ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBE...

By bitchymee06

804K 27.2K 2.9K

R18|MatureContent|Romance|Action #COMPLETED - - - One organization; five merciless women. Behind their innoce... More

AO2
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
EPILOGUE

CHAPTER 13

21.7K 765 18
By bitchymee06

"Fvck!" I cursed silently as I fisted my hands with anger when Matthew Laqueza showed the picture of the man I hated the most.

Isang linggo na rin ang lumipas pagkatapos naming magkaharap lahat. Kasalukuyan naming tinatalakay ang impormasyon tungkol sa kalaban para mas mapaghandaan ang aming pagkilos.

"Farro Roque, ang namamahala naman sa mga armas at mga babaeng ibinebenta nila sa blackmarket," aniya habang seryoso na nakamasid sa 'kin. "He's living here in Manila," he added.

My forehead knotted on what he just said. Hindi ko naiwasan na tingnan s'ya nang masama dahil sa nag-uumapaw kong emosyon.

"Sa ilan taon kong pagmamatyag sa kanya ay wala ako ni isang nakita na tinutuluyan niya rito sa Manila," seryosong usal ko.

He smirked and played his finger on the table. "Dahil sa taas ka tumitingin at hindi sa ilalim," nakangising sambit niya.

Could that be?

"Yes, he is living under ground," he clarified then pressed the next slide.

Nagpatuloy s'ya sa pagpapakilala sa kabilang grupo ngunit nanatiling lipad ang utak ko sa lalaking ipinakita n'ya kanina; Farro Roque—ang taong nagdala ng bangungot sa buhay ko.

"Buhay ang kinuha at winasak nila sa 'tin kaya nararapat na iyon din ang isukli natin," malamig na wika ko pagkatapos nang pagpapakilala sa bawat myembro ng Ktinódis Syndicate.

We all spoke our anger towards them. Nagsimulang maglatag ng pangunahing plano si Aycxe at tinapos ang aming pag-uusap. Isa-isa kaming sumunod sa kanyang paglabas, hinayaan ang sirang projector sa loob ng silid dahil sa kagagawan nang maikling pasensya niya.

Pagod akong sumakay sa kotse ko at napapikit, pilit kinakalma ang sarili ko sa bumubugsong emosyon sa sistema ko. I took a deep breath then started my engine. Halos tatlong araw na rin buhat nang tuluyan na gumaling ang aking paa. Si Jairon ay balik na rin sa kanyang mga photoshoot kaya hindi ko na rin siya madalas makita sa loob nang nagdaan na araw na 'yon.

Nasa kalagitnaan ako nang pagmamaneho pabalik sa condo nang tumunog ang telepono ko. I glanced on my dashboard and found mom's name on the screen.

Nagpakawala ako nang malalim na hininga saka sinagot ang tawag, inilagay ko 'to sa loudspeak para hindi ko na hawakan pa.

"Yes?" tamad kong bungad.

"It's your brother's day, Quennie Rose," she reminded with my first and secondary name.

"I know. Ipade-deliver ko ang regalo ko sa kanya r'yan sa bahay."

I heard her sigh on the line, sign that she's disappointed at my action. "Can't you give this day for him? He's expecting you, anak," mahinahon na saad niya.

"Mom."

"It's been five years, anak. May pamilya ka rin naman na naghihintay rito sa bahay," may halong pagtatampo n'yang saad.

"Nagkikita naman tayo sa labas o kaya kumpanya Mommy," pagrarason ko.

"Iba pa rin kapag nasa bahay, Quennie Rose."

Napangiwi nalang ako sa palagi n'yang pagbanggit sa kumpleto kong pangalan.

"Kahit ngayon lang, anak. Kahit isang oras lang, pumunta ka naman dito. Hindi na para sa akin, para nalang sa kapatid mo," bakas ang lungkot sa kanyang tono nang sabihin n'ya iyon.

Wala na akong nagawa pa kun'di ang mapahilot nalang sa sintido ko. "Fine, I'll be there," pagsuko ko kasabay nang pagpihit ko sa manubela patungo sa ibang direksyon.

I heard her shrieked with joy and excitement. Tipid nalang din ako na napangiti at marahan na umiling.

"Sige na, ibaba n'yo na ang linya. I'm driving," I informed.

"Okay. Ingat, anak." Then the line ended.

I glanced at my phone and sighed again for the nth time. "Isang oras lang," bulong ko at kinagat ang ibaba kong labi habang tutok na nakatingin sa daan.



"ATE!" masayang hiyaw ni Jervien habang tatakbo na sumalubong sa 'kin mula sa gate.

Tipid akong ngumiti at hinayaan siyang yumakap sa 'kin. Marahan kong ginulo ang kanyang buhok bago siya marahan na kumalas sa 'kin.

"Happy 13th birthday," I greeted and gave him the small paper bag that I am holding.

Mabilis niya naman 'tong binuksan at napaawang ang bibig nang nakita ang nasa loob.

"Use that when you already reached your legal age," I said then tapped his shoulder.

"Can I see it?" nangniningning na matang tanong n'ya.

"It will be here after a couple of minutes," I answered.

Napapalakpak naman siya sa tuwa at muling yumakap sa 'kin nang mahigpit. "I am happy that you came ate, but I am more than happy because you gave me a car as a gift!" he exclaimed.

Natawa nalang ako at napailing sa kakulitan niya.

Sana man lang plinastik niya 'ko 'di ba?

"Let's go inside," pagyaya niya sa 'kin at marahan akong hinila sa braso.

Hindi ako nanlaban o umimik pa at hinayaan nalang ang kapatid ko na kalikadin ako. I roamed my eyes around the house, it feels nostalgic. Walang nabago ni isang design sa kabuuan ng palagid bukod sa nadagdag na halaman.

We went to the garden area where the party was being celebrated.

"Ate's here!" Jervien announced cheerfully.

Agad napunta sa 'kin ang atensyon ng lahat. Nakita ko ang munting gulat sa kanilang mukha na agad ding napalitan ng kasiyahan.

"Anak," nakangiting sambit ni Mommy at nakadipang naglakad tungo sa 'kin para bigyan ako nang mainit na yakap.

Si Daddy naman ay itinaas lamang ang hawak n'yang wine glass mula sa kanyang pagkakaupo sa mahabang dinning table.

"Ate," tipid na usal ni Gerald habang may ngiti sa labi.

Tinanguan ko lang naman siya kasabay nang pagkalas ni Mommy sa 'kin. "Buti naman at pinagbigyan mo kami ngayon," aniya.

I can't help but to rolled my eyes at her statement. "As if tatantanan niyo ko, Mom."

She giggled then gently held me on my arm. "Tara, sakto lang ang dating mo at magsisimula na kaming kumain," saad niya at hinila ako patungo sa hapagkainan.

Tulad nang ginawa ko kay Jervien at hinayaan ko lang si Mommy na hilahin ako. Naupo ako sa tabi niya habang nagsiupuan din naman sa kanilang pwesto ang mga kapatid ko.

Nagsimula kaming magdasal at astang magsisimula sa pagkain nang nakarinig kami ng busina mula sa labas. Nangunot ang aking noo at pinasadahan sila ng tingin.

"May iba pa ba kayong bisita?" nakaangat kilay kong tanong.

Dad just raised his glass for attention. "I invited someone over," he said.

"Who is it, Hon?" pang-uusisa ni Mommy.

"Our brand ambassador. You should pick him up, Quennie. Since you already knew each other," dad said without blinking.

Napaawang ang aking bibig sa isang tao na pumasok sa isip ko. "You mean, Jairon Dela Merced?" paninigurado ko.

Tipid na tumango si Daddy at hinintay ang pagkilos ko.

"Kumain ka na, anak. Ako na ang sasalubong sa kanya," agap ni Mommy.

"Okay," I simply answered and composed myself for my sudden nervousness.

Ngayon lang ulit kami magkikita pagkatapos ng tatlong araw. Maikli lang 'yon ngunit pakiramdam ko ay isang buwan kaming hindi nagkita.

Damn. Why is he affecting me this way?

Ilang sandali pa nga ang lumipas ay bumalik na si Mommy kasama si Jairon. Saglit kaming tumingin sa isa't isa bago siya pinaupo ni Mommy sa katapatan kong upuan.

I averted my eyes and just focused my attention on the food.

"Buti napagbigyan mo ang aking hiling, hijo," pakinig kong wika ni Daddy sa kanya.

"It's my pleasure to be here, Sir," Jairon said formally.

Palihim akong napanguso dahil tila isa siyang seryosong negosyante sa mga oras na ito. Gone with the playful Dele Merced, tss.

"We should start eating para naman mahaba ang ating kwentuhan," wika ng ama ko.

Mahinang tumawa si Jairon, dahilan para makaramdam ako ng paru-paro sa 'king tiyan. His deep baritone voice always lingered in my ears. Pilit ko itong iwinaksi sa isip ko at nakisabay sa pagkilos ng pamilya ko.

Nagsimula kaming magsalin ng pagkain sa 'ming plato. Panay ang asikaso ni Mommy sa 'kin at gano'n din kay Jairon.

"How's your modelling career? Sigurado ako na maraming nali-link in sa 'yong babae," tudyo ni Daddy sa kanya.

Jairon gave out a sexy laugh again. "Maayos naman po. Hindi na maiiwasan 'yan sa showbiz. Mas maraming publicity, mas maraming project," he stated.

"Media," simpleng usal ni Daddy na tila naroon na lahat ng punto.

Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan habang nanatili naman ang atensyon ko sa pagkain. Paminsan-minsan akong kinakausap ni Mommy o kaya ng mga kapatid ko na tipid kong sinasagot.

I don't know why I am feeling this way. Bago ito sa sistema ko at nakakatakot akong pangalanan iyon.

"Sobrang tahimik mo 'ata, anak," puna sa 'kin ni Mommy na ikinakuha ng atensyon ng lahat.

Gusto kong mapatampal sa 'king noo ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hilaw akong tumawa at umiling.

"Wala, Mommy. Gutom lang po ako kaya masyado akong focus sa pagkain," pagdadahilan ko kasabay ng peke kong pagngiti.

She looked at me worriedly. "Are you sure? Is this not because of Quene—Mom," agap kong pigil sa sasabihin niya. "I'm okay, it's just I am not on my mood to speak."

She nodded. "Continue eating," she said sweetly.

Tipid nalang akong ngumiti at astang kakain muli.

"I am going to take a leave for a week," Dad said suddenly which got my attention.

Nakatingin siya sa 'kin na animo'y hinihintay ang sasabihin ko.

"Good for you," I commented.

"You're going to handle the company for a while," aniya.

Mabilis akong napalingon sa kanya kasabay nang pangungunot ng noo ko. "What?"

He raised his left eyebrow at me and sipped on his wine glass. "I said you're going to take over the company for a while,."

Marahan ko namang binitawan ang kubyertos kong hawak at sumandal sa aking inuupuan. "Gerald can also run that, Dad," I pointed and looked at my brother.

Hindi naman siya makatingin sa 'kin at alanganin nalang na pinagpatuloy ang pagkain.

"Ikaw ang panganay, Quennie," iyon na naman ang gasgas na dahilan niya.

Pagak akong tumawa at napailing.

"You should take the responsibility of our company and to your siblings," dad added.

Hindi ko maiwasan na mapangiti nang mapait at tumingin ng diretyo sa kanya. "Can't you see, Dad? I can't. Hindi ko nagawa noon at hindi ko pa rin magagawa ngayon," pagsagot ko malayo sa kanyang sinabi.

Malamlam siyang tumingin sa 'kin. "It's been five years, Quennie. Stop blaming yourself for your sister's death," he said softly.

Napailing ako at hilaw na tumawa. "Thank you for the food, I'm going," walang emosyon kong wika at basta nalang nilisan ang lamesa.

Kung hindi ang sarili ko ay sino ang dapat kong sisihin kung ganoon?

Kung hindi dahil sa kapabayaan ko ay hindi mawawala si Quenevere.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 19.6K 42
Dice and Madisson
500K 10.2K 65
Ito po ang bago kong story! Sana po magustuhan niyo!
736K 27.2K 42
Upon losing his partner and best friend from the hands of a female serial killer, Phish Coleman didn't trust any woman at all. He never had any deepe...
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...