Apricity (Published under PSI...

By zaaaxy

1.2M 53.1K 26.7K

Saying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting... More

Apricity
Prelude
1st
2nd
3rd
4th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21st
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
50th
Finale
To be published under PSICOM
Book Selling & Book Signing

5th

22.9K 948 317
By zaaaxy

Add



As it turns out, si Alister pala ang bagong nakatira sa bahay nila Elcid.


"Umalis kami saglit kanina para kumain," Cal shrugged. "Pagbalik namin, naabutan namin sya. He was making shots in the court,"


It was the same time when Cal's friend called to tell him that he can't join the team anymore.


Kung paano nila agad na napapayag si Alister ay hindi ko alam. It amazes me how boys can easily talk to one another as if they've known each other for the longest time. Mapa-fishball vendor, carwash boy, o kahit nakasabay lang mag-fit ng sapatos sa Olympic Village. Parang normal lang sa kanila ang biglang mag-usap.


That's not the case for Davion and my brother Aki though. The two are rather detached when it comes to strangers. Si Elcid naman ay nagsasalita lang kapag alam nyang kailangan.


Habang si Cal ay kung sino-sino lagi ang kinakausap. I remember when the squad were in Siargao, kaming dalawa ang magkasamang nag-rent ng surf boards. Habang hinihintay na maihanda iyon ay hindi ko namalayan na kausap niya na ang kasabay naming nag-aabang din. Their topic was very random. Kung saan-saan napunta ang usapan nila. Mula snorkeling hanggang NBA at kung may starfish daw ba ron sa dagat.


Kaya't hindi na nakapagtataka na kaswal nilang naimbita si Alister na sumali. They also got Aysen here with them. He's pretty good at conversing too.


"Ba't hindi na lang ibang kakilala natin ang sinali? Someone from school or the street next to ours."


Patapos na ang practice nang makabalik si Adea. Nakatutok kami sa panonood ngunit hindi pa rin sya makaget-over sa kinwento kong kaganapan kanina. As usual, she's overreacting.


"Mahirap makisama lalo na't hindi naman sya pamilyar satin." dagdag nya pa. "I mean, does he even know na lahat ng proceeds mula sa games ay kay Elcid lang mapupunta?"


"Relax, Dea. Stop thinking too much. I'm sure sinabi naman iyon nila Aysen sa kanya,"


Naghahalo na ang kahel at dilim sa langit nang matapos ang pag-eensayo nila. They already finished changing clothes when I asked if they wanna grab a bite. Sa huli ay nagdesisyon kaming mag-fastfood bago umuwi. Si Elcid ay nauna na dahil may aasikasuhin pa umano ito.


"You sure you don't wanna come with us?" tanong naman ni Cal kay Alister habang papalabas.


Huminto lamang kami sa paglalakad nang marating na ang bukana ng court.


"We can atleast drop you off bago kami lumabas ng Vill,"


Alister simply shook his head. "Wag na. I wanna jog on my way home."


Sa sinabi nya ay hindi na namilit pa sina Cal. Aysen tapped Alister on his shoulder to bid goodbye. Tumango naman sya at nilibot samin ang tingin para magpaalam.


Napakurap ako nang dumaan sakin ang mata nya.


Bumalik lamang sa normal ang paghinga ko nang nasa sasakyan na kami at papalabas na ng subdivision. Strangely, I keep on zoning out the whole time.


Kung hindi ko pa narinig ang pagbukas ng pinto ng sasakyan ay hindi ko mamamalayang tumigil na pala ito sa pag-andar. 


"Where are you going, Einj?" ani ni Adea nang aktong baba ako. "Magre-restroom ka rin?"


"Huh?" lumipad ang tingin ko sa labas at napagtantong nasa gasoline station kami.


"Nagpa-gas muna si Aysen." wika nya nang mapansin ang tila pagkawala ko. "Cal and Dav just went out to take a leak,"


Tumango ako tinutop ang bibig. Unti-unti akong bumalik sa pagkakasandal. Aki gave me a weird look with his headphones on.


Hinayaan ko nang nakabukas ang pinto dahil hindi nagtagal ay natanaw ko nang papabalik sina Davion.


Malaki ang ngisi ni Calcifer habang tila iritado naman si Davion. Cal is trying to walk in an unusual way tapos ay biglang matatawa sa kalagitnaan. Lumilingon pa sya kay Davion na tila ginagaya nya ito. Davion is just walking normally though.


Halakhak agad ni Cal ang una kong narinig nang makalapit sila.


"Tangina ni Davion, naka-ilang practice lang ng basketball, lakad varsity na agad." hagalpak nya.


"Damn you. Ganito talaga lakad ko gago. Natural na yan—" may sinabi pa sya ngunit medyo mahina kaya't hindi ko na narinig.


Umangat ang kilay ni Adea at hinead to foot ang dalawa na akmang sasampa pa lang sa kotse.


"Why are you wearing socks with your slides?" aniya habang nakatingin sa bandang paa. "Hilig nyong mga lalaki sa ganyan," dagdag nya pa habang bakas ang munting disgusto sa tinig at mukha.


Cal eyed him with judgment.


"Let people enjoy things, Dea." napanganga ako nang gayahin nya ang linya at tono ni Adea. "Whatever they wear, that's their business." panunuya niya.


A chuckle escaped from Davion's mouth. Tila naglaho na ang inis at nanaig na ang kasiyahan dahil naasar ni Cal si Adea.


Dea must have been too apalled to clapback nor say something. Kung kanina ay mistulang nagpigil pa ng tawa si Davion, ngayon ay harapan na niyang pinakawalan ang halakhak mula sa bibig habang pumupwesto na sila sa loob ng sasakyan.


"You know what that makes us all, Adea?" dumagundong ang boses ni Davion sa loob ng kotse.


Binagsak niya pasara ang pinto ng sasakyan. Pagkatapos ay saka sya pumihit paharap kay Adea. Binigyan niya ito ng nanunukat na tingin.


"Hypocrites."


Hindi ko alam kung bakit kinilabutan ako sa pagkakasabi niya.


Yamot si Adea buong byahe. Halos hindi nya nga galawin ang pagkain. Panay ang pasimpleng pag-irap habang tahimik lang sa tabi. Hanggang noong papauwi na kami ay nanatili lamang sa bintana ang kanyang tingin. Firm and unwavering. I can almost feel her neck aching.


Davion's statement must have really hit a nerve.


"Cal, pahinaan mo kaya yung aircon.."


Malamig man sa pakiramdam katabi si Adea ay mas malamig pa rin ang hangin mula sa aircon. Kay Adea kasi ay sanay naman na kami. That's just how she is. Cold.


Kung nung una ay hindi pa ko mapakali tuwing nagkakaalitan sila ni Davion, ngayon ay kampante na ko dahil alam kong lilipas din naman iyon. It's better to just leave them alone to cool down on their own.


"Why Einj? Wag na. Mas okay na yan, malamig."


"But you guys came from practice! Baka pag natuyo yung after-sweat nyo ay magka-pneumonia kayo. I'm just worried," I truthfully said— not just as a manager but as a friend who's seriously concern.


"The hell is after-sweat, Einj? Is that even a thing? Nag-iimbento ka na naman ng salita."


"But!" lumingon ako kay Aysen mula sa rearview mirror upang humingi ng suporta sa sinasabi ko.


He just gave me a reassuring smile. "Don't worry about it, Einj. Pneumonia is caused by internal infection. Walang kinalaman ang pagkatuyo ng pawis,"


Sa narinig ay kumalma naman ako kahit papano. Dumaan kami sa Java Shop nila Tita Grace upang mag-abot ng takeouts kay Aria. Hindi ko maiwasang mapatingin sa relo nang malamang hindi pa raw nakakauwi si Elcid.


Pagkarating sa Calle Nueva ay huminto rin kami kina Rae.


"I told you, Einj. Hindi tatanggapin ni Tita 'yan. Hindi ka na dapat nag-abala. Alam mo namang pihikan yun pagdating sa pinapakain kay Rae." rinig ko bago pa makababa ng sasakyan. "Fastfood? She'll surely disapprove."


Sa kabila ng sinabi ng kaibigan ay sinubukan ko pa rin. I feel bad whenever we eat out and some of our friends aren't present. Parang may kulang. Buying takeouts for them makes it a little less upsetting for me.


Ngunit tulad nga ng inaasahan ay hindi sang-ayon si Tita Liv sa gusto naming mangyari.


"But Rae loves this though.. Ngayon lang naman, Tita. I'm sure she'll enjoy these..."


Ginamit ko na lahat ng charm ko para lang maconvince si Tita. Sa huli ay labis ang tuwa ko nang tanggapin niya iyon kahit tila labag pa rin sa loob.


I kissed my parents on the cheek when Aki and I reached home. My mom caressed my back.


"How is it going with Elcid's mom?"


Bumuntong-hininga ako. I gave them updates about Tita Grace's condition. Kalaunan ay nagpaalam muna ako para maglinis ng katawan.


Nang makarating sa taas at makapasok sa silid ay nilabas ko ang phone mula sa bag.


Einj:

Did everyone get home safely?


Pinadala ko iyon sa lahat at naalala ang tungkol kay Elcid kaya't nagtipa ng panibagong mensahe para sa kanya.


Einj:

Cid, message me pag nakauwi ka na. Ingat!


I was about to close my phone when I suddenly remembered someone. Alister.


I don't have his number but I also want to check out on him. Whether he got home safely or what.


Sinubukan kong tanungin sila Cal kung mayroong nakakuha ng number niya ngunit walang ni isang meron sa kanila.


In the end, I resorted on searching him on Facebook.


Mahirap syang hanapin. Tila mailap sa social media. Among all my attempts, I was able to spot an account with the name Alister Severo.


Wala iyong profile picture. Ngunit nakumpira kong sa kanya ang account dahil may isang tagged photo na naka-public.


It was him, sitting on a padded beach chair, facing the camera with an imposing expression. Walang bakas ng wax o anumang ayos ang buhok— it was released very freely to the point that I can almost feel how soft the strands are.


Bukas ang unang tatlong butones ng polo niya. A generous portion of his chest was exposed. It revealed how sturdy that part of his body was. The lighting made his bare skin look even more glazed.


Umangat ang tingin ko sa mukha niya. He was directly looking at the lens. Bahagyang nakakunot ang noo. Tila biglaan lamang tinawag upang humarap sa kamera at makuhanan ng litrato. Ngunit kung gayon nga ay masasabi kong perpekto ang pagkakakuha ng larawan. Walang bakas ng kakulangan sa kahandaan ang itsura nya.


Tumagal ang pagkakatitig ko sa mata niya. I tried to hold still for so long until I couldn't. I gasped for some air then pressed the back button.


Nakakalunod. Mistulang nawawala ako sa klase at lalim ng tingin nya. Pakiramdam ko ay kaharap ko sya at personal akong nakatitig sa mga mata nya.


I bit my lip as I scroll back to the top of his profile. Bago pa magbago ang isip ay pinindot ko na ang Add Friend button na agad nakita roon.





















Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
322K 14K 40
Bad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin dahil nakatutok ang atensyon natin sa iban...
23.8K 564 99
Attractive Girl's Epistolary #2 An Epistolary Novel Aliyah Elyse Rafal Baretto and Yadier Ashton Gravilla Started: March 4, 2021 Ended: March 12, 2021
571K 20.7K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...