Hugo's Secret [Boyxboy] (Comp...

Par IThinkJaimenlove

399K 17.6K 2K

Hugo is a man of every girls dream. Para sa kanila, he's perfect because of his appearance - gwapo, matangkad... Plus

Hello, Buddies!
Blurb
Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3: The Last Secret
UNDER THE MOONLIGHT
ONE LAST CHANCE
SIMONʼS SECRET

Chapter 38

6.1K 303 50
Par IThinkJaimenlove


Aki's Point Of View

Iniisip ko na panaginip na lang ang lahat, na bumalik na lang dati sa kung papaano kaming dalawa na hindi pa magkakilala.

'Yung mga panahong pinagkakasya ko na lang ang sarili na pagmasdan siya mula sa malayo. Panahong hindi pa niya nakikita ang existence ko. At, 'yung mga panahong hindi pa nagtatagpo ang landas naming dalawa.

Gusto kong kalimutan siya, maka-move on at gusto kong maghilom na itong sugat na ginawa. Pero 'di ko alam kung papaano ko gagawin. Dahil sa tuwing sinusubukan ko, paulit-ulit naman siyang bumabalik sa isipan ko.

"Anak, hindi ka ba papasok ngayon?" Napatingin ako sa pinto nang magbukas ito at pumasok si Mama. Nakatayo siya doon habang malungkot na nakatingin sa akin. "Tatlong araw ka ng nagkukulong dito," sabi pa nito.

Umiwas ako ng tingin. Hinila ang kumot upang takpan ang buo kong katawan. Ayokong makita niyang nagsisimula na namang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata.

"W-Wala naman po kaming gagawin, 'Ma," sabi ko. Pinipilit kong ayusin ang tono ng boses kahit na halata na rito ang pautal-utal kong pagsasalita.

Ang hirap pigilan ang mga luha ko. Napakababaw nila. Palagi kong sinasabi na matapang ako ngunit kapag naaalala ko na siya, bigla na namang bubuhos ang aking mga luha.

Naramdaman ko ang pag-upo nito sa aking kama at ang pagpatong ng kaniyang kamay sa ibabaw ng kumot na nakabalot sa katawan ko.

"Ayos ka lang ba, Aki?"

Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot at tumingin kay Mama. Nagulat siya nang makita niyang tuloy-tuloy na bumubuhos ang luha sa aking mga mata.

"M-Mama..." Bumangon ako at mabilis ko siyang niyakap.

Hinaplos niya ang likod ko na pinapatahan niya ako. Hindi siya nagsalitan. Marahan lang niyang hinahaplos ang likod ko habang mahigpit niya akong yakap. Mas lalo kong isiniksik ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

Tatlong araw na magmula nang huli kaming magkita at tinapos ang ugyanan naming dalawa. Tatlong nang hindi ko siya nakikita, nahahawakan at naaamoy. Tatlong araw ng walang Hugo sa tabi ko na yakap-yakap ako at ipinaparamdaman kung gaano niya ako kamahal, na ngayo'y nagdududa na ako kung totoo ba ang lahat ng ipinaramdam niya sa akin.

"Sshhh..." Marahan niya akong hinahaplos, pinapatahan sa tuloy-tuloy na pag-iyak. "Magiging maayos din ang lahat. Magiging maayos ka rin. Dahil hindi ito ang Aki na kilala ko. 'Yung Aki na alam ko, masigla iyon kahit na walang kaibigan. Iyong Aki na matapang, kahit na takot sa dilim. At, 'yung Aki na mahal na mahal ko."

"M-Mama... H-Hindi ko po alam," umiiyak kong sabi. Hinarap ko si Mama at tumingin ako sa kaniyang mga mata. "H-Hindi ko po alam ang gagawin ko," pag-uulit ko.

Sinusubukan kong ayusin ang pananalita ko upang lubos niya akong maintindihan ngunit 'di ko magawa. Nahihirapan ako magsalita dahil na rin sa paninikip ng dibdib ko at ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ko.

Hinawakan niya ang magkabila kong mukha. Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata gamit ang kaniyang hinlalaki. Nakikita ko ang awa sa kaniyang mga mata.

Hinahaplos niya ang medyo mahaba ko ng buhok at patuloy niyang pinupunasan gamit ang palad nito ang aking mga mata.

"Kaya mo iyan, Akierra. Nandito lang naman ako, kami ng mga kapatid mo." Ngumiti si Mama. "Kahit hindi mo sabihin kung ano man iyang pinagdadaanan ko, alam na alam ko dahil ako ang ina ko. Ako iyong nagluwal at nagpalaki sa 'yo. Kaya alam kong makakaya mo iyan, 'Nak. Magiging masaya ka ulit katulad ng dati."

Itinatak ko sa aking isipan ang sinabi ni Mama na makakaya ko. Susubukan ko, kahit mahirap gawin. Ito ang unang heartbreak ko, at hindi ko inaasahan na napakasakit pala.

Hindi na rin ako sumagot sa sinabi ni Mama dahil umiyak lang ako. Hinahaplos-haplos naman niya ako upang tumahan ako sa pag-iyak. Hindi ako iniwan ni Mama sa loob ng kuwarto ko hanggang sa makatulog ako.



Kinabukasan ay kahit ayoko pang pumasok ay pinilit ko ang sarili ko, dahil na rin sa nalalapit na exam. Sabay na kami nina Mama pumasok sa kani-kanilang papasukan.

Pagdating sa University ay mabilis ang tibok ng puso ko. Naninikip ang dibdib ko ngunit tinatagan ko. Ayokong magmukhang kawawa sa harapan niya kapag nagkita kaming dalawa.

Hindi ko pinansin ang iilang mga studyanteng napapatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isipan nila, kung bakit sila nakatingin sa akin ng kakaiba. Diret-diretso lang ang lakad ko, nakatungong naglalakad patungo sa aming classroom.

"You're finally here!" Natigilan ako.

Inangat ko ang tingin ko at bumungad ang nakangiting si Mina sa akin. Mabilis niya akong nilapitan at niyakap kaya hindi agad ako nakagalaw. Nanatili ako nakatayo sa hallway dito sa aming building, nakatingin sa taong nasa likod ni Mina.

Bakit siya nandito?

Nanlaki ang mga mata ko nang may sumalubong sa kaniya. Niyakap siya nito at sabay na silang naglakad papalayo.

"Auhmmm..." Umayos ng tayo si Mina. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa aking mga mata. "Why?"

Mabilis akong umiwas ng tingin. "Wala. T-Tara na sa loob," sabi ko. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa dahil agad ko na siyang nilampasan at naglakad papasok sa aming classroom.

Kakabalik ko lang at gano'n na agad  siya kabilis na palitan ako. Mabuti pa siya, mabilis na makalimot. Dahil siguro malamang ay hindi naman lahat totoo iyong mga pinaramdam niya. Katulad din siya ng ibang mga lalaking pagkatapos kang tikman ay ipagpapalit ka na sa ibang putahe.

"K-Kanina ka pa tahimik diyan. Ano bang mayroon?" tanong ni Mina.

Malungkot akong tumingin sa kaniya. Nagulat siya sa ekspresiyon sa aking mukha. Dahil alam kong maging siya ay hindi ako nakikita na ganito ang kalagayan.

Sa ikli ng panahong naging magkaibigan kami, alam kong kilala na niya ako. Isa siya sa naging instrumento upang magkakilala kaming dalawa ni Hugo. Iniisip ko na lang na wala siyang kinalamaan sa lahat ng nangyari sa aming dalawa ni Hugo.

"Wala. Iniisip ko lang ang paparating na exam," sagot ko. Umiwas ako ng tingin.

Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at iniharap sa kaniya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniyang mga mata dahil ayokong makita niya malungkot mga mata.

"Aki, tumingin ka nga sa akin. Tell me the truth, why are you like this?" Tumingin ako sa kaniyang mga mata.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, nauutal.

"What happened to you and Hugo?" tanong  niya, hawak-hawak pa rin niya ang magkabila kong balikat.

Hindi ako sumagot. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang ano mang luhang gustong dumaloy mula rito. Ayokong makita niya kung gaano kasakit ang ginawa ng pinsan niya, kung gaano kalalim ang sugat na nagawa niya at kung gaano kahirap na bumangon mula sa pagkakadapa.

"W-Wala nga!" sagot ko. Napabuntong hininga na lang siya nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin.

"Just tell me if you're ready. I'm always here to listen, because I am your friend. And, I will never leave you."

Gusto ko na namang humagulgol ngunit nasa loob kami ng classroom. Kaya tumingin ako kay Mina, na malungkot na nakatingin din sa akin. Kahit na hindi ko man sabihin, sa paraan ng pagkakatingin nito'y alam na alam na niya kung ano ang nangyari sa aming dalawa ng lalaking iyon.

"Salamat," sabi ko. Mapait akong ngumiti na sinuklian naman niya ng isang matamis na ngiti.

Nagpapasalamat na rin ako dahil kahit papaano ay mayroon akong kaibigan na katulad niya. Na handang pakinggan ako sa kahit na ano mang hinanaing na dinadala ko at alam kong hindi niya ako tatalikuran.

Mabuti na lang at nawala sa isipan ko ang mga bagay na ayoko munang isipin dahil naiiyak lang ako. Naituon ko ang buong atensiyon sa klase, sa paparating naming exam.

"Saan ka nga pala magbabakasyon?" tanong ni Mina, nasa canteent kaming dalawa. Nakaupo malapit sa pinto papalabas kaya kami ang unang nakakakita kung sino man ang papasok doon. Nakatalikod ang puwesto ni Mina sa pinto

"Sa bahay lang kami," sagot ko. Sa bahay lang kami mananatili nina Mama, dahil hindi na rin naman matutuloy ang plano ng lalaking iyon na dalhin ako sa hacienda nila sa isang probinsiya.

"Well then, you can come with us na lang."

Hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Mina nang may pumasok sa canteen na siyang ikinatuon ng pansin ko roon. Bakit sila nandito? Harap-harapan talaga niyang ipinapakitang nakalimutan na niya ako at ang lahat ng pinagsamahan namin ay laro lang sa kaniya.

Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Nakatuon lang ang buong atensiyon sa magkasama si Hugo at ang babaeng kaninang nakita ko na kasama niya. Pumasok sila rito sa canteen na nakapulupot ang kamay ng babae sa mga braso ni Hugo at nakangiting naglalakad kasama ito.

Umiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa akin. Ayokong umiyak, gusto kong makita niyang wala akong pakialam sa kaniya. Ayokong makita niya na mahina ako, na naaapektuhan ako sa nakikita ng dalawa kong mga mata.

Ngunit 'di ko maiwasan dahil naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Nanlabo ito kaya hindi ako masyadong makakita.

Milyon-milyong matutulis na bagay na naman ang biglang bumulusok sa aking dibdib. Ang sakit-sakit naman kasi. Tama ba 'yun? Kakahiwalay lang naming dalawa ay makikita ko na lang na may kasama siyang iba.

Parang pinaninindigan niya rin na niloko lang niya ako at pinaglaruan. Wala siyang kasing sama! Napakawalang-hiya niya.

Mabilis akong tumayo. Hindi na ako nagpaalam pa kay Mina dahil naging abala na rin ito sa pagkain. Agad ko ring pinunasan ang mga luha ko na mabuti na lang ay hindi niya napapansin.

"Where are you going?" Napatingin na siya ngayon sa akin kaya mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya. "And, w-why are you–" Natigilan siya nang ibaling niya ang tingin sa katabi naming mesa kung saan ang puwesto ni Hugo at ang babaeng kasama niya.

Hindi ko na siya hinintay pa dahil agad akong umalis doon at lumabas ng canteen. Nasasaktan ako, dahil 'yung dating ako, ngayo'y may iba na. Hindi na ako iyong taong nasa tabi niya, hawak-hawak ang kamay niya.

Napakalupit din naman ni tadhana. Napakalupit niyang maglaro ng damdamin ng tao.

Pagkalabas ko ng canteen ay mabilis akong tumakbo. May iilan akong nabangga ngunit wala akong pakialam sa kanila kung masam man nila akong tignan. Ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na 'yun dahil sa tuwing nakikita ko kung gaano kalagkit ang tinginan nila sa isa't isa ay mas lalo lang naninikip ang dibdib ko.

Sa tuwing nakikita kong iba na ang kasama niya at hindi ako. Para akong sinasakal, nahihirapan akong huminga dahil sa higpit ng pagkakapiga sa aking puso.

Gusto ko na siyang kalimutan.

Dahil sa kakatakbo ko ay narating ko ang gate ng school at agad akong lumabas doon. Nanlalabo ang mga mata ko nang mabilis akong tumakbo upang makatawid sa kabila. Balak kong umuwi upang magkulong na lang sa aking kuwarto, iiyak at mananalangin na sana'y makalimutan ko na si Hugo.

"AKIII!"

Napahinto ako nang may tumawag sa pangalan ko. Ngunit huli na ito nang marinig ko ang malakas na busina ng kotse papunta sa akin. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko't hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagtama ng sarili ko sa harapan ng kotse.

Nahihilo ako at tila namamanhid ang katawan ko. Wala akong nararamdamang sakit dahil lahat ng sakit ay nasa aking puso.

"AKI! FCK! Please wake up, Aki. Please!"

Napatingin ako sa taong nakatungo sa akin, hindi ko makita ng maayos dahil nanlalabo na ng tuluyan ang paningin ko. Ngunit sigurado ako sa boses nito at hindi ako puwedeng magkamali.

"H-Hugo..." usal ko bago dumilim ang lahat.

*****

Any thoughts about this chapter?

Thank you for reading. Muah! Muah!

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.2M 44.7K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
108K 4.8K 60
The Businessman's Trap In an incident where Tristan Barcelona was caught in the act. He had no other choice, but to approach the man coming their way...
246K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...