Meet Me In Mabini (City Serie...

By jowybee

741K 28.7K 28.3K

City Series #2 Ever since Natalia was a kid, she was always number 1. All throughout her life, she got used t... More

Meet Me In Mabini
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
End
Special Chapter

Chapter 24

14.1K 662 888
By jowybee

#MMIM24

Nagtawanan kami ni Lia habang inaayos niya ang sarili niya para sa pictures. Mas natawa ako dahil maski ang buhok niya ay inaayos niya pa, eh hahanginin rin lang naman sa 4 by 4.

Nandito kami ngayon sa Paoay para sa Sand Dunes. Naschedule na nina Margaux ang mga gagawin namin dito sa Ilocos bago sila mag-honeymoon kaya naman sinusulit na rin namin ang libre galing sa bangko ni Franco!

"Okay, let's ride there na lang." Rinig kong sabi ni Alice sabay turo sa gagamitin namin na 4 by 4.

"Wait, hindi na pantay," angal ko. Napalingon naman si Vale sa akin kaya umiwas ako ng tingin. "Five lang dito, tapos isa sa harap, diba? Nasa harap na si Selena. Doon sa isa, walang tao sa harap."

I was hoping Vale would take the hint. Bago pa siya makasalita ay nagsalita naman na agad si Raffy.

"Doon nalang ako," Raffy said.

Umiling kaagad ako. "Huh? Dito ka."

Si Vale na ang mag-adjust! Ano ba yan?!

Sinamaan naman ako ng tingin ni Raffy kaya ngumiti na lamang ako.

Hindi niya naman siguro alam na pinaparinggan ko si Vale, 'no?

Raffy tried forcing it, but I immediately grabbed her arm. Ayoko naman makatabi si Vale dito. Baka kung ano pa masabi ko.

"Dito si Raffy! Decide na lang kayo kung sino d'yan, ah!" ani Lia, kaya naman napalingon ako sa kanya.

Tumingin ako kay Vale na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Are you really doing this to Raffy and Claude?" he whispered.

"Huh? Ayaw lang kitang kasama," I told him. "Tska kung may aasarin man ako kay Raffy, ikaw 'yon. Bagay kaya kayo."

Tumaas ang kilay niya sa akin habang nagtatago ng ngisi. "Mga linyahan mo, bulok."

I scoffed. "Wow!"

When I found myself almost laughing, pinigilan ko agad ang sarili ko.

Why is he making jokes? How did he do that?! Paano ko biglang nakalimutan yung awkwardness?

Nang makita kami ni Raffy na nagpipigil ng tawa ay pinandilatan niya agad kami. I looked in front, pushing Raffy towards Claude. Lubusin ko na rin para sa kanilang dalawa! Ni hindi pa nga ata sila nagpapansinan ngayong araw na 'to, eh.

Nagulat ako nang itulak rin ni Vale si Raffy palikod. I looked over at him, and he was already looking at the view. Umiwas na rin ako ng tingin.

Ang gwapo naman kasi. Ayokong makita.

Si Vale ay naka-kapit sa isang dulo at si Lia naman sa kabila, kaya wala rin akong choice kungdi kumapit sa braso nilang dalawa. I saw Vale's adam's apple move while he looked further away.

Umirap nalang ako sa kawalan at nginitian si Lia na enjoy na enjoy ang hangin. Kay Lia na lang ako kumapit para naman wala nang masabi si Enrique.

"AAAAH!" we both screamed.

Nang medyo tumilapon ang 4 by 4 ay napansin agad namin si Raffy sa likod na napunta kay Claude. I tried my best to hide my laugh.

"Okeh kah-yoh?" Vale asked.

Without thinking, I elbowed him right in his stomach. Natawa naman siya at tumingin sa akin.

I bit my lip and looked away once again

 Ang hirap naman. Ang hirap pigilan yung tuwa. Ang hirap pigilan ang sarili kong mamiss siya. Ang hirap dahil kapag tumatawa kaming dalawa, pakiramdam ko, umuuwi ako. Pakiramdam ko, okay na ulit ang lahat.

For the rest of the ride, I tried my best to avoid Vale. It was too easy for him to make me smile. It was too easy because it was.. familiar. And it scared me.

Pagkabalik namin sa resort ay naligo na rin kaming lahat. Habang nagpapalit ako ng damit, nakita ko agad si Rafaela na nakatulala sa hangin.

"Uy" I called. Napatingin naman siya sa akin. "Paselosin mo kaya si Claude?"

"Uy!" Lia suddenly said. "Pwede!"

"Hoy, ang highschool naman ng plano niyo!" umangal naman si Selena.

I laughed and zipped up my white tank top.

"Thank you! Finally! Someone who's mature!" ani Raffy habang umiiling.

"Hindi lang dapat selos!" Ngisi ni Selena. "Dapat ipaniwalang may bago na 'tong si Raf! May girlfriend na yung tao. Edi yung gawin ni Raf, ipakita na hindi siya affected!"

I grabbed my comb and looked outside. "Pwede namang si Vale!"

Lumingon si Lia sa akin. She gave me a concerned look, but I ignored it and smiled. "Claude was jealous of Vale before. I remember there was this one time, after ng game nila sa UB, he told me he saw your leave with Vale. Naka-akbay pa daw si Vale sa'yo no'n.."

"Wow, alalang alala?" Selena threw a pillow at me. I laughed and threw it back at her.

I looked at Lia, desperate for some back-up.

They went on about the plan, pero ayaw ni Raffy kaya tumigil na rin kami. Habang naglalakad kami patungo sa seaside, sinabit naman bigla ni Lia ang kamay niya sa kamay ko. I smiled at her and looked at the others who were already excited for the food.

"Hoy, Natalia." Lia whispered. "Bugaw bugaw mo si Vale jan, mamaya ikaw pala nasasaktan."

I swallowed and smiled. "Grabe ka! Okay na ako!"

I knew she could already see through my lies kaya niliitan niya lang ako ng mga mata.

"Really? Kapag inasar ko yung dalawang 'yon, hindi ka mahuhurt?" she said in a suspicious voice like she already knew the answer.

I forced out a scoff. "Me? Of course not! Bagay nga sila eh! Mas gusto ko si Raffy para kay Vale kaysa naman kay Theo."

Hindi na ako sinagot ni Lia. Tumayo kami doon samay mesa ng boodle fight at tumabi na rin ako kay Raffy. Beside her was Vale who looked like he was texting.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa baba.

Hindi ka affected, Natalia. Hindi ka apektado.

Nang magsimula kami kumain ay natawa kami sa kababuyan ni Raffy. Umabot pa kasi sa ilong niya yung sauce kaya naman pinunasan ni Vale ang ilong niya. I forced a smile and pushed her towards him. Sinamaan niya naman ako ng tingin, and Vale looked at me with a confused expression.

"Umayos ka na," ani Raffy.

Binelatan ko na lang siya at sinubo yung shrimp sa puno niyang bunganga.

"Natalia knows best." I smiled.

"Alice, ano na pala balita sa bago mong advertisement?" Rinig kong tanong ni Lance.

Kumunot naman ang noo ko.

Advertisement? Kaya ba sila magkakilala ni Claude? Marketing si Claude, diba? Oo, parehas kami ng kurso, eh!

"Anong advertisement? Waze ba-" tanong ko.

Siniko na agad ako ni Raffy bago ko pa madagdagan yung tanong kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

Hindi naman narinig ng iba yung sinabi ko kaya naman nagpatuloy ako sa pag-kain. Napatigil na lang ako nang tignan ako ng Vale habang nakakunot ang noo. Ano ba problema niya?!

"Aww! Ang sweet naman!" malakas na sabi ni Lia nang ilagay ni Vale ang baso sa labi ni Raffy dahil may sauce ang dalawang kamay niya.

I looked over at Lia, trying to show her I wasn't affected, but it looked like she got what she wanted by seeing my reaction. Inirapan ko siya at tinignan ulit si Vale at Raffy.

"Bagay kayo!" I teased. "Future doctors pa, aba! Talino siguro ng magiging anak niyo."

Ramdam ko ang pag-sipa ni Raffy sa akin sa ilalim ng mesa. Vale already looked pissed. Umiwas na lang ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain ko.

Why is he angry? It was just a joke! It's not like his future girlfriend is here to hear it.

The next day, nag-ayos na kaming lahat dahil mukhang matutuloy ang plano na mag-Batac. I wore khaki shorts and a black tank top. Nag-black belt rin ako para mas kita ang maliit kong bewang. Nagulat na lang ako pagkarating namin sa parking ay naka-khaki shorts rin si Vale at kulay itim na t-shirt. He was wearing shades, pero kita ko naman ang tingin niya sa cellphone niya.

"Hala, couple outfit?" Tumawa si Hanzo sa tabi ko. Siniko ko kaagad siya at sinamaan ng tingin.

"Hoy." I said in a serious tone. "No jokes about us."

"Oo na!" He laughed.

"Tska parang siraulo 'yang Vale na 'yan. Ang init init tapos magsusuot ng itim." I rolled my eyes and put on my shades.

Kumunot naman ang noo ni Lia sa akin na papasok na sasakyan. "Naka-black ka rin ah!"

Nilabas ko ang dila ko sa kanya at pumasok na rin sa sasakyan ni Franco. Gulat na lang ako na lahat sila ay nandoon na pala. Si Vale at Raffy na lang ang wala, ibig sabihin either si Vale o si Raffy ang makakatabi ko. Sana doon siya sa sasakyan ni Claude!

"Hoy sandali! Ako na d'yan!" sabi ko sa mga naka-upo sa likod. "Hoy, sige na!"

"Ayoko nga. D'yan ka na." Ngumisi si Lia sa akin.

Pinandilatan ko na lang siya at humalukipkip. Baka naman si Raffy makakatabi ko. Nang pumasok si Vale sa sasakyan ay tumingin na lang ako sa labas.

Bakit kasi ang bilis niya?! Bakit di niya nalang pinauna si Raffy?!

"OMG! Ito yung kanta nung ano," Biglang sabi ni Margaux sabay tingin kay Raffy. "When you called me up and told me you were gonna get drunk!"

Umirap naman si Raf. "That was years ago."

Vale looked at me and made a face. Inirapan ko siya at tinignan si Raffy na mukhang naiilang habang nagsasalita sina Franco kaya naman napangiti ako.

"In love na in love sa'yo noon!" pang-aasar ni Margaux kay Raffy. Mukhang napatingin rin si Vale kay Raffy kaya tumikhim ako.

"Eh ngayon iba na yung naka-upo sa front seat ng sasakyan niya, e," I mindlessly said.

Vale looked at me and immediately looked away.

Ano? Guilty ba siya? Totoo naman, diba? Iba naman na talaga ang naka-upo sa front seat ni Claude!

Iba na rin ang naka-upo sa front seat niya.

Once we reached Batac, kumain kaming lahat ng mga kung anu-anong nabili namin doon. Pinagconnect connect rin yung mga tables para magkakasama kaming lahat. I looked over at Vale and Raffy who suddenly left to go get ice cream.

Nilakihan ko ng kagat ko at huminga ako nang malalim. Ngumisi naman si Hanzo na nasa tabi ko at nilapit ang mukha niya sa akin.

"Bakit yung baby boy mo iba naman na binibilhan ng ice cream?" tanong ni Hanzo sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala akong pake."

"Weh? Di ka affected?" He took a bite from his empanada.

"Nope." I answered non-chalantly, clearly popping the 'p'.

"Sige nga, picturan mo sila. Dali." Ngumisi si Hanzo.

I bit the insides of my cheek, already feeling pain in my chest. Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan si Hanzo.

"Fine," I said and ran after them.

Pagkarating ko sa kanila, hindi ko na tinignan si Vale. I smiled at Raffy and took out my phone.

"Picturan ko kayo!" I said.

"Oh game, dito ka sa likod ko," sabi naman ni Vale.

Nagulat na lang ako nang i-piggyback niya si Raffy. Halos mabitawan ko pa ang cellphone ko.

Wow, Vale. Gusto mo ata may ganitong picture kasama lahat ng babae? Kayo ni Theo, gusto mo ganyan rin?

"Airdrop!" I forced a smile.

"Wait kunin ko phone ko sa car." Paalam naman ni Raffy bago tumakbo patungo sa sasakyan ni Franco, which left Vale and I alone.

He stared at me, with no expression in his eyes. Umiwas naman ako ng tingin.

It's too hard. Ang hirap naman ata nitong trial card na 'to. Nakakapagod magkunwari.

"What?" I asked him when he wouldn't stop staring.

"What's with your jokes?" tanong niya. "Why are you pushing Raffy ba sa akin? Is this because of Claude?"

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

"Gusto mo bang maging kami ni Raffy para kayo ang magkatuluyan ni Claude?" tanong niya sa akin. I could almost hear the pain in his voice. "He has a girlfriend, Natalia."

Napaawang ang labi ko.

Is he serious right now?!

"Seryoso ka?" I scoffed.

Umiigting ang panga niya ngayon. I looked away so that I wouldn't focus on how he looked. I was too angry.

"Your jokes, Nat. Narinig ko pa yung sinabi mo tungkol sa girlfriend niya."

"Anong sinabi ko?!" I defended.

"Yung waze," he said.

Tumahimik na lang ako. He doesn't get how hard this is for me. Ang nasa isip niya, si Claude pa rin ang gusto ko.

"Did those three years and a half mean nothing?" tanong ni Vale sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Anong nothing?! Ikaw 'tong may girlfriend na tapos magno-nothing nothing ka jan?!"

Hindi ko sinadyang lakasan yung boses ko. Mukhang napatingin pa yung nagbebenta ng ice cream sa amin.

"Girlfriend?" he asked.

"Don't act dumb, Vale," I scoffed. "H'wag mong itago yung jowa mo ngayon, the same way na tinago mo ako-"

"Hindi kita tinago." He shook his head and looked away. He already looked so angry. "Ikaw yung nagpilit, hindi ba? Ikaw yung nagsabing itago natin? Ikaw, Natalia. Sinundan ko yung gusto mo. Ikaw may gusto no'n."

Mukhang pabalik na si Raffy kaya pinunasan ko yung pisngi kong basa na pala dahil sa luha. Hindi ko na sinagot si Vale. I walked towards Raffy and we both walked back to the tables.

The days went by, and I just focused on getting through the week. Sobrang draining talaga. Mas nainis pa ako nung tinawag kaming dalawa ni Raffy para ikwentong naghalikan sila ni Claude dahil napunta nanaman kami sa isang kwarto.

Raffy was already crying, and we both tried to comfort her. Mukhang hilong hilo na rin siya sa nangyayari sa kanilang dalawa. Hindi ko naman alam kung anong advice ang maibibigay ko sa kanya dahil nandito rin si Vale.

"I gotta go buy water," she said and stood up. "Balik ako."

"Ako na lang," Tumayo naman si Vale. "You stay here."

"No, I need.. air, rin." She forced a smile. "Hintayin niyo nalang ako dito!"

Huminga ako nang malalim at tinignan si Vale. We haven't spoken since that time in Batac. Matatapos na sana 'to nang tahimik eh.

Tumayo ako at naglakad na rin patungo sa pintuan. Ayoko siya kausapin. Ayokong makipagaway.

"Nat."

"Oh, baka sabihin mo nagseselos ako na hindi ako yung hinalikan ni Claude?" I said and crossed my arms.

Kumunot naman ang noo niya.

I gave him a cold look, trying to stop myself from crying.

"Ano ba problema?" he asked. His voice sounded desperate. "I only told you the truth. I told you that you wanted it to be kept a secret."

"Bakit mo ba pinagpipilitan na si Claude yung gusto ko?" I asked him. I knew tears were already filling up my eyes, kaya umiwas ako ng tingin. "Ang hirap neto Vale. Ang hirap para sa akin."

"It's a week, Natalia."

"It's not just a week, Vale!" I cried. "It's every single day! Ilang buwan na akong nasasaktan, nahihirapan!"

Natahimik siya. He sighed and looked away.

"Alam mo ba yung pakiramdam na 'yon? Yung araw-araw na lang, lagi kong iniisip na, sana alam niyang nasasaktan pa rin ako. Sana alam niyang hindi naman 'to madali para sa akin kahit na ako naman yung pumili na itago namin 'to. Sana alam niyang minahal ko naman talaga siya kaya ang hirap hirap bitawan!" I couldn't stop myself from speaking. "Siyempre, hindi mo alam! Kasi ang bilis bilis mong bumitaw. Napagod ka, eh. Naiintindihan ko naman. Pero sana naman hindi mo ipaglantaran sa akin tuwing nasa simbahan tayo na masaya ka na sa iba."

He couldn't answer me. Lumabas ako ng kwarto at tumakbo patungo sa tabing dagat. Nandoon sina Lia sa pool kaya hindi ako dumaan doon. Ayokong sirain 'tong linggo na 'to para kay Margaux at Franco.

Humagulgol ako habang nakatingin sa dulo ng dagat. It was never ending, but my eyes remained on the line between the ocean and the sky. My feet were on sand, but it felt like I was drowning. Parang binuksan nanaman ako at bumuhos nanaman lahat ng mga luhang tinatago ko.

"Ang hirap naman!" I shouted.

Nagulat na lang ako nang may maramdaman akong kamay sa likod ko. I immediately saw Claude with a concerned look on his face. Niyakap ko kaagad siya at mas binuhos yung luha ko.

"Hey, what's wrong?" he asked while I hugged him tighter.

"Bok, san mig ba o pale pilsen? I just got us both-"

Tumingin kaming dalawa kay Hanzo na may hawak hawak na bucket na puno ng beer. Napalitan agad yung ngiti niya nang makita akong umiiyak.

"Hala, Nat," ani Hanzo sabay yakap sa ulo ko. "Tawag na ba ako ng resbak?"

"Hoy," tumawa si Claude sabay batok kay Hanzo.

Umupo kaming tatlo doon habang pinapanuod yung sunset. They both drank their beer as I dried off my face.

"So are you gonna tell us?" tanong ni Claude sabay inom galing sa bote niya.

"Sabihin mo na, Nat," ani Hanzo habang tinatanggal yung cap sa bote niya. "Ako na lang mag-sabi. Si Vale at Nat kasi-"

"Hanzo!" agad kong sabi.

Nanlaki naman ang mga mata ni Claude nang marinig niya 'yon. "Vale?"

"Can you both just-" Pinandilatan ko silang dalawa.

They both shut their mouths and looked back at the sunset.

"Pre, tinago nila ng dalawang taon!" sabi ni Hanzo habang humihilig palikod para tignan si Claude, and Claude did the same thing. Ako yung nasa gitna nila kaya kinuha ko yung dalawang ulo nila at pinag-untog 'yon.

"Aray." Hanzo rubbed his head. "Sadista!"

"Hindi dalawang taon 'yon!" I defended.

"Eh nung grumaduate ka, may something na kayo diba?" tanong ni Hanzo.

Tumango ako at kinuha yung iniinom niya. "Three years."

"Three years?!" they both asked in unison.

I took a sip from the beer bottle and nodded. "And a half."

"Magaapat na taon kayong walang label?!" tanong ni Hanzo sa akin.

"Tibay niyo, ah!" Tumawa si Claude.

"Brad, hindi nga matibay, umiiyak na nga ngayon, eh," sabi naman ni Hanzo.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumingin na lang siya sa taas. I shook my head and looked at the beach once again.

Three and a half years.

"At least hindi ko na pala kailangan pagselosan." Ngumiti si Claude.

"Bobo ka, may girlfriend ka." I told him. "Hoy, alam ko nangyari sa inyo nung isang gabi."

"Anong nangyari?" tanong bigla ni Hanzo habang binubuksan yung isa pang bote. "Direk, ready na po ba for mature roles?"

"Utak mo!" Tumawa si Claude. "Walang gano'n."

"Ah, buti naman," Tumango si Hanzo.

"Mali pa rin, Claude," I told him. "Meron kang girlfriend."

He sighed and smiled bitterly. "I know. Ako nasa mali dito. I'm not justifying it."

I rested my head against his shoulder and sighed.

"Mahal mo 'yon?" tanong ni Claude sa akin.

I felt my tears building up once again. Tumango ako. "Sobra."

"Grabe kayo!" Tumawa si Hanzo. "Ah, basta ako walang problema. Mabuti akong boyfriend."

"Talaga, sasabihin mo pa bang wala?" I laughed at him.

He immediately shut his mouth and looked away. Umiling siya at tumawa. "We're getting old."

"Yeah, we are." I sighed. "Ang hirap talaga sa Church, honestly. I always see Theo and Vale there and it just.. I feel like I'm stuck, you know? Pakiramdam ko ang daming naghihinder sa akin na mag-grow."

Claude patted the side of my head using his other hand. "Ayaw mo mag-Manila? Diba sabi mo noon, doon mo gusto mag-trabaho?"

Tumango ako. "Yung magazine nga na gusto kong pasukan sana, kamag-anak pala si Vale yung CEO."

"Oh edi abushin mo na," Hanzo said.

"Ayoko!" I laughed. "They offered me a job there, but.."

"You can't let him determine your decisions, bunso," sabi naman ni Claude. "Kung sa tingin mo, yun yung nakakabuti sa'yo, doon ka pumunta. I wanted to stay in Baguio. Pero umalis ako dahil akala ko impractical. Look at how much I'm regretting it."

"Edi sa Baguio na nga lang ako!" I laughed.

"Hindi 'yon yung point ko." Claude chuckled. "Kung yung nasa puso mo, Manila, then go. My heart was in Baguio, and I left. Yun yung desisyon na pinagsisisihan ko."

I bit my lip as Claude spoke.

I could still apply, I guess..

"Kung ako sa'yo, punta ka na." Ngumisi si Hanzo. "Para naman may kasama ako sa Manila!"

The week finished, and I barely even spoke to Vale. Nung pauwi na, Raffy insisted that we ride with Vale, kaya naman pumayag na rin ako. She was having a tough time, and I couldn't say no.

Sa likod na ako sumakay para hindi ko na rin makausap si Vale. Tulog lang ako buong byahe pabalik ng Baguio at nagulat na lang ako na nandoon na pala kami sa bahay nina Raffy. I folded my arms as I said goodbye to Raffy.

"Hindi ka lilipat sa harap?" tanong ni Raffy sa akin.

Umiling ako at ngumiti. "Review well."

Bago pa magsimulang magmaneho si Vale ay lumingon ulit siya sa akin. I looked at him bit my lip. Bago kami umalis sa Ilocos, nag-email na ako sa magazine ng tita niya.

"Anong dinner gusto mo?" he asked.

My heart already felt heavy hearing him ask that.

Is he being this way because he knows I'm having a hard time? Is this pity? Is this his way of saying sorry?

"Wala. May pagkain sa bahay." I answered and looked away.

Hinatid niya ako sa bahay ng walang imik. Pagkarating namin sa harap ng gate namin, I clutched on the letter I wrote for him just before we left Ilocos. Tinago ko 'yon sa jacket ko at umiling. Ayoko nang ibigay.

"Thank you." I said while we helped me with my luggage.

Tumango siya at bumalik sa loob ng sasakyan.

Bumusina lang siya ng dalawang beses at umalis na. Kinuha ko ulit yung letter sa jacket ko at huminga nang malalim.

That week, I was scheduled as a worship leader para sa youth night namin kaya naman nagpractice nanaman kami ng Thursday night. Nagulat na lang ako pagkauwi ko galing ng practice ay may tumawag sa akin

"Hi, is this Miss Natalia Samson?" tanong nung babae sa kabilang linya.

"Yes po," I said.

"We're calling from Radiente Magazine, regarding your job application. I'm assuming you've read our e-mail? How soon can you start?"

Nanlaki ang mga mata ko. I immediately opened my macbook and went to my mail. "Sorry! I haven't seen it po."

"Oh! Well, nakalagay lang d'yan sa business proposal yung offer, but you can sign your contract once you're here in Manila," sabi nung babae. "You have a very impressive resume, Miss Samson."

Hindi ko napigilan ang ngiti ko. "Thank you."

"The offer covers your moving expenses and the starting salary is also mentioned na rin. Can you start next week?" tanong nung babae.

Nanlaki ang mga mata ko.

Nothing was holding me back. Wala akong iniisip na iiwan dito sa Baguio. This was what I've been aiming for ever since I've started college.

After youth night, I gathered up all of my courage to go near Vale. I'm almost leaving. Iilan palang ang sinabihan ko. Magsisleepover pa ata kami sa bagong bahay nina Franco kaya may pagkakataon pa akong ipaalam sa kanila. After that, I'm gone.

"Vale," I called as he was fixing his gadget for his electric guitar. Lumingon kaagad siya sa akin, halos mabitawan ang hawak niyang  gadget. "Can we talk?"

Sabay kaming pumunta sa tech booth. Sinara namin yung pintuan para hindi rin masyadong maingay.

He blinked a  couple of times while looking at me.

It was as if I saw.. hope in his eyes.

I smiled. "Wala lang. Goodbye."

"Ha?" He laughed. "You called me here para magpaalam na uuwi ka na ng bahay mo?"

Natawa rin ako. I'll miss his laugh. His smile. His voice. The way he places his guitar pick between his teeth. I never really gave him much thought as I said yes to Manila last night.. but I'll miss him.

Tumango ako at niyakap siya. "Bye."

He seemed taken aback, pero niyakap niya rin ako. I quickly placed the letter in the back pocket of his jeans. I smiled bitterly and pulled away. Binuksan ko na rin ang pintuan ng tech booth para makaalis na.

"Nat," he called.

Napalingon ulit ako sa kanya.

He gave me a small smile. "Ingat ka."

Para bang nasaktan ulit ang puso ko. His face was full of hope.

Iniisip niya bang.. ito ang simula ng pagiging okay namin? Iniisip niya bang babalik sa dati?

Nagpigil ako ng luha at nagpilit ng ngiti.

Goodbye, Vale.

Mag-ingat ka rin, ha?

Continue Reading

You'll Also Like

132K 3.3K 80
G3 series #1 - an epistolary 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝 don't sleep on me, little girl.
4.7K 501 143
pov: it's 2020 and you went inside the wrong car and got stuck in a lock down with a stranger *** Miara met Primo because of a mistake. Will this cha...
92.5K 1.4K 13
FIN July 28, 2019 Sonia Marienne Calderon has nothing else to prove to the world. She has reached the very top and became the infamous fashion busine...
81.3K 3.2K 44
Shaunelle Vaccarelli writes letters; letters to her parents; to her friends; to the people who hurt her. She only writes for people who were and are...