A Hopeless Wind (NEUST Series...

By JdAnnnnn

92.4K 2.4K 204

| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is j... More

Warning!
A Hopeless Wind
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
For You
Author's Note

Chapter 21

1.8K 52 1
By JdAnnnnn

It was ten-forty-five in the evening but until now I'm just gawking at the screen of my laptop, I can't even start typing any words for my lesson's PowerPoint.

Sumandal ako sa upuan na gawa sa semento, napahilot ako sa aking sintido at napatitig sa madilim na kalangitan. Jranillo's eyes flashed in my mind again. Napahawak ako sa aking dibdib upang damhin ang mabilis na tibok nito.

"I shouldn't let myself feel this," bulong ko sa aking sarili, but then seeing him again made a lot of questions awaken in my mind again.

Ano kaya ang mga ginawa niya sa buhay niya sa mga nakalipas na taon? Oh! he's out of the province. Nasapo ko ang aking noo, it so frustrating, sana ay hindi ko na lamang siya nakita kanina.

"Hulya, anak." Napalingon ako kay Nanay.

"Sinilip ko ang kwarto mo, pero hindi ka pa pala natutulog, ang sabi ko na nga ba at nandito ka sa rooftop. Ano ba iyang ginagawa mo?" Lumapit siya sa akin, ngumiti naman ako sa kaniya.

"Powerpoint po, para sa bagong lesson ng mga estudyante ko." Napatitig siya sa laptop.

"Wala ka pa nauumpisahan, mahirap ba?" Napakagat ako sa ibaba ng aking labi.

"H-Hindi naman po, hirap lang ako makapag-focus," tugon ko, hinaplos niya ang aking buhok.

"It is because of him? Nagkita ba kayo?" Hindi ako nagsalita.

"Maybe the reason why you can't focus on what you're doing is that your mind is not here, dahil siya ang ini-isip mo."

"I can't understand my own feelings. Sagad sa buto ang galit ko sa kaniya, pero nang makita ko siya kanina, bakit ganoon 'Nay?"

"Bakit iyong pakiramdam ko ay parang wala siyang nagawang mali?"

"It's already four years, but why can't I forget the man who broke me so much?"

"Siguro dahil ang totoo naghahanap ka pa din ng mga kasagutan, why don't you talk to him and let him answer your question? Baka sakali kapag nalaman mo, maka-move on ka na anak." Napatitig ako sa kaniya, bahagya siyang ngumiti sa akin.

"Dalawa lang iyan Hulya, it's either you'll let him give you an explanation because you really want to be free from your past or you're just going to avoid those questions of yours, because deep inside, you're still not ready to erase him in your heart?"

Nakatingin ako sa mga estudyante na aking nadadaanan, this is my daily routine now. Going to NEUST Sumacab in an early time because of my schedule, riding in a tri-bike.

"Good Morning, Ma'am," bati sa akin ng ilang estudyante na aking nakakasalubong habang naglalakad na ako papasok ng COED building. Tama pala sila, it's really good on the feelings being called like this.

"Good Morning," tugon ko sa mga ito.

Everytime I'm walking on this building's corridor I chose not to look around. The time I decided to apply in this University I know it will not going to be easy for me, dahil kahit saan parte ako tumingin dito mayroon kaming ala-ala, ngunit ito ang isa sa mga Unibersidad na gusto kong paggamitan ng aking propesyon, kahit na hindi na ako dito nagtapos.

One thing I realized in life, is you should know how to prioritize something, that it's not always about love. I realized that it's a mistake to sacrifice your desire, just because you want to run away from someone, from the memories that keep on haunting and hurting you. Sa buhay kahit alam mong masasaktan ka, kailangan mong harapin, dahil kung hindi, mas lalo ka lamang mahihirapan umusad.

Nang makarating na sa Faculty ay naabutan ko ng naga-ayos ng kaniyang gamit si Jen.

"Pupunta ka na sa klase mo?" tanong ko, matapos kong ibaba ang aking gamit sa tapat ng aking table.

"Oo, alam mo naman patakaran dito, na naging motto na ng mga estudyante. Kapag thirty minutes ng wala ang teacher, gora na sila." Mahina akong natawa, naalala ko tuloy noong panahon na estudyante pa din ako.

"Sige, sabay tayong maglunch mamaya ah,"

"Oo, palagi naman." Ilang sandali lamang pagka-alis ni Jen sa Faculty ay sumunod na din ako, ngunit hindi nakatakas sa aking pandinig na bukas darating iyong mga bagong teacher.

Naka-upo na lamang ako ngayon at hinihintay pa na matapos sa aking pinagawa ang ilan kong mga estudyante. Kinuha ko ang cellphone ko na saktong pagvibrate nito.

"Susunduin kita mamaya," tahimik na pagbasa ko sa mensahe ni Raldon.

"Okay, if you're not busy." Pagtipa ko sa bilang tugon dito. Matapos ko itong mai-send ay itinago ko na din muli sa bag ang aking cellphone.

"Class, are you finish?" tanong ko.

"Ma'am, hindi pa po."

"Ma'am last number na lang," tugon naman ng iba, ngumiti naman ako.

"Okay, take your time." Maya-maya ay may isang estudyante akong lalaki na nagsalita.

"Ma'am..." Napalingon ako sa kaniya habang nilalaro ng aking kamay ang ballpen na aking hawak.

"Yes, Mr. De Leon?"

"May boyfriend po ba kayo?" tanong nito, bahagya akong tumawa pagkatapos ay umiling bilang tugon.

"Bakit naman po wala Ma'am? Ang ganda niyo po kaya." Pabiro akong nagtaas ng aking kilay.

"Pero nagka-boyfriend na po kayo Ma'am?" tanong naman ng isa, hindi ako nakapagsalita agad.

"Oo, but it's been a years since we're not in a relationship." Tumango naman ang mga ito, tila may balak pa sana na tanungin ngunit pinigilan na lamang ang mga sarili.

"Dito, sino na iyong mga may boyfriend?" Nagsimula silang magturuan.

"Madami pala, pagbutihan niyo mag-aral para kapag kayo ang nagkatuluyan magiging maganda iyong buhay niyo," sabi ko sa mga ito.

"Magbre-break din naman sila Ma'am." Napalingon ang lahat sa isang estudyante ko.

"Bitter si Ariana!" Namayani ang tawanan sa classroom.

"Kaunting tahimik class, may ilan pa na hindi tapos, tsaka may nagkla-klase sa kabilang classroom."

"Hindi naman ako bitter, ganoon naman talaga hindi ba Ma'am?" Nagulat ako, sinundan pa ng kanilang tawanan.

"Hmm, just always remember that when you enter in a relationship, claim that he/she's already the one you'll going to see on the altar, hindi iyong experience ko lang ito."

"Woah!" reaksyon nila, habang ako ay tumayo na mula sa pagkakaupo. I am really proud of myself, not because I'm boastful, it's just good in the feelings, to prove to those people who belittle me, where and what I am right now.

"Okay, time's up. Ipasa na lahat ng gawa niyo."

Nasa canteen kami ng COED ni Jen at kumakain na ng aming lunch, kailangan din kasi namin bumalik agad sa Faculty dahil may sasabihin daw sa amin na mahalaga.

"So, abot langit tibok ng puso mo ng makita mo siya?" Pinagmasdan ko siya habang kumakain, hindi ako kumibo.

"Sa tingin mo ngayon na nagkita na kayo, ite-take niya iyong chance na may explain sa iyo?" Uminom ako ng tubig.

"I don't need his explanation, Jen." She rolled her eyes.

"Ikaw naman kasi Hulya, ang hirap sa iyo ang dami mong tanong diyan sa sarili mo, pero ayaw mo naman hayaan na masagot."

"What do you want me to do? Lapitan siya tapos tanungin ko kung bakit sila nagtaksil sa akin? At ano ang sagot na makukuha ko, dahil una palang si Chelsea na talaga iyong gusto niya, dahil naawa lang siya sa akin, kasi pangit ako at kahit sandali lang, kahit hindi totoo ay nagpanggap siya na mahal niya talaga ako?"

"At the end, it's only sorry that I'm going to hear from him, palagi naman ganoon hindi ba? Sasaktan ka tapos magso-sorry lang, tapos ayon akala nila matatahi na ng salita na iyon ang sugat na meron ka, pero hindi, kasi baka lalo lang lumalim at hindi na magamot pa," halos pabulong ko na sabi.

"Isa pa, kung si Chelsea, naman talaga iyong mahal niya, hindi ako tututol, I'm also willing to attend on their wedding day," I almost whispered it in a sarcastic way.

"Sigurado ka ba na silang dalawa, na naging sila?" Humigpit ang hawak ko sa kutsara at napatitig ako sa kaniya. I shrugged my shoulder.

"Ang mahalaga, hindi ko na hahayaan pa na makapasok ulit sila sa buhay ko."

Naglalakad na kami ngayon palabas ng COED ni Jen, at ilang sandali lamang ay natanaw ko na si Raldon, bahagya akong siniko ni Jen.

"Galing manligaw, palagi ka sinusundo, baka naman isang araw sa altar ka na niyan ituloy." Humagikgik siya, bahagya akong natawa.

"Silly, hindi siya nanliligaw sa akin. Napag-usapan na namin ang tungkol diyan, we're okay to remained as a friends." Pinagtaasan niya ako ng kaniyang kilay.

"Pero siguro kung si Jandred, ang nanligaw sa i-"

"Akala ko ay ako lang ang masiyadong malawak ang imahinasyon, pati pala ikaw." Tumawa ako at nagpaalam na kami sa isa't-isa bago tuluyan na naghiwalay ng landas.

"Kanina ka pa?" tanong ko, umikot siya at pinagbuksan ako ng pintuan ng kaniyang kotse.

"Kadarating ko lang din," tugon niya sa akin ng makapasok na din siya sa kotse.

"Your seatbelt." Akmang siya na ang maga-ayos nito ng inunahan ko na siya.

"Ako na." Ngumiti ako. He bit his lower lip. Nasa bandang dulo na kami ng tulay ng Sta.Rosa ng magsalita siyang muli.

"I'm sorry about the day I invited you for dinner, hindi ko talaga alam na darating na pala noon si Jranillo." Nilingon ko siya, hinawi ko ang nakatali kong buhok sa bandang kaliwa ko na balikat.

"No need to say sorry, Raldon. Hindi mo naman hawak ang kapalaran." Mahina akong tumawa.

"So, how it feels?"

"About what?"

"Meeting your ex?" Ngumisi siya sa akin.

"Nothing," maikling tugon ko, tumawa naman siya.

"Nothing, sometimes means you can't explain what exactly you're feeling that time. Hmm, pwedeng bumilis iyong tibok ng puso mo, masaya ka o para bang gusto mo siyang yakapin?" Nanliit ang aking mga mata dito.

"Wala sa sinabi mo." Mas lalong lumaki ang ngisi sa kaniyang labi.

"Then, ano nga?" Lumingon ako sa labas ng bintana.

"Gusto ko siyang sapakin." Sandaling dumaan ang katahimikan, kasunod ay halos pagtawa niya na lang ang aking narinig.

"By the way, magiging busy ako nitong mga darating na linggo, kaya baka hindi muna kita masundo at madalang tayo magkita." Bahagya akong pumikit, habang nararamdaman ang ilang hibla ng maliliit kong buhok sa aking noo na hinahangin.

"It's fine Raldon, actually I'm really glad that since we met you're already here for me, kaya naman naiintindihan ko kung magiging busy ka. I know you also have a lot of projects to manage."

"Hmm okay, but my phone's always open, just call me if you need me."

Tahimik kaming lahat na kumakain ng hapunan, magkatabi kami ni Ate na bumisita ngayon dito sa bahay para na din sabihin na binyag na ng kaniyang anak sa susunod na linggo, habang kaharap namin sina Nanay at Tatay.

"Kamusta nga pala ang trabaho sa abroad ni Alvin?" maya-maya ay pagbasag ni Nanay sa katahimikan.

"Ayon, maayos naman daw po ang unang linggo niya doon sa Dubai kaya lang syempre nami-miss niya ang kagandahan namin ng anak niya."

"Buti naman, sadyang mahirap talaga kapag malayo sa pamilya, danas ko iyan."

"Oo, nang malayo ang Nanay niyo sa akin halos araw-araw ay sabik akong mayakap siya." Napahagikgik kami ni Ate ng dahil sa sinabi ni Tatay. Noon pa man na hindi pa masiyadong angat ang aming pamilya ay alam ko ng maswerte ako sa kanila, kahit simple lamang ang aming buhay, ay masaya kami at nagmamahalan.

"Ikaw Hulya, kailan mo balak magpakasal?" Halos masamid ako sa tanong na iyon ni Nanay.

"Kapag po siguro namanhikan dito si Jandred." Napa-kunot ang aking noo ng lingunin ko si Ate.

"Huwag mo ng banggitin sa akin ang lalaki na iyon Ate." Ngumisi siya. Narinig ko ang pagtikhim ni Tatay.

"Hindi na kayo nagkabalikan pa ni Kuya John, at alam ko na gano'n lang din kami," dagdag ko pa.

"Basta ang boto ko ay hindi sa mga co-teacher mo na gusto manligaw sa iyo," saad pa niya.

"Anak, huwag ka magsalita ng tapos." Napalingon ako kay Nanay, itinuon ko na lamang sa pagkain ang aking paningin.

"Kilala mo na ba talaga anak iyong si Esguerra?" Napa-angat ako ng tingin kay Tatay.

Sa pagkakakilala ko sa kaniya alam ko na hindi niya kayang gawin ang lahat ng iyon, ngunit mismong mga mata ko ang nakakita, kaya alam ko sa sarili ko na marahil nagkamali nga ako.

"He's almost perfect inside and outside, iyon ang pagkakakilala ko sa kaniya nang una, ang akala ko ay matino at seryoso, pero manloloko din pala." Uminom ako ng kaunti sa baso ng tubig na nasa aking gilid.

"Sa dalawang tao na nagmamahalan hindi lang tiwala at pagiging tapat ang mahalaga, dapat marunong din kayo makinig sa isa't-isa." Bahagya akong natawa.

"Dati ay halos gusto niyo po sugurin ng itak iyong lalaki na iyon, bakit ngayon para nais niyo iparating na makipag-ayos o makipag-usap ako sa kaniya?"

"You must need to learn how to face what or who's hurting you Hulya, hindi matatapos ang lahat sa salitang pag-alis o pag-iwas."

Hindi ako makatulog, mahigpit ang hawak ko sa aking unan habang nararamdaman ang paglandas ng mainit na luha sa aking pisngi. Naguguluhan ako, naiinis sa aking sarili, labis akong nagagalit sa unang lalaki na inakala kong siya na din magiging huli ko. Paano kung mag-usap kaming muli? Ang tuluyan bumalik sa aking isipan ang nangyari noon ay hindi ko na yata kakayanin pa. 

Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 466 45
Sarinah Franshey Monteverde has this life that every girl dreams to have. She can easily get what she wants with just one snap of her finger. She has...
16.4K 190 38
| This story is dedicated to those people who are always separated by boundaries. | Judith Ryca Salazar, decided to study at Nueva Ecija University o...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
48.1K 1.2K 35
Through thick and thin you will always be my love. 07/10/20 - 08/08/20 Jasper Sean Del Fuente a rich, handsome, and quiet guy from New York who move...