng iba?"


Dumilim ang ekspresyon ni Alister.


He clenched his jaw.


"I can manage things on my own. I don't need anyone else to do them for me." mariing wika niya bago tumalikod at galit na naglakad papalayo.














Continue Reading

You'll Also Like

28.2K 1.1K 25
[epistolary] Two celebrities, doing their job just for the public, will eventually change into something that will make them feel what love truly is...
7.4M 203K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
22.8K 371 152
Ex. Former lover. Past. Hindi na dapat binabalikan. That's how Simone defines Ethan, her batchmate in law school and unfortunately, her ex--who is no...
586K 21.2K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...