Child Of The Past

By AineScivere

88 10 4

"Batang bunga ng nakaraan, nakaraan na walang nakakaalam, magiging sanhi ng isang masalimuot na digmaan" Prin... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09

Chapter 02

14 2 2
By AineScivere

Cahira's POV

Bagot lang ako nakatingin sa babaeng nakapamewang at galit na nakatayo sa throne room, si Queen Vereen, ang nanay ko. Pinatawag niya kasi ako rito para pagsabihan, "Ano na naman ba Cahira?! Ano itong nabalitaan ko galing sa Headmaster na pinahiya mo raw siya sa harap ng mga estudyante niya?!" her face is as red as tomato, not because of the heat or whatsoever kundi dahil sa galit niya sa ginawa ko kahapon. I turned my back to her and walked out. "Cahira! Where do you think you're going?! We're not done yet!" rinig kong sigaw niya habang papunta ako sa aking kwarto sa itaas. Ramdam ko naman na sumusunod siya sa akin kung kaya't nagteleport na lamang ako sa loob mismo ng silid ko. And I sensed that she did the same, she teleported directly into my room. Pero sa halip na makapasok siya ay tumalsik siya 4 meters away from my room. She was immediately rescued by the guards within the area.

But she didn't give up, she walked towards the open door of my room and attacked it. Her attack just bounced off but that didn't stop her, she attacked it all over again. Napailing nalang ako sa ginagawa niya. Go, try and try but you won't succeed. I walked towards my door and faced her, "Oh my dear Mother, just stop it. Kahit anong gawin mo ay hindi kayo makakapasok sa silid ko." naglakad na siya paatras, naramdaman niya yatang wala na siya pag asa makapasok sa aking silid. "Makakarating to sa Papa mo Cahira!" I just ignored her and just sat on my bed.

Ever since I found out that King Kiel and Queen Vereen are not my real parents, I've changed. I've changed to someone they've never expected. I used to be fun, jolly and a smiley princess but now? It's all the opposite. Hindi nila alam na may ideya na ako sa totoo kong pagkatao. Kasabay ng pagbuo ko ng barrier sa aking kwarto, siya ring paglayo ng loob ko sa lahat ng taong dating malapit sa akin. No one can enter here except for me, even the King. I built this barrier for months and it is worth it. My room became my escape to my painful reality. This is my safe place.

Before I became too emotional, I once again teleported.

* * * * * *

"What took you so long?" bungad ko sa kalalabas lang na babae galing sa kanyang silid-aralan. Muntik ko ng mabuga sa mukha niya ang iniinom ko dahil sa itsura niya! Nanlalaking mga mata at magkahiwalay ang kanyang bibig! Sige nga, sinong hindi matatawa kapag ganyan ang bumungad sa iyo? Ng mapansin kong hindi parin siya kumukurap ay iwinagayway ko ang aking kamay sa harap niya, "Earth to Kaira! Yohoo!"

"W- what are you doing here?" Tsk. Tsk is she still in shock being my friend? Humawak naman ako sa dibdib ko at nag iinarteng nasasaktan, "Ayaw mo ba akong makita? Kaira?" napalakas ata ang sabi ko dahil ang atensyon ng mga estudyante ay napunta sa amin. Naalerto naman siya kaya hinila niya ako at nagpatianod na lamang ako. Nang mapagod siya ay ramdam kong tumigil na siya. Hingal na hingal siya samantalang hindi man lang ako pinagpawisan, "Ano po bang kailangan niyo sa akin mahal na prinsesa?" napairap na lang ako sa tono ng paggalang niya sa akin. "I already told you diba? Cahira is fine." nagawi ang tingin ko sa kwintas na suot niya, ang kwintas na bigay ko, napangiti naman ako dahil rito.Napansin niya ito kaya agad niya itong tinakluban, umalingawngaw ang tawa ko sa buong kagubatan. Yeah, dahil sa pagmamadali niya ay hindi na niya napansin na nasa kagubatan na kami. Tumikhim ako, "I want you to come with me." I said with finality. "W-where?" napangiti naman ako dahil dito.

* * * * * *

Narito kami sa harap ng dorm ni Kaira at kanina pa kami nakatunganga rito dahil ayaw pa ni Kaira na pumasok kami, ewan ko ba dito. Naiinip na ako kaya binuksan ko na ang pinto at dahan-dahan na naglakad papasok. Ramdam ko ang kapit ni Kaira sa aking braso, parang pinipigilan ako. Nakakailang hakbang na kami ng may nakinig kaming mga boses, "Ang epal talaga ng Kaira na yun. Porke nandyan na si Princess Cahira ay yayabang yabang na siya." rinig ko sabi ng isa. Tumigil ako sa paglalakad at hinayaan kong pakinggan ang ilan pang sasabihin nila. "Kaya nga. Alam niyo ba kanina nagpapahanga na naman siya kay Prof." Sige pa, konti nalang. "Feeling maganda at matalino, malandi naman" napantig ang tenga ko sa huli kong narinig kaya hindi ko na nakayanan at sumali sa usapan nila, "Oh talaga ba?" nakangiti ako ng matamis sa kanila. Para silang nakakakita ng multo dahil sa putla ng mga mukha nila.

"Oh ano pa? Dali! Gusto ko pa makinig!" pagpupumilit ko sa kanila ngunit tahimik pa rin sila. "Oh anong nangyari sa mga bulok nyong bunganga at hindi makapagsalita?" humigpit ang kapit ni Kaira sa aking braso ng tinangka kong lumapit sa kanila. "Kukuha muna ako ng gamit bago tayo umalis." ani niya, halatang ayaw niya sa gulo. Tahimik na lamang siyang naglakad patungo sa kanyang mga gamit. "Pasalamat kayo." matalim ang titig ko sa kanila. Hindi naman nagtagal ay natapos ng mag ayos si Kaira kaya humayo na kami. Tahimik lang kaming naglalakad ng basagin ko ito, "Bukas na bukas rin ay ililipat kita ng dormitoryo." ramdam ko ang pagkagulat niya dahil bigla siyang natigil sa paglalakad. "Hindi ba sobra naman yun?" bakas ang pag aalinlangan sa kanyang mga mata, napabuntong hininga naman ako. "Pasensya kana." nabigla siya sa sinabi ko, "Kung nagulo ko ang tahimik mong buhay dahil sa ginawa ko, kung ayaw mo talagang tuluyan ng magulo ang tahimik mong buhay ay maaari ka ng umalis at kalimutan ang lahat ng nangyaring ito." tumalikod nalang ako at nagsimulang maglakad. Ilang sandali ay hindi ko pa rin siya nararamdamang sumunod sa akin.

Napabuntong hininga ako dahil rito, Am I not that an ideal friend? Nakayuko akong naglalakad when I felt that someone just clinged to my right arm. At ng tingnan ko kung sino ito ay bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Kaira. This girl. Tss. "Ang arte mo naman Cahira. Ito na nga lilipat na bukas na bukas din!" nakayukong napailing nalang ako. Ako pa ang maarte? "What made you change your mind to come with me? To be my friend?" patuloy lang kami sa paglalakad patungo sa aming pupuntahan. "Hindi ko naman talaga ayaw maging kaibigan mo. It's just that I'm worried what others will think." magsasalita na sana ako ng magdugtong pa siya. "But then I realized, this is my life and not theirs. And my life, my rules."

* * * * *

Maingay ang kapaligiran, punong puno ng kulay ang paligid at maraming tao sa paligid. Napagdesisyunan ko na dito kami pumunta dahil ito ang pinaka malapit. Narito kami ni Kaira sa pamilihan sa gitna ng Vapore at Graund Kingdom. I didn't bother to put any disguise since, as what I've mentioned, wala naman masyadong nakakakilala sa akin, except sa mga estudyante sa Academy but hindi naman makakalabas yun ng Academy. Kaira is wearing a simple prussian blue off shoulder dress.

She's too girly.

While here I am, wearing a simple gray tank top and gray sweatpants. "San ba tayo pupunta Cahira? Kanina pa tayong naglalakad." Kaira looks so weak at first glance but I really sense that she's just afraid. She's afraid of what her power can do, of what SHE can do. As I mentioned when we first met, she doesn't look like a witch. She's more likely to be a baby. Ramdam mo na ang taas lagi ng energy niya, if not because of that 'prince'? I bet she will have a lot of friend-, "Cahira!" para akong nabingi sa lakas ng boses niya. "Ano ba?" nakakunot ang noo ko sa kanya, "Kanina pa ako daldal ng daldal dito tas ikaw parang patay na patuloy lang na naglalakad." napailing nalang ako the way she describes me. She really is exaggerating. "Sa pinakamalapit na park lang tayo." napatango naman siya.

Hindi na din naman nagtagal ang paglalakad namin dahil malapit lang ito, napagdesisyunan ni Kaira na bumili ng makakakain namin habang namamasyal. Simple lang ang park na napuntahan namin, hindi siya gaya ng mga sosyaling garden sa loob ng palasyo. Patuloy kong pinagmamasdan ang simpleng kagandahan ng tanawin ng may napansin ako kakaiba, may isang matanda na aligaga sa pagtakbo. Hindi niya alintana ang kanyang edad dahil patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Tumayo ako at sinundan ang matanda, nang maabutan ko siya ay pinahinto ko muna siya sa pagtakbo, "Manang bakit ho kayo tumatakbo?" pagtatanong ko sa kanya dahil desidido talaga siyang tumakbo. Ilang segundo na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya sumasagot, nakatitig lang siya. "Manang? Ayos lang po kayo?" napakurap naman siya ng ilang beses.

"Ah oo ineng, hinahabol ko kasi ang magnanakaw na kumuha ng aking pitaka." napatango naman ako dahil dito. Tsk. "Ano ho bang itsura niya?" napatingin naman sa kalangitan ang matanda at iniisip ang itsura ng magnanakaw. "Nakasuot lamang siya ng normal na itim na damit at maong na pantalon." tumango ako sa matanda at nagpalabas ng fire eagle, inutusan ko itong hanapin ang lalaking binanggit ng matanda. Agad naman ito tumalima at lumipad. "Cahira! Cahira!" napalingon naman ako sa pinangagalingan ng boses na iyon, si Kaira. Tumatakbo siya papunta sa akin. "Bakit bigla-bigla kang nawawala?" nakahawak siya sa kanyang mga tuhod at hinihingal, kanina pa yata ako hinahanap. "Napansin ko kasi si-" napalingon ako sa matanda, "Isla ineng."

"Napansin ko kasi si Manang Isla na may hinahabol-" ramdam kong nagbago ang mata ko. My eagle is sharing to me what he is seeing. Sa aking nakikita ay isang lalaki na katulad na katulad ng binanggit ni Manang Isla. Naghahalungkat ito ng pitaka, iyon siguro ang pitaka ni Manang. "Alam ko na po kung nasaaan siya." tumango si Manang habang si Kaira ay wala pa ring ideya. Sinundan nila akong dalawa, hindi ko pa rin pinapawala ang aking eagle sakaling tumakas siya. Nakarating kami sa isang madilim na eskinita, at naroon ang lalaking hinahabol ni Manang. "Aba manong masama yata ang ginagawa mo." nabigla ako sa pagsasalita ni Kaira, mukhang naintindihan na niya. Nabigla ang lalaki at muntik ng mabitawan ang pitaka, "Sino kayo?" naglabas ito ng patalim. "Huwag kayong lalapit kung hindi sasaktan ko kayo." napaatras naman ang dalawa. Tsk. Kabaliktaran naman ang aking ginawa. Unti-unti akong lumapit sa lalaki, ramdam kong natatakot siya. "Huwag kang lalapit!" tinangka niya akong saksakin ngunit yumuko ako at pinatid ang kanyang paa. Kaya natumba siya at nabitawan ang patalim na kanyang hawak. Akmang pupulutin niya pa ito ng nagpalabas ako ng bolang apoy at iniharap sa kanya. "Huwag mo ng tangkain na lumaban." napataas naman ang kanyang kamay dahil rito at napayuko. Sinipa ko naman ang patalim palayo sa kanya. Inilahad ko ang aking kamay, "Ang pitaka." agad naman niya naman itong ibinigay sa akin. "Pakitingnan po kung may nabawas Manang." napatango ang matanda sa akin. "Wala naman ineng." saad nito pagkatapos niya tingnan ang kanyang pitaka. Pinawala ko ang bolang apoy at bumaling ako sa lalaking hanggang ngayon ay nakayuko parin, "Bakit mo ginagawa ito?"

"Kung sana ay tinutulungan kami ng mga mayayaman na tulad mo ay hindi ko magagawa ito." napataas naman ang kilay ko sa tono ng pananalita niya. Hindi niya ako kilala, nasisiguro ko iyon ngunit nahalata niya ata sa pananamit ni Kaira ang karangyaan na taglay nito. Nagpalabas ako muli ng bolang apoy at iniharap muli sa kanya, "Ayusin mo ang pananalita mo Ginoo at baka hindi ako makapagpigil, masunog ko iyang bunganga mo." tumunghay siya at ngumisi sa akin. "Bakit totoo naman ah, kung sana ay tinutulungan niyo kaming mga kapos palad ay hindi namin magagawa ang magnakaw." papakawalaan ko na sana ang aking atake ng hawakan ni Kaira ang aking braso. "Cahira huminahon ka. Hayaan mo akong kumausap sa kanya." naglakad si Kaira sa harap ng lalaki, "Manong hindi kami naparito upang-" nabigla ako ng hatakin siya ng lalaki at sinakal gamit ang kanyang braso. Naglabas siya ng isang patalim, napakunot ang noo ko rito. Ng akin namang binalingan ang patalim na aking sinipa kanina ay naroon parin ito.

So he has the power to summon any weapon he wants? "Huwag kayong lalapit! Kung ayaw niyong saktan ko itong kasama niyo!" napatingin ako Kaira, paiyak na siya at ramdam kong natatakot siya. Nang balingan ko si Manang ay sinenyasan ko siya na kung maaari ay umalis na siya, tumango naman ito at nagsimulang maglakad. "Bitawan. Mo. Ang. Kaibigan. Ko" if stares can kill, he will be in his funeral right at this time. Sa halip na matakot ay tumawa lamang siya, "Diyan lang naman kayo magagaling, magbanta! Sayang itong kasama mo, ang bango bango pa naman." sinimulan niyang singhutin si Kaira. Nandilim ang paningin ko at sabay na nagpalabas ng apoy ang dalawang kamay ko. Isang pula sa kaliwa at puti sa kanan. Ang puti ang siyang pinalibot ko kay Kaira at ang pula ang pinalibot ko sa lalaki. Sinakal siya ng apoy ko, samantalang nilapitan ko si Kaira. "Ayos ka lang ba?" tulala pa rin siya. "Huwag ka munang aalis diyan. Papatay lang ako." bago pa ako makaalis ay hinawakan niya ang braso ko. "A-ayos lang ko C-cahira. S-salamat." marahang tumango na lamang ako sa kanya at binalikan ang lalaking kinakapos na ng hininga.

Pinawala ko ang nakasakal sa kanya at iginapos na lamang ito sa kanya. "Walanghiya. Ka." tumawa lamang siya na nagpainit lamang ng ulo ko. Hinigpitan ko ang gapos sa kanya hanggang sa napapaso na siya ng apoy. Pinalabas kong muli si Vard, ang aking eagle. At sinenyasan siya na gumawa ng ingay. Ang ingay na ito ay alam-alam ng tatlong prinsipe. Bumaling muli ako sa lapastangan, pinantayan ko siya sapagkat nakaupo siya sa lupa. "Alam mo ba na maaari kang makulong dahil sa ginawa mo?" walang emosyon kong sabi sa kanya. In fact, jail is not enough for him. If killing is not sin? Andami ko na sigurong napatay. "Sige! Ikulong mo ako! Diyan lang naman kayo magaling! Ang apihin kaming mahihirap!" hinawakan ko siya ng mahigpit sa panga at pinisil ito hanggang hindi na siya makakapag salita. "Tigil tigilan mo ako sa paninisi mo sa amin. Huwag mo kaming sisihin sa kalapastanganang ginawa mo. Kung mahirap ka, magsikap ka! Hindi rason ang pagiging kapos palad sa paggawa ng masama. Marami ang tulad mo, ngunit hindi naman sila gumagawa ng masama." matapos ko itong sabihin ay marahas kong binitawan ang panga niya. Tumalikod ako sa kanya at binalikan si Kaira. Nakapalibot pa rin sa kanya ang puting apoy na pinakawalan ko. "Ayos ka na ba?" nakangiti na siya at tumango. Tinulungan ko siyang tumayo at pinawala na ang puting apoy. "Cahira? Para saan nga pala ang puting apoy na iyon?" ngumiti na lamang ako sa kanya "Sa ibang araw ko na lamang sasabihin sa iyo." tumango-tango na lamang siya.

Agad kong pinigilan ang panang tatama sana sa amin, panang gawa sa hangin, gulat na gulat naman si Kaira. I made three fireballs and sunod sunod na pinakawalan sa pinanggalingan ng pana. Maya maya lamang ay nakarinig ako ng tatlong kumalabog, parang may nahulog. Napatawa ako ng mahina dahil rito, poor three prince, sabi ko naman sa inyo huwag niyo akong hahamunin. Maya-maya ay ramdam kong narito na sila, nagsibabaan naman sila sa kanya-kanyang kabayo. "Grabe ka talaga little princess! Nadumihan tuloy ako." nakangusong reklamo ni Aillard. Naglakad silang tatlo papunta sa amin at pansin ko nga na may dumi sila sa mga damit nila. Nang balingan ko si Kaira ay napansin ko itong namumula at nakatulala,

I nudge her by my elbow and natauhan naman siya, "Ang laway mo Kaira tumutulo."bulong ko sa kanya na lalo lamang nagpapula sa kanya. "Bakit mo kami pinatawag?" sambit ni Gavril. I motioned to them to follow me. Tinuro ko ang lalaki, "Ikulong siya sa pinakamalapit na palasyo." bumaling naman ang atensyon nila sa lalaki. "He disrespected the princess." sabay-sabay na lumingon sakin ang tatlo, napairap ako sa ginawa nila. "Ito? Cahira huwag mo kaming pinapatawa." saad ni Aillard. "Oh whatever, he harassed my friend and he deserves to suffer." nagawi naman ang atensyon nila sa kasama ko. "Oh who is this girl?" She grabs Kaira's left hand and tries to kiss the back of it. Ngunit bago niya pa ito nagawa ay dalawang espada na ang nakatutok sa leeg niya. "Bitaw." sabay naming sambit ni Conrad. Agad namang binitawan ni Aillard ang kamay ni Kaira. At nakataas na ang dalawang kamay na umatras. Napatitig ako kay Conrad, why would he do that? Nang balingan ko naman si Kaira ay sobrang pula na ng mukha nito. I eyed to Conrad suspiciously at napansin niya naman ito. "What?" umiling ako at hindi na nagsalita. Inilahad ko kay Kaira ang aking kamay and she absently-minded grab it. "Let's go?"

Tumango tango na lamang siya, bago pa kami makapag teleport, "Teka, saan mo na naman siya dadalhin?" napataas ang kilay ko sa sinabi ni Conrad. "And why do you care?" natahimik naman siya samantalang ang dalawa ay may kakaibang ngiti sa kanilang mga labi. Binalingan ko sila, "She's my friend. So you three? Better back off."tumango naman ang dalawa pero si Conrad nakatitig lang kay Kaira. This girl has a lot of explaining to do. At saka na muli ako nag teleport, ilang sandali lamang iyon at narito na kami. Napanganga naman si Kaira sa tanawin, narito kami sa may burol. And she starts to explore the place while I just sit to the ground.

Malapit lamang ito sa palasyo, I always go here whenever I feel suffocated in the palace. It's strange that I can't feel that I'm at peace whenever I'm at 'home'. I always pretend to be so strong in front of them to the point I feel tired. I'm tired of all of these pretending. I have a lot of questions about my identity that no one else should know. My parents, who exactly are they? Did they dump me when I was a baby? "Ang lalim naman ng iniisip mo." nabigla ako ng tumabi sa akin si Kaira. Napangiti naman ako habang tinitingnan siya, at least I have a friend now. Bago pa ako umiyak sa harapan niya at may kalokohan akong naisip, humarap ako sa kanya habang naka indian sit kami sa lupa. "So Miss Kaira? What is your relationship to Prince Conrad?" nakatitig ako sa kanya habang may nakakalokong ngiti sa aking labi. Hindi naman niya alam kung saan ibabaling ang kanyang mata, "H-ha? A-ah wala k-kaming...." lumawak ang aking ngiti dahil sa aksyong pinapakita niya. "Ohmyghad! Kaira has a crush. Kaira has a crush." I said those lines with a singsong tone. Mas lalo namang namula si Kaira dahil roon, "So tell me Kaira? Ano ang nagustuhan mo sa kumag este prinsipeng yun?" pinagsiklop ko ang aking mga palad at tumitig muli sa kanya. Mukha tuloy ako imbestigador. "I don't know....." She just bowed her head and said the bravest words I've ever heard from her.

"Basta ang alam ko gusto ko siya at patuloy na gugustuhin."

Continue Reading

You'll Also Like

17.9K 32 10
baca ajaa, terserah. ga suka ga usah dibacaa Tapi jangan lupa vote. Boleh request mau yg gimna, komen ajaaaa Siapa tau ada yang pengin request bisa c...
29.8K 669 10
In This Season, Things Get Odder And Crazier! As BroZone Dives Deeper Into Their School Lives, Along With Their New Friends GalZone, They Get Engage...
439K 18.3K 123
SYPNOSIS Reading Purifying Love made Rachelle D'magiba feel very insulted. The ending that the author had written didn't go well with her expectation...