Child Of The Past

By AineScivere

88 10 4

"Batang bunga ng nakaraan, nakaraan na walang nakakaalam, magiging sanhi ng isang masalimuot na digmaan" Prin... More

Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09

Prologue

12 1 0
By AineScivere


Prologue

Third Person's POV

Naghihikahos na tumatakbo ang tatlong pigura ng tao sa tahimik at madilim na kagubatan. Batid mo sa kanilang mga mata ang takot at pagod. Hindi lamang silang tatlo ang naroon dahil bitbit ng dalawang magkasintahan ang tig isa na sanggol. Sa hindi kalayuan, hindi na mabilang ang kawal na sakay sa kanilang mga kabayo animo'y may hinahabol. Nangunguna sa kanila ang Prinsipe ng Pyroc Kingdom. Si Zad.

Patuloy parin sa pagtakbo ang tatlong pigura ng tao ngunit nahinto sila ng maramdaman nila ang malakas na enerhiya na papunta sa kanila. Hindi naman nag aksaya ng panahon ang lalaki at at gumawa ng lupang pangga. Dahil sa bigla nilang paghinto ay tagumpay silang na abutan ni Zad. Dahil sa pangamba ay dinagdagan ni Maylea, ang kasintahan ni Calyx ang panggang ginawa nito. Dagling bumaba ng kanyang kabayo si Zad,

"Wag na kayong magbalak tumakas dahil hindi ko kayo hahayaan!" wika niya at saka nag palabas ng itim na bolang apoy at binato sa pangga nina Maylea. Patuloy niya itong ginagawa dahil alam niyang nauubusan na ng lakas ang dalawa isama pa ang mga kawal niya na inaatake rin ang panangga. May kasama mang isa pang babae sina Maylea ay wala rin itong magawa sapagkat hindi panlaban ang kanyang kapangyarihan. Hindi nagtagal ay bumigay ng tuluyan ang dalawa. Hindi na nagaksaya ng panahon si Zad at nilapitan sina Maylea at Calyx na ngayon ay nakaluhod na dulot ng sobrang kapaguran. Bago pa man niya ito magawa ay lumitaw sa harapan niya ang babaeng kasama nina Calyx. Matapang ang mga mata nito at animo'y hindi natatakot sa kaharap niyang prinsipe. Bagot na bumaling ang tingin sa kanya ni Zad at sinabing

"Umalis ka sa harapan ko Ms. Monteveros dahil kaibigan man kita ay hindi rin kita sasantuhin!" bago pa makagawa ng hindi kaaya-ayang kilos si Zad ay sinakal na siya ng babae. Sa pagsakal niya kay Zad ay tumigil rin ang lahat, ito ang nangyayari kapag ginagamit niya ang kapangyarihan niya. Her eyes turn into lavender just like her hair. Pinagkatitigan niyang mabuti si Zad saka ngumisi sa kaharap na lalaki. "Oh natahimik ka ata prinsipe ng apoy?" nginitian niya ng matamis si Zad "hindi mo ba natatandaan? Na hindi man kita kayang pantayan sa lakas ng paggamit ng mahika, kaya naman kitang higitan sa pisikalan" after she uttered those words, her hands glow and a tatto was created in Zad's neck. It's a chain around his neck. Saka niya itinulak si Zad palayo, sa pagkakabitaw niya kay Zad ay bumalik ang daloy ng oras. Handa na sana silang atakihin ng mga kawal ngunit napaatras silang lahat ng mapansin ang kalagayan ng kanilang pinuno. Pinalibutan nila ito at hinahayaan na makabawi ito ng lakas. Bumalik naman ang babae sa tabi nina Calyx. "Anong ginawa mo?" pagtatanong ni Maylea sa kanyang kaibigan. Ngunit isang ngisi lamang ang tinugon niya kay Maylea.

Hindi na sila nakatakas sapagkat bantay-sarado pa rin sila ng maraming kawal. Tuluyan ng nakabawi ng lakas si Zad, galit ang mga mata nito at handang ng pumatay. Ngunit kapansin pansin na humina ang kanyang presensya, animo'y may mahalagang nawala sa kanya. Hindi na siya nag dalawang isip ang lumikha ng atake........ Ngunit walang lumabas. Ni isang liwanag ng apoy ay wala. Nanlaki ang mata ng lahat dahil sa nasaksihan. Gulat na napabaling ang magkasintahan sa kaibigan nila na bakas ang galak sa kanyang mga mata. "Ginawa mo?!" singhal ni Maylea sa kanya, nakangiting tumango-tango ang babae. Animo'y pinagmamalaki pa ang kanyang ginawa. "Ano meron prinsipe ng apoy? Got a problem with your power now?" saka siya gumawa ng bolang apoy at hinagis sa kanya, na siya namang sinangga ng ilang kawal na nagdulot ng kanilang pagpanaw. Yeah.... That girl? Has the power to seal and steal someone's power. But not everytime she can do that, especially the stealing. Her main power really was to seal someone's power for how long she wants but because they enter the academy she learned to expand her power. Nanlaki ang mata ng lahat sa ipinamalas ng babae, they never thought she's capable of this. They underestimated her.

"Tumakas na kayo! Ako ng bahala rito!" umiiling ang ekspresyon ni Maylea sa sinambit ng kaibigan. "Hindi pwede! Hindi kita iiwan rito!" napangiti ng kaunti ang babae sa katapangan ng kanyang kaibigan. "Ayos lang Maylea, para sa mga inaanak ko" at duon na tuluyang bumalik sa reyalidad si Maylea, hindi siya o sila ang pakay ni Zad, ng kapatid niya, kundi ang dalawang munting sanggol na hawak nila. Hindi na rin siya makakalaban dahil kapapanganak niya lamang at ubos na ang kanyang lakas. Tinanguan na lamang ng babae si Calyx, "Ako na ang bahala rito. Mag iingat kay-" naputol ang sasabihin niya nang biglaan siyang yinakap ni Maylea. "Maraming salamat" at tuluyan na siyang naluha. "Ingatan niyo ang mga inaanak ko" huling pamamaalam nilang dalawa.

Patakbo ng umalis ang magkasintahan at lahat ng susugod sa kanila ay inaatake ng babae. "Mga ungas, ako ang kalaban niyo," hindi na gusto ni Zad ang mga nangyayari dahil wala ito sa plano niya. Inutusan niya ang mga kawal na atakihin nila ang bababe at siya ang hahabol sa dalawa. Habang abala sa pakikipag laban ang babae ay palihim siyang lumalayo at pumunta sa pwesto ng kaniyang kabayo. Sumasakay pa lang siya sa kabayo ay may atake ng sumalubong sa kanya. Isa itong patalim sa anyong apoy. "Tsk. Tsk. Hindi maganda yang ginagawa mo prinsipe ng apoy." wika ng babae at pinalagutok ang kanyang dila at dinugtong na "natatakot ka na ba?" hindi na nakatiis si Zad kaya inatake na niya ang babae gamit ang kanyang espada. Okay the battle starts here. You have 30 minutes to finish all of them, Saad ng babae sa sarili.

Kung iisipin ay napakalakas ng kapangyarihan ang ipinamamalas niya. She could seal and at the same steal someone's power. BUT everything has a consequence. Wala ng libre sa panahon ngayon. It takes a lot of her energy just to seal someone's power. What more for her to steal it? It takes a lot of energy, even her life is at stake. Parang ngayon lang, dahil sa pagiging maharlika ni Zad, may tatlumpung minuto lamang siyang palugit upang gamitin ang kapangyarihan ng prinsipe. After that thirty minutes? It's all done.

Sa kabilang banda naman ay ang dalawang magkasintahan na patuloy pa rin sa pagtakbo. Halata sa mga mata nila ang pagod ngunit hindi sila titigil, para sa dalawang bata. Ang gubat na kanilang tinatahak ay malapit lamang sa kaharian ng Pyroc, kung saan si Maylea nakatira. Sa sobrang lawak nito ay hindi na nila alam kung saan tutungo. May hinahanap silang puno kung saan ay naroon ang lagusan. Lagusan patungo sa kabilang mundo. Ito na simula palang ang plano nila subalit nalaman ito ni Zad kaya nasundan sila. Napagkasunduan ng dalawa na magpahinga muna. Umupo sila sa malalaking ugat ng puno at nag usap, "Mahal, sa tingin mo ba kaya pa natin?" nanghihina na ang loob ni Maylea sapagkat kanina pa sila tumatakbo ngunit hindi parin nila nakikita ang kanilang hinahanap. "Ano ka ba naman, Mahal? Huwag kang mag isip ng ganyan. Hindi kailanman sumuko ang Maylea nakilala ko at minahal ko." mahinahon at puno ng pagmamahal na sambit ni Calyx. Dahil doon ay bumalik ang lahat ng determinasyon ni Maylea. "Teka hindi kaba hahanapin sa palasyo niyo?" yeah. Calyx is a prince too, he's the heir of the Graund Kingdom. "Tsk. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi na ako babalik doon. Dito na ako sayo at sa pamilya nating mabubuo"

A prince and a princess, what a beautiful combination. Life could be so easy for the both of them if that law was never made. If that law was never made? They don't need to hide, they could live a normal life with their kids. But no, that law made their life miserable. Hindi na rin naman sila nagtagal at bumalik na muli sa paglalakad.

Makatapos ang kalahating oras ay nabigla sila sa malakas na pagsabog malayo sa kanila.

At doon pumasok sa isip ni Maylea ang kaibigan niya naiwan doon, "Hedda!" sobrang lakas ng sigaw ni Maylea ay nagambala ang mga ibong nanahimik sa kagubatan. Tatakbo na sana ng mabilis si Maylea ng pinigilan siya ni Calyx, "Calyx! Bitawan moko!" patuloy siya sa pagpupumiglas ngunit hindi siya hinahayaan ng kasintahan. "Mahal, huminahon ka." hindi parin papaawat si Maylea.

"Huminahon ka nga. Ang ingay ingay mo." at naroon ang babaeng iniiyakan ni Maylea, nakasandal sa puno at nagawa pang ngumiti. Nanlaki ang mata ni Maylea at inakap ng mahigpit ang kaibigan. "Akala ko kung ano na nangyari sayo" tinapik na lang ni Hedda ang kaibigan. Patuloy lang sila sa paglalakad sa loob ng kagubatan. Hanggang sa narating nila ang isang napakalaking puno, ang punong hinahanap nila. Ang lagusan. They didn't waste their time and Maylea uttered the words for the portal to open.

Bago pa sila makapasok sa lagusan ay may umatake kay Calyx, isang bolang itim na apoy. Muntik ng malaglag sa kanyang mga bisig ang sanggol na hawak niya dulot ng atake. Mabuti na lamang at nasalo ito ni Hedda, "Hulihin niyo na sila! Sawa na ako sa pakikipaglaro sa inyo!" ilang kawal ang sumugod sa kanila. Dala na rin ng matagal na pakikipaglaban at bagong kapapanganak ay hindi na napigilan ni Maylea ng makuha ng isang kawal ang sanggol na kanyang hawak, isang sanggol na babae. "Calyx ang bata!" napatango si Calyx at itinulak na lamang basta si Hedda, bitibit ang isa pang sanggol. Mabilis ang mga pangyayayri ngunit nakita niya pa na sinabi ni ni Maylea na "Magkikita tayong muli"

At naiwan mag isa si Hedda sa isang madilim na kagubatan rin ang kaibahan lamang ay nasa kabilang mundo siya, sa Mortalis World. Hindi pala siya nag iisa, kasama niya ang isang sanggol na lalaki.

Thank You For Reading!

Continue Reading

You'll Also Like

435K 18.1K 123
SYPNOSIS Reading Purifying Love made Rachelle D'magiba feel very insulted. The ending that the author had written didn't go well with her expectation...
188K 9K 51
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
1.4M 59.5K 95
!!ORIGINAL STORY!! Chae-hee, a Korean woman that escaped her past pains by moving to America. Enjoying her life working hard in a cafe, if she wasn't...
1.1M 38.9K 58
Princess Nymeria is well aware that her kingdom is in decline. It has been for hundreds of years after all. Unlike her ancestors, she's willing to re...